Ena's POV
April 29, 2020
Tingin ko sa calendar sa cellphone ko. Kagabi ko pa sinusubukan tawagan si Ethan, hindi ako mapakali sa mga pictures na binigay ni Sunny na naka envelop pa talaga. Tss
"Ethan, gusto kitang maka-usap."
[message sent]
"Ena, halika hindi ka ba sasama sakin sa flower shop?" tanong ni Mama
Oo nga sasama na lang ako don para malibang at makatulong naman sa mga gumagawa sa flower shop namin.
"Ma wait po, maliligo lang ako sandali. Pahintay na po ako."
"Sige bilisan mo lang." rinig kong sabi ni Mama. Bilib din ako kay Mama 13 years old lang ako noong namatay si Papa pero simula non, hindi ako nakaramdam ng kakulangan sa pagkatao ko.
Alam kong mahirap para sa kaniya pero kinakaya niya. Mabuti na lang talaga at kahit wala na si Papa meron naman flower shop sila Lola at pinamahal niya na lang yon kay Mama, para naman daw may pinagkukuhanan kami ng pangkain sa araw-araw.
Pero simula nang si Mama na ang namamahala sa Pots mas lumago yon kasi magaan ang kamay ni Mama siya mismo ang nagtanim ng ilang bulaklak dati ron noong wala pang nakukuhang trabahador para sa flower shop si Mama. Nakita namin ni Kuya kung paano pinaghirapan ni Mama ang Pots para lumago. Kaya nakapag aral kami ni kuya sa maayos na schools.
25 years old na si Kuya at isang sikat na engr sa Baguio. Don rin kasi siya nag-aral since senior high nung nawala si Papa. Binibigyan naman ako ni kuya ng monthly allowance kaya yung kinikita ni Mama sa flower shop pangbili na lang namin ng gusto namin sa bahay or sa sarili.
Natapos na kong maligo at nag-ayos na rin ng mukha. Naglagay lang ako ng turban at inayos ang makapal ko at ayos na kilay gamit ang brush sa eye liner ko.
"Mama halika na po." sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko at nilapitan si Mama.
"Ena anak, nagsabi si Marlon sa akin na pupunta rin daw siya sa Pots para kumuha ng tulips para kay Sanya."
Suki nga pala ng tulips si Tita Sanya ang mommy ni Marlon."Ganon po? Wala naman siyang sinabi sakin na pupunta siya. Text ko lang po." sabi ko at nag seatbelt na pina andar na ni Mama ang kotse para maka-alis na kami.
"Baklita na sa Pots kana ba?"
[Message sent]
[1 message unread]
"Wala pa Mi, pasakay pa lang ako sa kotse. Why?"
Reply niya. Ang bilis talaga kahit kailan parang walang madaming ka-text na boys.
"Nothing ako na lang ang mag aayos sa tulips ni Tita."
[Message sent]
Ilang minuto lang nakarating na kami sa bayan dahil malapit lang naman ang bahay namin limang minuto lang tagal kapag nakasakay. Pero kung galing sa Mansyon ng San Delfin aabutin pa siguro ng 20 minutes.
Pagkarating namin sa pwesto ng Pots nakita ko si Raylisse na kumakaway.
"Ena! I missed you so much!" sabi niya ng makalapit nako sa kaniya.
"Oh my! Lisse na miss rin kita! Sabi ni Marlon papunta pa lang siya? Bakit hindi kayo nagsabay na lang?" tanong ko at inakbayan kona siya papasok sa loob ng Pots. Nakita ko si Manang Tessy at Manang Helen kasama ang mga costumer namin na madalas kumuha ng bulaklak sa amin.
"Hi Manang kamusta po?" tanong ko kay Manang helen dahil siya ang malapit sa akin.
"Ena! Mabuti at lumabas kana sa inyo? Maayos naman dito madaming naghahanap na manliligaw mo dito." sabi niya at taas baba pa ang mga kilay.
YOU ARE READING
Stone Heart
Genç KurguBabaeng pusong bato, Llumena Calidro ang nabubuhay sa kamanhidan. Hindi naniniwala na lahat ng love story masaya. But one day, she found out everything that made her changed for a lifetime.