CHAPTER 2

21 2 0
                                    

Jhoanna Calling..
Answer Decline

Sinagot ko ang tawag gamit ng kaliwang kamay habang kinukuha naman nang aking kanang kamay ang mga gamit "Hello? Papun-" naputol ang sasabihin ko nang sumigaw si Jhoanna . "Alex! May mga lalakeng pumunta dito sinira lahat ng mamahalin mong machines kinuha din nila yung pera dito!! Pumunta kana dali"

Ito ang naging dahilan para magpanic ako at kunin ko lahat ng gamit na dadalhin ko sabay sinakay ito sa kotse at pinaharurot
ang aking sasakyan papuntang Coffler .

Pag dating ko sa parking lot ng shop ko nakita kong nagsisialisan ang mga tao sa loob . Agad akong pumasok sa loob nang makita kong umiiyak si Rosy.

"Anong nangyari?!" kinakabahan at nagaalala kong tanong , nakikita ko ang takot sa mata ng dalawang babaeng nasa harap ko ngayon . " Nasaan si Rylai?! Bat wala siya dito?! " Di na nakasagot si Rosy dahil sa kakaiyak namamaga ang mata nito at pinapatahan ni Jhoanna .

" May pumasok na limang armadong lalake sabay sinira lahat ng coffee maker mo tapos nagpaputok yung isa , susugod si Rylai, pipigilan ko na dapat kaso binaril siya sa braso " nanginginig na sabi ni Jhoanna habang kinekwento ang nangyari kanina sa shop " Pagkatapos non may costumer na nag dala kay Rylai sa ospital sumama si Charly , nasa ospital na ngayon si Rylai "

Nagaalala ako para kay Rylai isa yon sa pinaka mabait kong trabahador dito sa shop . Pero mas napapaisip ako sino yung nagutos sakanila na pasukin tong shop at sinira lahat ng gamit . Pumunta na lang ako kay Rosy na umiiyak parin dahil sa nangyari kanina , binalot ko ang aking braso sakanyang likod para bigyan ng comfort ang babae .

Nang medyo kumalma ang pakiramdam ni Rosy tinawag ko si Jhoanna para tulungan akong mag linis at itapon ang mga nasirang gamit .

Di naman ganon kadumi ang shop nagkagulo gulo lamang ang upuan at lamesa dahil sa mga taong nagpanic kanina , at yung mga pirapirasong bubog dahil sa nabasag na baso na malapit sa coffee maker na nasira din . Samantalang ang mga bulaklak ay medyo maayos pa .

Pag katapos namin mag ayos ng buong shop . Kumain muna kami ng lunch dahil inabot na kami ng ilang oras kakalinis sa laki ng shop . Sinara muna namin pansamantala ang shop hanggang sa di pa maayos ang kalagayan ni Rylai . Kumain kami ng tahimik at mabilis dahil pag katapos nito ay pupunta na kami sa hospital kung saan sinugod si Rylai . Tahimik lang si Rosy habang kami'y nasa kotse ako ay nagddrive at si Jhoanna at nakatingin sa bintana . Ang tahimik ng buong byahe halos walang nagsasalita saming tatlo hanggang sa maalala ko na di ko papala natatawagan ang kapatid at magulang ni Rylai . Kaya tinawag ko si Jhoanna at sabihan ang kuya nila na pumunta sa ospital dahil nabaril si Rylai

"Jhoanna paki tawagan ang kuya niyo sabihin mo nasa ospital si Rylai " sabi ko kay jhoanna habang ang mga mata ko'y nakatingin lamang sa harap . " Natawagan ko na po kanina pagkatapos kitang tawagan " walang ganang sabi ni Jhoanna . Tinignan ko ang likod at nandoon si Jhoanna nakatingin parin sa bintana . Saka ako tumingin ulit sa kalsada .

Nararamdaman ko ang lungkot sa dalawang magkapatid . Silang apat kasama si kyle ang kasama ko sa pag laki , kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanila .

