Part 1

335 2 0
                                    


"Yulli! What to do?" Tanong ko sa kaibigan kong nasa harapan ko ngayon at lumalamon.

Naikwento ko kasi sakanya yung nangyari kahapon at nangyari kanina nung pumipila pa siya para bumili ng pagkain namin.

"Hmm. I don't know. Sinabi talagang gusto ka kaagad? Wala man lang bang tanong kung manliligaw sila? Ampupu naman no'n"

"Hoy! Tumatalsik naman yang kinakain mo! Yak! Pero anyways, paano na? Anong sasabihin ko? Shet, feeling ko mao-awkward ako! Sabay ko pa naman silang kaklase sa dalawang subjects ko. Waaah buti nalang at kaklase kita sa lahat. Tabi tayo maya ha!" Sabay parang hysterical face at puppy eyes ko kay Yulli pero kumunot yung noo niya.

"Huh? Eh walang problema sa'kin kaso di pwede eh. Ayaw kong mapagalitan ni Ms. Liva at mapalinis sa buong school no! Ikaw ba gusto mo?"

"Eh ayaw ko rin eh! Pero---" naputol yung sasabihin ko ng biglang dumating si Stephen at pinatong ang palad sa ulo netong kaibigan kong lamon ng lamon.

"Lyla, kunin ko na muna itong maliit kong girlfriend ha. Sorry to leave you alone here for now." Nakakuha naman ito ng matalim na tingin galing kay Yulli pagkatapos niyang sabihin iyong 'maliit kong girlfriend' pero lumingon din agad sa'kin si Yulli with her worried eyes at pabulong na nagsalita.

"Okay lang ba na maiwan ka muna dito? I mean baka makita ka nung dalawa dito at guluhin ka. Pwede namang sa sunod na kami magsama nitong bakulaw na ito." Pero umiling lang ako at ngumiti.

"Nope I'm fine here. Ehem, atsaka mukhang miss na miss ka na ata oh." Namula ito at nakatanggap pa ako ng konting palo sa kanya bago sila umalis.

I sighed. I wish I have that someone too.

...

Dismissal na.

Asan na kaya yung Yulli na yun. Eh magpapaalam akong di muna matutuloy yung lakad namin ngayon kasi may meeting ang grupo namin.

I texted her...

Hey Yulli! Asan ka na?

Oh noo! Sorry! Nakalimutan kong itext ka
May urgent na lakad kami ni Mommy.

Okay, ingat.
Magpapaalam rin sana ako
sa'yo na di tayo makakatuloy dahil may group meeting kami ngayon.

After that. I slipped my phone inside my pocket. At dumiretso sa field dahil doon kami magmi-meeting.

"Hi Lyla"

Oh no. I forgot to tell you na groupmates ko si Ishaan at Chase. Crap. How to not be awkward!

"U-uhmm hi haha" bati ko kay Ishaan sabay awkward smile at tingin sa direksyon niya pero di talaga sa kanya sa totoo lang.

"Oy Lyla! Tawag ka ni Jade" medyo napatalon ako nung biglang sumulpot sa tabi ko si Chase at hinawakan yung wrist ko at kinaladkad ako papunta kay Jade which is naglalaro lang sa phone niya.

"Bakit yun Jade? Tawag mo raw ako?" Tanong ko kay Jade pero kumunot yung noo nito.

"Huh wala ah?"

"Eh sabi ni Chase--" naputol yung sasabihin ko nang biglang nagsalita ulit si Chase.

"I think I've misheard her. Sorry naabala ko yung pag-uusap ninyo nung Ishaan na yun" at sabay walkout niya. Ano ba problema nun?

Torn [SHORT STORY]Where stories live. Discover now