Ena's POV
Bandang alas tres ng hapon ay mas pinili kong bumama para manood muna ng tv para matanggal naman ang kabagutan ko sa loob ng kwarto pagkatapos kong magbasa ng libro mula sa isa sa mga paborito kong author.
Naabutan ko sa baba si mama habang nag-aayos ng pinaglutuan niya naamoy ko naman yung mabangong amoy ng bilo-bilo niya!
"Oh? Kamusta mahal na prinsesa? Gutom kana no? Kaya ka bumaba ng hindi tinatawag eh." sabi ni mama habang kumukuha ng mangkok.
"Ma, umakyat nanaman si Marlon sa kwarto nagbigay ng chocolates tsaka... Oo nga pala nakalimutan kong kuhanin yon. Hehe, kunin ko lang po." hindi kona hinintay ang sagot ni mama at umakyat na agad ako para kunin ang chocolates para mailagay sa ref at hindi na matunaw.
"Mama oh!" sabi at abot ng eco bag sa kanya.
Nakita ko naman na meron ng meryenda sa lamesa kaya umupo nako at kinain yon dahil alam kong sakin din yon. Bwahahaha!
"Ma, inimbitahan din ako ni Marlon sa birthday niya debut niya ngayon ma gusto daw niya ng escort." -_- sabi ko ng hindi na makatingin kay mama dahil masyado akong busy sa paghahanap ng saging sa bilo-bilo
"Bakit kahilig ni Marlon umakyat sa kwarto mo Ena ha?! Mamaya ay mabuntis kana lang bata ka! May boypren kapa naman!" sabi ni mama
Napatigil ako ng pagsubo hindi nga pala alam ng lahat ang sikreto ng magaling kong matalik na kaibigan.
>_<
"Ma wala kang problema pagdating kay Marlon chill ka lang ma." Sabi ko at hinahagod pa talaga ang kamay niyang kakapatong lang niya sa lamesa.
"Ma, sinabi rin niyang nakita nanaman niya si Ethan kasama si Angie parang iba pa yung tono niya sa pagsabi. Hindi ba dumaan kanina si Ethan dito?" Tanong ko
"Naku! Yan na ang sinasabi ko sayo Llumina tigilan mo ang pag bo boypren! Walang magandang dulot yan." Seryosong sabi ni mama sakin.
Hindi na lang ako sumagot sa kanya
Alam ko ayaw talaga ni mama kay Ethan una pa lang, pero habang tumatagal nagiging okay naman na pakiki-tungo niya. Si Angie naman ayaw din ni mama halata daw niya na hindi maganda talaga ang ugali ng pamangkin niya.
"Ma, hindi kaya..."
*Knock! Knock!*
"Llumina!"Rinig namin ni mama na tawag sa labas. Nagkatinginan pa kami pagkatapos ay sinabi ni mama na siya na ang magbubukas at kumain na lang ako.
"Hi tita!"
"Llumina nandito na si Sunny! Oh siya sige pasok kana ng bata ka kumakain sa kusina si Llumina puntahan mo at kumain kana rin." Rinig kong sabi ni mama kay Sunny.
Pamaya maya ang narinig kona nga ang takbo ni sunny sakin.
"Llumina alam mo ba nakita ko nanaman si Ethan at ang impokrita mong pinsan." Sabi niya at umupo na may nilapag siya maliit na brown envelope sa lamesa.
"At alam mo ba nag effort pa talaga ko tignan mo yan nasa loob ng papel ng maniwala ka! Hmmp!" Sabi niya at kumuha na ng mangkok para siguro kumain din.
Talaga to pagkain na lang lagi pinupunta dito sa bahay. -__-
Ako naman ay walang sabi na tinignan ang nasa loob ng papel.
Nakita ko si Ethan na sibusukluban sa payong si Angie habang nakangiti. Alam kong mag kaibigan na sila natural lang naman siguro yon. At sabi sakin ni Ethan na hindi dapat ako nagseselos sa pinsan ko dahil walang namamagitan sa kanila.
"Sunny alam mo baka nagkamali ka lang. Bakit ba palagi mong pinagiinitan ng ulo ng Ethan ko ha?!" Sabi ko sa kanya
Napa tigil naman ng subo sa pagkain niya si Sunny
"Llumina alam mo ang manhid mo talaga kung ako ikaw matagal ko ng hiniwalayan si Ethan masyado siyang malapit sa mga babae. Tignan mo oh pati pinsan mo. Tss!" Maarte niyang sabi na nay kasama pang pilitik sa daliri.
"Sunny lapitin talaga ng babae si Ethan, first year high school pa lang kaya nga madami siyang ex pero tignan mo naman sakin lang siya tumagal at tumino."
"Oh my dear Llumina, You are too innocent for a man who likes to explore you'll never know kung faithful yan sayo. Why don't you just go and find someone much better than a jerk like him?" sabi niya habang hinihimas ang ulo ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginawa yon.
"Tita si Llumina na oh sinasabi ko ng baka may babae na si Ethan pero ayaw parin maniwala sakin!"
"Bwahahaha! Gaga ka talaga." Sabi ko sa kanya habang sinasaak siya
"I know dear! hahaha." sabi niya at sabay madramang flip hair.
"But you're the best just like Marlon. Right! Alam mo ba inakyat nanaman ako ni Marlon kanina at binigyan ng bagong chocolate nila?" Tinignan niya kong parang may nakakakilig na ginawa kahit na alam niyang bakla si Marlon dahil sinabi ko pero hindi siya naniniwala.
"Besty wala ka bang plano na magkagusto kay Marlon?" tanong niya habang nilagay ang kamay sa baba niya at nag tu twinkle pa talaga ang mata na parang nag de daydream na bata.
"Hindi kapa rin ba naniniwala sa sinabi ko sa kasarian ni Marlon?" tanong ko sa kanya.
"No no no no no!" sabi niya habang paulit-ulit na umiiling
Umiling na lang din ako sa kanya at tinignan siya.
Kinuha ko ang isang chocolate na bigay ni Marlon at pinakain ko sa kanya.
"My God! Besty ang sarap talaga at alam mo bang may kamahalan ang price ng nga chocolate na to?" tanong niya.
"Sabi sakin ni Marlon mura lang daw yan kaya nga linggo linggo daw niya kong pinabibigyan ng isang puno na maliit na box niyan." sabi ko at kumuha ng candy na paborito ko. Shet! Heaven talaga!
Tinignan naman ako ni Sunny na hindi makapaniwala na palagi niyang ginagawa.

YOU ARE READING
Stone Heart
Fiksi RemajaBabaeng pusong bato, Llumena Calidro ang nabubuhay sa kamanhidan. Hindi naniniwala na lahat ng love story masaya. But one day, she found out everything that made her changed for a lifetime.