Flashback

Nang makilala ko si Kyle pinakilala niya din sakin ang buong pamilya niya kasama dito ang kapatid niya na sila Rosy , Rylai at Jhoanna . Lagi kaming naglalaro sa bahay nila at hinahayaan lang ni mommy na lagi akong nasa bahay ng mga Buenavista . Di ko alam pero parang mas masaya sila mommy pag wala ako sa bahay at uuwi ako pag pauwi na si daddy galing work . Buti na lang at okay lang sa mga Buenavista na nandoon ako lagi sa bahay nila

End of flashback

Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na din kami sa ospital . Si Rosy ay nakatulog sa byahe dahil sa kakaiyak . "Nandito na tayo gisingin na si Rosy" utos ko kay Jhoanna na agad naman nitong sinunod .

Pag pasok namin sa ER kung saan sinugod si Rylai nandoon agad ang kanyang kuya na si Kyle . " Kuya , kamusta si Rylai? " Tanong ni Rosy sa kuya niya makikita mo ang kaba at takot sa mata nito na baka may mangyaring masama sa kapatid . "Ayos lang siya sa ngayon ay inooperahan siya para kunin sa kaliwang braso niya ang bala , sabi ng doctor kung di pa daw makuha agad ang bala baka mas lumala pa ang kondisyon niya , sila mommy nasa ibang bansa nag ka emergency sa kompanya sa states." Pinaliwanag ni Kyle saming tatlo ang nangyari at ang mga sinabi ng doctor kanina . Sinabi niya rin na umuwi na si Charly dahil may importante daw itong gagawin .

Inabot ng ilang oras ang operasyon dahil malalim ang napuntahan ng bala sa kanyang braso . At ngayon naguusap kami ni Kyle about sa nangyari kanina bago ako pumunta sa shop .

"Tumawag si mommy kanina .. sabi niya i uunable niya yung credit cards at atm cards ko pero may isang credit card ako dito na halos lahat ng pera ko nandoon , buti na lang di alam ni mommy na nandoon lahat ng ipon ko . " Paliwanag ko kay Kyle habang nandito kami sa private room kung saan nilipat si Rylai pagkatapos ng operasyon . " Edi good atleast kahit papaano may magagamit kapang pera , pero kung kulang pa yan sabihan mo lang ako na bahala " nakangiting sabi ni Kyle .

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko na kahit may problema kami ay nagawa naming ngumiti , pero di parin nawawala ang lungkot sa mata ko lalo na ng makita si Rylai sa ospital bed para magpahinga .

Kaming tatlo lang ni kyle ang nandito sa kwarto dahil ang dalawa ay kumuha ng ilang damit ni Rylai at namili ng pagkain namin malapit na din kasing magdinner at nagugutom na kami.

Paglalipas ng 30 minutes dumating na sila Rosy na may dalang prutas at ibang damit at si Jhoanna na dala ang ibang pagkain kasama na don ang take out na dinner namin .

Kumain na kami ng maayos nila ang mga pinamili at gamit ni Rylai . Habang kumakain nag uusap kami kung sino ang magbabantay kay Rylai ngayong gabi .

Base sa napagusapan ang magbabantay ngayong gabi kay Rylai ay si Rosy at Si Kyle samantalang si Jhoanna at Ako ay pupunta sa bahay ko para magpahinga na kami don . Nagpalipas muna kami ng oras sa pagkekwentuhan at iba pang mga bagay . Paglipas ng isang oras naisipan namin ni Jhoanna na umuwi at magpahinga na para bukas kami naman ang magbabantay kay Rylai.

Nagpaalam na kami sa dalawa at pumunta na ako magisa sa parking lot dahil bibili daw muna si Jhoanna ng chips and other snacks dahil gusto niya manood ng movie bago matulog .

Nang nakapunta nako sa kotse ay binuksan ko na ang lock nito at pumunta sa drivers seat nung ako'y naka upo na may nakita ako sa harap ng kotse ko na dahilan para mawala lahat ng pagod at nagpangiti sakin.

________________

Ano kaya yon?

Walls Between Us  ( On-Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon