CHAPTER 3

10 2 0
                                    

Alex POV

Nang nakapunta nako sa kotse ay binuksan ko na ang lock nito at pumunta sa drivers seat nung ako'y naka upo na may nakita ako sa harap ng kotse ko na dahilan para mawala lahat ng pagod at nagpangiti sakin.

Gabi gabi ay may nagbibigay ng bulaklak sakin at kahit walang note bilang patunay kung sino ang nagbigay . Sanay nako na pag malapit nako umuwi ay may makikita akong lavander , minsan sa harap ng pinto sa sarili kong bahay at minsan sa kotse . Hindi ko alam kung sino ang nagbigay nito pero ito ay aking kinukuha ni hindi ko ito mailagay sa basurahan dahil ako nasasayangan. Sa mga gabing nakakakita ako ng paborito kong bulaklak ay napapangiti ako at nawawala ang aking pagod .

"Alex!" Narinig ko ang aking pangalan sa likod ko . Agad kong binuksan ang compartment at nilagay doon ang bulaklak tsaka ko isinara at sinagot si Jhoanna.

"Oh? Tapos kana bumili ? Halika na para mabilis tayo makauwi sa bahay" pag yayaya ko kay Jhoanna , naaatat na din kasi akong umuwi para mailagay ko na ang bulaklak sa kwarto.

"Okay sige sige para makanood agad tayo ng movie" sabi ni Jhoanna habang nilalagay ang pinamili sa passenger seat . Sabay umupo sa tabi ng drivers seat at ako naman ay sumakay na at nag drive papuntang bahay .

Javier POV

Nandito ako ngayon sa kotse ni Alex , mag gagabi na pero pumunta parin ako dito para ilagay tong lavander na paborito niyang bulaklak . Alam kong naging nakakapagod at nakakastress ang araw niya , halata naman sa itsura niya dahil sa mga nangyayari ngayong araw . Buong araw ko siyang sinundan ngayon dahil day off ko at wala naman akong gagawin , dati ko pa ito ginagawa at sanay nako na tinitignan ko lang siya sa malayo dahil sa takot , ayaw ko nang sirain ang tahimik niyang buhay dahil sa nagkakagusto ako sakanya . Sapat na sakin ang ganito kahit labag sa kalooban ko ang ginagawa ko .

Planado na ang buhay ko simula nang mamatay ang bestfriend . Nagtatrabaho ako bilang secret agent para sa isang mission at sa pagkuha ng hustiya sa matalik kong kaibigan . Saktong namatay ang aking kaibigan ilang linggo ay pinadala ako sa russia para mag training don ng mga self defense at iba pang mga bagay na pwedeng magamit sa kalaban , bukod din kasi sa pagkuha ng hustisya , kinakalaban ko ang mga ito para sa kaligtasan ng buong bansa . Sila ang pinaka malaking drug dealer sa bansa lahat ng klase ng droga ay ibinebenta nila sa mg clubs , specially sa mga minor na nakakasalubong nila . Alam ito ng gobyerno pero tumatahimik lang sila at nakikipag tulungan sa aming samahan dati , kaya ako ang nakuha bilang secret agent para alamin lahat ng sekreto ng aming kalaban at matigil ang ginagawa nitong kalokohan .

Ilang taon lang akong nagtrabaho bilang secret agent pero di tulad noon na buong araw ay nagtatrabaho ako , ngayon ay tinatawag na lang nila ako para sa mga biglaan at agresibong labanan , isa din kasi ako sa pinakamagaling na secret agent sa buong samahan namin .

Sa mga araw na di ako nagtatrabaho bilang agent nasa bahay lang ako at tinutulungan ang parents ko , mayaman kami pero ang pagmamahal at pagtutulungan sa pamilya ay nananatili . Pinalaki kami ng magulang namin na mabait at may respeto pero kahit ganon ay di kami perpektong pamilya . At minsan naman ay sinusundan ko si Alex . Nakikita at nasasaksihan ko ang bawat araw niya kaya lagi akong nagiiwan ng bulaklak sa kanyang kotse o kaya sa kanyang bahay , laking tuwa ko naman pag nasasaksihan ko ang kanyang labi ay umaabot sa kanyang tenga dahilan pag nakikita niya ang bulaklak na galing sakin . Nakikita ko ang pagkakunot ng kanyang noo na parang nagtatanong sa sarili kung sino ba ang nagbigay nito pero kahit papaano ay kinukuha niya parin yon .

Ang buhay ko ay masaya dahil sa pamilya , kaibigan , at dahil narin kay Alex . Dati pa lamang ay sinusundan ko na si Alex , laging nakikita ko ang pagiisa at lungkot sa kanyang mga mata na parang malalim ang iniisip at pinagdadaanan niya ..

Flashback


Okay dyan muna

Short Update for now nagiging busy nako talaga sorry everyone


Edit : Grabe if i have so many time ieedit ko to kasi medyo nagulo siya pero babawi ako the next day kasi every other day napo ako maguupdate nakakapressure kung araw araw kasi inaatake ako ng writers block hehe thanks

Walls Between Us  ( On-Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon