OneShot:#2

46 13 9
                                    

RPW

I was scrolling through my cellphone, when someone messaged me on my rp account.

"Hi, crush!" he said.

Napailing na lamang ako, sanay na ko sa mga ganiyan dito sa rpw. Marami na rin ang nag-chat sa akin ng ganito pero ni isa ay wala akong nire-reply-an. I just wanted to make friends and not to flirt. I just wanted to rest, so that I went here.

The other day, I was shocked when I saw a lot of messages from the same person again.

"Uy, Crishele!"

"Ang snob naman,"

"Notice me, idol!"

Ilan lang 'yan sa mga chats niya sa akin. At hanggang ngayon ay china-chat niya pa rin ako, at dahil na rin sa nakukulitan na ko sa kaniya ay nireplyan ko na siya. Ayoko namang mang-block dahil baka ipagkalat niya pang 'feeling famous' ako.

"Ano bang kailangan mo?" I replied.

Agad-agad naman siyang nag-reply. "Hala, napansin rin sa wakas,"

I ignored him again.

"Sungit naman huhu,'"

"Gusto ko lang naman makipag-friends,"

Makalipas ang isang linggo, palagi niya pa rin akong china-chat. At dahil feeling ko naman ay okay naman siya, ay pumayag na kong maging kaibigan niya.

2 weeks after chatting, as a friends, we became closer and closer. Ang sarap niyang kausap. Never pa kaming na-ubusan ng topic. Palagi naming kinu-kwento sa isat-isa ang nangyayari sa araw namin.

Hanggang sa hindi ko inaasahan na... unti-unti na pala kong nahuhulog sa kaniya.

"Chrish, may sasabihin ako..." biglang sabi niya.

Ako naman ay biglang kinabahan, "Ano 'yon?"

"Can I court you?" bigla niyang sabi. H-he'll court me? Alam ko namang minsan lang ang magkaroon ng seryosong relasiyon dito sa rpw. But I'm hoping...

Doon nagsimula ang panahon na hindi ko namamalayan. Mas lumalim pa lalo ang pagkahulog ko sa kaniya sa mga araw na lumipas. Ang saya ko lang. Doon ko kasi napatunayan na... nakalimutan ko na siya. 'Yung lalaking naging dahilan kung bakit pinasok ko ang mundo ng rpw.

I wanted to forget him, that's why I don't want to flirt with somebody here. Until Leo came, he made me forget him. My first and true love who hurt me big time.

"Leo, sinasagot na kita..." Nakikita ko naman na seryoso siya sa'kin at hindi siya naglalaro kaya sumubok ako. I took a risk.

Our relationship in rpw went well. But we never showed our pictures to each other, as in never. Even in voice message or video call, we didn't. We're just contented to what we have right now.

"I love you, Love," biglang sabi niya.

My smile went wider, "I love you, more!"

Three days akong hindi nakapag-chat sa kaniya dahil nagkaroon ako ng sakit. Hindi ako pinayagan nila Mama na makagamit ng cellphone ko o mahawakan man lang iyon. Nag-aalala ako. Baka isipin niya ay iniwan ko na siya.

Nang buksan ko ang account ko kinabukasan ay bumulaga sa akin ang napakarami niyang messages.

"Hey, Crish, nasa'n ka na?"

"Okay ka lang ba?"

"Sumagot ka, please,"

"Nag-aalala na ko!"

Imbes na matakot ako matapos basahin ang lagpas isang daan niyang chats ay napangiti na lang ako. He really cared for me!

"Love, I'm really sorry. Nagka-sakit kasi ako kaya hindi ako nakapag-online, sorry,"

"Shit! Buti na lang bumalik ka na, pinag-alala mo ko ng sobra!"

Natawa naman ako, "Sorry po,"

"Hays," he replied.

"I love you!"

"Tsk, alam mo talaga kung paano ko kumalma 'no?" I bit my lower lip to stop myself from smiling.

"I love you, too, tsk," he added.

I can now tell to myself that I'm really in love with this man.

Months passed, ang daming nai-inggit sa amin. Wala naman kasi talagang tumatagal ng gan'to katagal katulad ng sa amin. They said we're almost perfect.

"Crishelle..." one time, he chatted.

Hindi ko alam, pero parang unti-unting dinudurog 'yung puso ko. "Yes, love?" nasabi ko na lang.

"Sorry." Para kong binuhusan ng malamig na tubig sa isang simpleng salita niya lang.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo, love?" Sinubukan kong pagaanin ang sitwasyon, pero walang nangyari.

"Sorry. Sorry for everything."

Ang dami niya pang sinabi pero sa isang mensahe niya natuon ang atensiyon ko. "I didn't love you,"

H-he didn't loved me? He never loved me?

"No, you're lying!"

"No, I'm not. Nung time na minessage kita, gusto ko lang talagang ma-divert 'yung attention ko. Gusto kong makalimutan 'yung ex ko. I know, I'm being harsh here, but I don't want to lie to you anymore,"

Namalayan ko na lang na unti-unti nang tumutulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"I'm really sorry, Crish, I tried. But... I just can't forget her. I'm sorry."

Nanginginig man ang mga kamay ay kinaya kong mag-reply sa kaniya. "Tangina ka pala eh, nananahimik ako tapos bigla kang manggugulo? Bigla kang susulpot sa buhay ko? Sinusubukan ko na eh. Sinusubukan ko na non iligtas 'yung sarili ko from being hurt. Pero, tangina naman, Leo. Bakit? Bakit ako? Bakit kailangan mo pa kong paglaruan? Minahal kita eh,"

"Sorry, Crish. Alam kong wala akong magagawa para mabawasan 'yung sakit na dinulot ko sa'yo, kaya sorry. Sorry talaga, matatanggap ko kung hindi mo ko mapapatawad."

"You saved me from being hurt. You fixed me. Now, you're drowning me again. You're drowning me that I can't survive anymore."

"Sorry... sorry,"

A week passed at nalaman ko na lang na umalis na siya sa rpw. Napangiti na lang ako ng mapait. Iniwan niya na talaga ko. Iniwan na naman ako. Sa real world, sinaktan ako, pati ba naman dito? Hindi ako makapaniwala, hanggang sa nagdesisyon na din akong umalis. Ang dami naming memories dito at gusto ko ng kumawala. Pagod na ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

I posted on my wall that I'm leaving. My friends was saying me, not to, but my decision is final. Hindi na ko babalik sa pekeng mundo na 'to. Until someone messaged me. It's one of his friend here.

"Hi, Crish, gusto ko lang sanang sabihin sa'yo bago ka umalis na minahal ka talaga ni Leo. Alam ko na ang reason ng break-up niyo. He loves you, trust me. Ayaw niya lang na masaktan ka pa. Naguguluhan kasi siya. Mahal kaniya, sa mismong ikaw, pero hindi niya alam kung bakit nakikita niya sa'yo yung ex niya. I wanted to say his real name to you. Sana makapag-usap kayo.

He's Lucas Nathan Menandro."

Nabitawan ko na lang ang cellphone ko dahil sa pagkabigla.

S-siya si L-lucas? M-my ex...

---

A/N: Give your feedbacks, please. I want to know haha. Mwa!

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now