"Happy One month, Benelope!" Sabay naming bati ni Mama.
Bene has grown a lot since that night. Marunong na siyang tumakbo at nakikipaglaro na rin siya sa amin. At alam niya kapag tinatawag siya.
Katulad ngayon, panay ang hiyaw niya dahil ramdam niyang para sa kanya ang okasyon. Iginawa siya ni mama ng cake na gawa sa cat food.
Papa grew fond of her. Gustong gusto niyang nilalambing siya ni Bene at minsa'y katabi niya pa ito sa pagtulog. Malaki na ang pinagbago ng kalagayan ni papa.
That's why we wanted to make this day extra special. We planned an outing for it and we prepared food for Bene. Sa park namin piniling magcelebrate.
"Time to make a wish! Come here Bene." Binuhat ko siya at inupo sa hita ko.
"Meow." she resisted.
"It won't be long sweetheart. Just stay still for the picture taking." alo ni Mama.
We brought a camera stand para hindi kami mahirapan kumuha ng litrato. Iyon ang una kong inayos pagdating namin. We took a few shots then gave our wishes for Bene.
"I wish you'd have more than nine lives and I would love it if you spend it all with us." I hugged her.
Mama was teary-eyed when I glanced at her. Ramdam ko nga pati si Papa ay naiiyak na rin kaso imposibleng mangyari iyon. I let out a soft laugh to shake the tension off.
"Okay, my turn. Bene, sweetheart, I hope you know how much we treasure you especially Papa and Bella. I wish... you would never... break their hearts." Mama started crying.
Nilapitan ko siya at niyakap. "Why are we getting emotional here! We're supposed to have fun, diba Pa?" Nilingon ko siya. And this time, nakita ko nang harapan ang mga butil ng luhang naglandas sa pisngi niya.
"Oh, Rogelio!" si Mama at agad na nilapitan si Papa. Hindi ako makagalaw. Sa loob ng maraming taon ay ngayon ko lang nakitaan ng ekspresyon si papa. Kung hindi pa dumating si Bene...
"Ma, si Bene?" tanong ko. Wala na kasi siya sa tabi ko. Nag alala ako dahil baka napunta na siya sa kalsada kaya agad akong tumayo. "Hanapin ko lang po si Bene, Ma."
Habang naglalakad ay panay ang lingon ko sa magkabilang gilid. Maging ang sulok ng mga halamanan ay sinuyod ko na rin. Nag uumpisa na akong mataranta dahil ilang minuto na akong naghahanap nang mapansin ko ang isang babae na nakaluhod.
Nilapitan ko ito dahil may kutob akong si Bene iyong nasa harapan niya. Hindi nga ako nagkamali.
"Alam mo ba kung paano bumalik sa amo mo? Sasamahan kita." sabi Niya.
"Uh, excuse me..."
"Bakit Miss?" Naguluhan yata siya sa paglapit ko.
"Kasi... ako iyong may ari... ng kuting." Sabay turo kay Bene na ngayon ay abala sa paglilinis ng sarili.
"Ikaw si E.N. Po---?"
"Oo, Eusabella Nicole Polie. Ako nga iyan." I smiled at her. Buti nalang talaga pinagawan ko ng tag si Bene.
"Ganon ba. Ayan na pala ang amo mo, Benelope. Sa susunod huwag lalayo masyado at baka may mangyari pa sayong hindi maganda." Then she turned to me. "Paano, una na ako Miss." She looked sad.
"Sandali... pwede ka bang maimbitahan? Kasama ko mga magulang ko at may mga pagkain kami. Pasasalamat ko sana... o kahit dito na lang. Usap muna tayo saglit." I was hopeful.
"May pupuntahan pa kasi ako."
"Oh! Okay." Nanlumo ako. Gusto ko kasi siyang kausapin, e.
"Pero pwede naman akong manatili ng ilang minuto pa."
"Talaga? Sige diyan tayo sa may bench. Maaga pa naman, saan ka nga pala pupunta?" Naupo kaming tatlo.
"Kung saan lang mapadpad."
"Ha? Ibig sabihin wala ka talagang pupuntahan?"
"Meron. Hindi ko pa nga lang alam kung saan."
"Naglayas ka ba?" Natawa siya sa tanong ko.
"Alam mo bang hindi ganyan magtanong ang estranghero sa taong kakakilala niya lang sa park. Pero tama ka naman, at wala namang masama kung aminin ko iyon dahil hindi mo naman ako kilala at ganon din ako sa'yo."
"Alam mo ang pangalan ko at tyaka ano ba dapat? May listahan ba ng mga bagay na pwede at hindi pwedeng itanong sa isang estranghero? Pahingi nga, babasahin ko."
"Wala. Pero diba iisipin mo dapat kung ano iyong mararamdaman ng pagsasabihan mo lalo pa't hindi mo siya kilala."
"Kaya nga. Hindi ko siya kilala kaya bakit ko iisipin iyong mararamdaman niya. At kapag ba inisip ko ay paghahatian na namin iyon?"
"Hindi... oo nga, hindi. Kung tutuusin wala ring nagbago sa nararamdaman ko nang tanungin mo ako ng ganon. Iyong totoo, naging kampante pa akong sabihin sa'yo ang lahat."
"Sabihin mo, makikinig ako. Huwag ka lang aasa na mawawala iyang dinadala mo dahil hindi lilipat sa'kin iyan. Maaaring makahinga ka ng panandalian pero pag alis mo ay bitbit mo pa rin lahat."
"Nakakainis na tama ka. Gusto kong ipasa sa'yo ang lahat kasi mukha ka namang matapang kaso baka may iniinda ka rin kaya 'wag na." she sighed.
Tahimik lang ako habang hinahaplos ang ngayo'y natutulog ng kuting.
"Isang buwan na itong kuting kaya kami naghanda ng salo-salo. Nakita ko lang sila sa park malapit sa'min. Iyong mama niya ay namatay din dahil sa panganganak, parang tao lang. Minsan namamatay iyong nanay dahil sa panganganak." I chuckled.
"Madalas, pinipiling sagipin ang bata kompara sa nanay dahil may kinabukasang naghihintay dito. Sana tinanong muna iyong bata kung gusto niya ba. Pipiliin siyang buhayin kaso hindi naman kayang panindigan. Wala ring silbi."
"Nasasaktan pa siguro o kaya nahihirapang itaguyod ang anak na mag isa."
"Langya naman! Ilang taon ba ang pagluluksa? Lima? Sampu? Aba quotang-quota na. Nakayanan ngang bumuo ng bagong pamilya, e."
Wala akong masabi. Hindi gumagana ang isip ko dahil hindi ko naman pinagdaanan ito. I can only speak of what I know.
"Walang masama kung muling magmahal. Natural na iyon sa tao. Kaso, sa kagustuhan niyang makalimot ay gumawa siya ng bagong mundo sa piling ng bago niyang mag ina. Ni ayaw niya nga akong makita dahil naaalala niya lang iyong mapait na nakaraan niya. Duwag!" patuloy niya.
"Hindi rin naman makatutulong ang paglalayas mo." Natawa ulit siya.
"Basag trip ka, alam mo iyon?" Natawa na rin ako. Ilang saglit pa bago siya nagsalita.
"Bianca." Nilingon ko siya. Nginitian at'saka tinanggap ang inaalok niyang pakikipagkamay.

YOU ARE READING
My Cat Benelope
KurzgeschichtenBella is your typical college girl with a normal life and a normal family. She is a great communicator but nothing more than that. Although she loves her parents unconditionally, her affection is centered to her own. There was never a time when she...