Chapter 10 🌻

35 1 0
                                    

TININGNAN NI FELICITY ang orasan na nasa bedside table niya. Alas-dos na ng madaling araw at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ano pa bang aasahan niya e nasa 8pm siya nagising kanina. Pinipilit niya ang sarili na matulog ngunit gising na gising pa rin ang diwa niya.

2:49 *sigh* Hindi pa rin makatulog ng maayos si Felicity ng gabing iyon. Bukod kasi sa buong araw na siyang tulog, nagpagulo rin kasi sa isip niya ang sinabi ni Froilan sa kaniya kani-kanina lang bago ito umalis.

Hindi alam ni Felicity ang gagawin ng mga oras na iyon. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso at parang may paru-paru na kumikiliti sa kaniyang tiyan na hindi niya maintindihan.

"Ha?"parang namingi siya dahil sa itinuran nito. Ano daw? Anong sabi niya?

"I said yes. I'm going to apply as your boyfriend."he said nonchalantly while shrugging his shoulder.

Walang magawa si Felicity kundi tumanga sa harap ng kausap habang pilit inaarok ng kaniyang isipan ang mga sinasabi nito. May parte ng puso niya ang nagsasabing payagan ito at may parte rin doon na hindi makapagdesisyon.

"Are you serious right now?"hindi niya mapigilang tanungin ang lalaki.

Naiisip ba nito ang pinagsasabi niya baka kasi nabagok ang ulo nito saad ni Felicity sa kaniyang utak.

"Yes I'm serious. So...you want to see my resumé? tanong nito sa kanya na may maliit na ngiti sa mga labi.

Hindi niya alam kung nagbibiro ba ang binata o nagsasabi ng totoo. Ayaw niyang malaman kung may katotohanan ang mga sinasambit ng labi nito dahil alam niyang maloko ito. Naririnig niya ang mga kamunduhang ginagawa nito sa kaniyang apartment dahilan para magduda siya.

Pero sa kabilang banda, naramdaman niyang nagbabago na ito noong nakaraang mga araw kaya't hindi niya maaaring pagdudahan ng sobra ang intensyon nito. I will give him the benefit of the doubt.

Pagkatapos ng paguusap nilang iyon, iniwan na siya ni Froilan sa kaniyang unit para makapagpahinga siya ng maayos at bunalik ang lakas ngunit bago lumisan hinugasan muna nito ang kanilang pinagkainan kahit pa sinasabi niyang siya na lamang ang gagawa niyon. Ito na rin ang nagpakain sa alaga niyang si Mr. Wiggles na panay ang paglalambing sa mga paa ng binata.

"Totoo kaya ang sinasabi niya? Baka naman pinapaasa niya lang ako?"tanong sa sarili. Hindi na nag-abala pa si Felicity sa pagiisip at pinilit na lang ang sariling matulog.

Malalakas na katok ang nagpagising sa natutulog na anyo ni Felicity. Wala sa sariling napatayo siya at nagtungo sa pintuan para sana tingnan kung sino ang bisita niya.

Himuhikab at nagkukusot ng mata na binuksan ni Felicity ang pinto ng apartment niya at nakita si Froilan na may dalang dalawang malalaking eco bag.

"Anong ginagawa mo dito?" nawala ang antok na lumulukob sa katawan niya at nanlalaking tiningnan ito.

Hindi kaagad nakasagot si Froilan sa tanong ng huli. Abala kasi ang mga mata niya sa pagtingin sa kabuuan ng babae. Halatang bagong gising pa ito magulo kasi ang buhok ng huli at gusot-gusot pa ang suot na damit. Nakasuot kasi ito ng maluwag na panlalaking damit na umaabot sa gitna ng kaniyang mapuputi at makikinis na hita.

"Anong tinitingnan mo ha? Bakit parang hinuhubaran mo ako ng tingin." padaskol na sabi nito.

Namula naman ang mukha ni Froilan at itinuro ang kasuotan na suot niya. "Erm... You should change I can see your nipples happiness."

Nagbaba ng tingin si Felicity sa katawan niya at ganoon na lamang ang pag-iinit ng kaniyang mukha sa nasaksihan. Wala akong suot na bra, nakakahiya!

Paradisque Girls Series #1: Felicity LogmaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon