Dalawa

5 1 0
                                    


Ena's POV

Ang tagal na pala ng bakasyon nagsisimula na kong mabaliw dito sa bahay, hindi naman na kasi ako sanay lumabas tulad ng dati. Wala ng masaya sa labas, wala ng bata na pakalat kalat sa kalye, mga maiingay, yung masayang tawanan, tagaktak na pawis na madalas mong makikita sa kalaro. Lahat ng yon wala na.

Hindi ko alam kung gano ako katagal naka tingin sa labas ng bintana ko ng biglang may pumitik sa harapan ko at bumalik ako sa realidad. ~_~

"Hoooy! MINA! Aba, kanina pako nakatayo dito sa harapan mo hindi ka man lang maka-usap ng matino ha." Sabi ni Marlon habang umiirap irap pa sakin.

"Hanep ka! Gusto mo bang sakalin kita ngayon ha?!" Nanggagalaiti kong sabi sa kanya habang lumalayo na sa bintana.

Siya naman ay umakyat ng tuluyan mula sa isang sanga ng mangga na nakalapit sa binta ng kwarto ko. Gusto kong matawa sa kanya dahil mukhang hirap na hirap siyang humakbang gayong napakalaki ng katawan niya para sa isang binabae at talaga hindi nawawala ang makapal niyang make-up. Hahaha!

"Oh? Ano ka ngayon akala ko ba nag wo work-out ka teh? Haha! Parang lalaki nga lang talaga tinitignan mo sa gym ah!" Hahaha! At ngayon palang talaga nakasampa sa hamba ng bintana ko ang bakla. ヾ(≧▽≦*)o

"Mina naman hindi moba ko tutulungan ayusin tong itsura ko ha! Kita mo naman baklita oh nagulo mga hair pin ko. Ayusin mo yan ngayon!" Sabi niya ng halos hindi na maipinta ang mukha.

"Alam mo ginusto mo yan eh ikaw mag-ayos niyan. Hahaha!" Sabi ko.

"Bakla hindi mo aakalain kung sino ang nakita ko. Huh!"

"Pakielam ko!" sigaw ko sa kay Marlon.

"Hmmp! Ang sama mo talaga sakin bakla." Sabi niya habang parang naiiyak na talaga.

Jusko! Ewan ko kung bat ako nagkaron ng kaibigang ganito. Masyadong iyak ang baklang to.

~_~

"Oo na! Oh sino ba yung nakita mo?" Tanong ko.

"Ha ha ha! Edi sino pa edi yung magaling mong BOYFRIEND! Kasama yung pinsan mong impakta na mukhang anghel kapag nandiyan ka!" Sabi niya na parang alam na alam niya ang lahat.

Teka si Ethan? Kasama si Angie? Alam kong madalas na silang magkasama pero dahil sa trabaho yon. Working student si ethan at ganon rin si Angiela. Pero...

"Saan? Baka nagta trabaho lang sila alam mo namang magkasama yon diba?" Sabi ko habang naghahanap ng librong pwede kong basahin.

"Hay nako basta ako! I saw what I see. Sinabihan lang kita Mina BULAG ka pa naman" Sabi ni Marlon.

Tinignan ko lang siya ng saglit at binalik kona ang tingin ko sa mga libro sa collections ko sa kwarto.

"Alam mo naman na i cared for you, so much girl kaya inaalala ko lang yung kaganapan sa buhay mo." sincerely na sabi ni marlon habang malungkot ang tono ng pananalita.

"Alam mo Maloncio San Delfin III kayang-kaya ko ang sarili ko wala kang dapat Ipagalala bakla!" Sabi at nilapotan siya tsaka mahinang tinapik ang balikat niya.

"Ay oo nga pala, kaya pala ko nagpunta dito dahil may magaganap na ball sa May 12 para sa pagiging matagumpay ng isa sa mga bago kong project and birthday kona rin." Sabi niya habang nakatingin sa salamin ko study table ay inaayos ayos pa ang kanya imaginary long hair.

Tinignan ko ang calendar sa tabi ng pintuan April 28 palang naman.

"Alam mong ayaw k---"

"Hepep pep! Sagot kona ang hair and make-up mo and also I don't want other debut partner more than you bakla" Pagputol niya sa sinasabi ko.

"Ayoko parin!"

"Aaa! Talaga ha. Nagpahanda ba naman ako ng mga minatamis don sayang mukhang iibahin kona lang yon" Sabi niya ng umiiling at parang nanghihinayang eh hindi naman siya mahilig don. Duh!

"Ayaw!" Sagot ko.

"Okay fine papagawan kita kay Mamita ng paborito mong chocolate mousse ayos na ba ha?" Sabi niya habang umiirap naman.

Nakakatawa talaga ang itsura niya ngayon dahil lalo nasa suot niyang fit na fit pa sa katawan niyang bukol bukol ang muscles. Haha!

"Kung sana at kanina mopa sinabi yan edi hindi ako nakatanggi." Sabi ko at hinampas siya sa braso.

"Araaaay! Baklita ka hindi kaba maaawa sa kutis ko ha! Mahal lotion ko akala mo." Sabi niya habang hinihimas ang brasong natampal ko.

"Hahaha! Hindi ka nakakaawa eh sorry. Hahaha! Laki laki ng katawan mo bilis mo masaktan" Natatawang sabi ko habang nakaupo na sa kama.

"O siya uuwi nako at marami pa kong gagawin sa opisina ko at... Ay teka nakalimutan ko yung choco bar na gawa ko para sa bagong ilalabas ng factory wait girl." at kumaripas na ng takbo sa sanga ng mangga yumuko siya at nakita ko lang green eco bag.

Hala mukhang madami dami yon ah. Patatabain talaga ko ng kaibigan ko oo buti na lang at talagang slender lang ang pangangatawan ko.

"Hahaha! Marlon bilisan mo naman maglakad wag ka ng kumembot patikim nako niyan!" Sabi ko dahil talagang umiikot ikot pa siya kaya natatawa ko at hinahawakan na ang tiyan dahil sumasakit na sa pagtawa ko.

"Oo na bakla." Sabi niya at umayos na ng lakad.

"Ano-anong flavor yan?" Tanong ko.

"Basta tikman mona lang mamaya. Aalis nako madami gagawin sa opisina ko sa 1pm ng hapon and It's already 12:50 uuwi pako sa bahay ko. Babush bakla!" Sabi niya at mabilis hinalikan ang pisngi ko.

"Okay ingat sa antik marlon ha. Hahaha! Sayang lotion mo! Salamat dito sa choco bars!" Sabi ko ng pasigaw dahil medto malayo na ang nabababa niya mula sa bintana.

Palagi na lang matagal umakyat at napakabilis niya bumababa kapag aalis na.

Bumalik ako sa kama at tinignan ang eco bag merong isang supot ng white chocolate candies na hindi na wawala dahil paborito ko at isang naka sealed na box.

Mas inuna kong tignan ang naka box may letter pa ang impakta. For my beshy! Pa ang nakalagay (ˉ(∞)ˉ)

Nakita ko at iba iba ang flavor non tatlong white choco bars, tatlong caramel, at tig dalawa ng strawberry at chocolate.

I must admit it! Habang tumatagal mas sumasarap ang chocolates sa company ng Del Fins. Mamaya kong titikman yon.

Naalala ko ang sinabi ni Marlon na kasam nanaman ni Ethan ang pinsan ko kaya tinext ko si Ethan.

Llumina

Hey sweetie! Sabi ni Marlon nakita ka niya earlier? With angie again?

Hindi ko alam kung magseselos ba ako o hindi dahil alam kong mas unang naging magkaibigan si ethan and angie dahil matanda naein si ethan kasi ng tatlong taon at ganon rin si angie pero dumadalas ata ang bonding nila ngayon?

I hope It's not what I am thinking.

Stone HeartWhere stories live. Discover now