Chain Four: Stuck With You

30 4 4
                                    

I've been stuck with Zsolt for three days now. I wear his mom's clothes and his.

Good thing that my friends are communicating with me so I don't get bored nor irritated by him.

"So... how does it feel to be in his house?" Guinn asked, I rolled my eyes as an answer.

"Alam ninyo, if only they gave us the notice, I wouldn't be here." I really had no choice but to stay in their home. Since wala parehas ang parents namin, hindi rin sila nagpapapasok o nagpapalabas lalo na't binigyan nila ng letter ang guard ng village na huwag kaming papalabasin na dalawa at pati na rin ang mga bata na nakatira rito.

Napairap ako nang bumukas ang pinto, wala man lang pagkatok. Siya na naman! Lagi ko na lang nakikita si Zsolt!

"Ano na naman? Wala pa tayong isang oras na naghiwalay!" My friends could hear my voice, I know. Katatapos lang namin kanina na magtanghalian, gusto niya kasi na kasabay niya akong kumain para nasisiguro niya na kumakain talaga ako.

"We need to talk, now." Lumapit siya sa akin at kinuha ang cellphone ko. Kumaway muna siya sa camera bago patayin ang tawag.

"Ano bang klaseng talk 'yan? Wala naman tayong pag-uusapan. May crush ka ba sa'kin?" Nakatingin lamang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang isipan niya, pati ang nakakainis niyang mukha.

"Ayoko sa'yo kaya i-uncrush mo na ako." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis din sa pinagsasabi ko.

"What are you talking about? Our dads are waiting for us. Cut the drama, Dwelibae." He grabbed my right wrist and started pulling me. Nevermind, bigla lang naman iyon lumbas sa isip ko. Sabagay, in those two years, hindi naman talaga kami magkasundo. Ewan ko ba sa tatay namin, sila lang naman ang magkasama lagi.

Sa kuwarto niya kami pumasok, nasa loob din ang mini office ni Zsolt. Katabi ng pinto sa kanan ay ang pinto ng kaniyang mini office.

"Hi, daddy!" Bati ko agad sa kaniya nang makaupo ako sa swivel chair ni Zsolt. Inunahan ko talaga siya sa uupuan niya.

"Hi, princess! Where's Zsolt?"

"Hanap ka, lapit ka na!" Nakatingin ito nang masama habang lumalapit sa akin. Inagawan ko kasi siya ng upuan.

Kinuha niya ang laptop at ipinatong ito sa lap niya habang nakaupo sa kaharap ko na sofa. Nakakainis talaga itong lalaki na ito!

"Ikaw ang lumapit," bulong niya na tama lang upang marinig ko. Tumayo ako at tumabi sa kabilang dulo ng sofa. Kung mang-iinis lang sila, bakit kailangang sa akin pa? Nananahimik na nga ako sa kuwarto ng tatlong araw.

"Dweli and Zsolt." Sabay na tawag nilang dalawa, tumikhim sila kaya nagkatinginan kaming dalawa.

Wala akong pagpipilian kaya ako na ang lumapit. Ayokong pagalitan ako ni daddy na may nakaririnig na iba.

"Zsolt, move closer to her. You've been together for years, don't be shy with each other." Uncle said. Ako ang nahihiya sa kanilang tatlo. Taob naman lagi si Zsolt sa daddy niya kaya kahit ayaw niya sa akin, wala siyang magagawa.

"Ano bang mayroon?" I asked. Napatingin naman ang dalawang gwapong tatay sa kanan nila, mukhang may pumasok sa pinto. Tumayo silang dalawa at voila! Nagkatinginan kami ni Zsolt, mukhang nang-aasar lang talaga sila. Bakit kailangan pa akong tawagin kung wala sa aming dalawa ni Zsolt ang atensyon nila?

"Anyways, nasabi na rin kasi nila sa akin. Since Fiona Cruz and Shane Miller were kidnapped wearing our school uniform, we are obliged to help them." He's looking straight at my eyes. Heto na naman tayo sa pagtulong, kung paghahanap talaga iyan sa kidnapper, I am totally out of that phase.

ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon