Third Life

1 1 0
                                        

"Anak! Buti at nakauwi ka na! Alam mo bang nag alala na kami ng papa mo. Ano bang nangyari?"

Grabe kung mag-alala ang pamilya ko sa'kin kaya hindi na bago ang salubungin ako ni mama nang ganito.

Habang naghahapunan ay kinwento ko sa kanila ni papa ang nangyari kanina. They seemed happy of what I did to the kid. Pero hindi nawala ang side comments.

"Talaga?! Alam mo anak bago iyan! Noon kasi wala kang pakialam sa buhay ng iba to the point na halos wala ka nang kinakausap maliban sa mga taong madalas mong makakasalamuha. Hmm..."

"Ewan, Ma. Baka nagbago bigla ang takbo ng isip ko?" balik-tabong ko naman kay mama.

"Hindi, eh. May iba akong nakikitang dahilan kung bakit ka ganyan ngayon." she placed fingers below her chin and acted 'detectivey' "Baka dahil kay Benelope. I mean... diba? Gets mo nak?"

Natawa ako sa huling salita ni mama. Pati siya ay natawa rin. Habang si papa naman ay nakikiramdam lang sa'min. Pagkatapos ng hapunan ay sa kwarto na ako dala si Bene.

Nasanay na akong katabi siya sa pagtulog and every night I spent with her is medicine. Napapawi ng bawat paglilikot niya sa kwarto ang anumang gumugulo sa isip ko.

Para akong lumalabas ng bahay sa umaga upang maghakot ng sama ng loob at pag uwi ko ay papawiin niyang lahat ng iyon. Just like that, I'm good again.

I'm starting to get used to this feeling. Actually, I am loving it so much that I do not have plans to switch positions again. Let me be happy with the only friend I have.

Nagpatuloy ang kulitan namin hanggang sa nakatulugan ko na ito. Sumikat ang panibagong araw at gaya ng nakasanayan ay una kong hahanapin si Bene.

Walang araw na gumising akong katabi pa rin siya. Maaga kasi siyang kinukuha ni mama para may makalaro si papa habang inaasikaso niya ang agahan.

Mabilis akong naligo at naghanda para sa pagpasok sa eskwela. Habang pababa sa hagdan ay tanaw ko si papa. Magiliw na nakatuon ang pansin niya sa ngayo'y tumatalon na kuting.

Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. "Good morning, Pa!" Nginitian naman niya ako at muling tinuon ang pansin kay Bene. Ngayon ay si Bene naman ang nilapitan ko at ginawaran ng halik.

Sa kusina, naabutan kong naghahanda si mama ng rekados sa lulutuing ulam. "Good morning, Ma!" sabay halik sa pisngi niya.

"Good morning, Anak! Dalawa lang subjects mo ngayong araw diba nak?"

Kinuha ko ang isa pang apron sa ibabang parte ng cabinet at naghugas ng kamay.

"Opo. Uuwi ako agad bago mag alas onse. Ako na dito ma, asikasuhin mo na sarili mo."

"Pasensya na anak, ah. Lunes kasi kaya inaasahan na talaga na magiging hectic sa trabaho. Pahirapan na naman sa pag uwi mamayang tanghali."

"Ayos lang, Ma. Naiintindihan ko naman po. Sige na ma akyat ka na ako nang bahala dito."

"Salamat, anak! Mabilis lang ako pramis!" Nakangising umalis si mama sa kusina.

"Mama talaga, oo." Masaya kong ipinagpatuloy ang pagluluto. Noon sila lang ni papa ang nagpapagaan ng bawat araw ko pero ngayon tatlo na sila.

Hays. Hindi ko hiniling ang ganitong buhay dahil dati naman na akong kontento. Ngunit naisip kong mas maigi na rin ang nangyayaring pagbabago sa takbo ng buhay ko, namin ng pamilya ko.

Pagkatapos ng ilang saglit ay handa na akong umalis. Nilapitan kong muli si Bene at kinarga para makapagpaalam akong mabuti.

"Pakabait ka rito. Babantayan mo si papa at ikaw muna ang bahala sa bahay. Okay?" pagkukulit ko sa kanya.

Papuntang eskwela ay nadaanan ko ulit ang aso. Dati ko pa naman iyong nakikita sa tuwing papasok at uuwi ako. Pero ngayon iba, eh. Tipong kinukurot ang puso ko kapag nakikita ko siyang matamlay.

Habang nasa daan ay nag isip ako ng mga pwedeng gawin para makatulong doon sa aso. Nakakatuwa dahil hindi ko inaasahan sa sarili ko ang kahit anong pakikipagkapwa tao lalo na ang pagkakaroon ng alagang hayop.

Maaga pa kaya konti lang ang studyante sa campus ngayon. Dumiretso ako sa CED building at pumasok na sa classroom ng unang subject ko.

Sumalubong sa'kin ang nakangiting mukha ni Tiffany. Kinawayan niya ako at sinenyas na sa tabi niya ako maupo. Weird.

"Good morning Bella!" bati niya pagka-upo ko. Nakangiti siya pero halatang may dinaramdam.

"Good morning." sagot ko. Being my usual [walang pake sa buhay ng iba] self, umayos ako ng upo at naglabas ng notebook at ballpen galing sa bag.

"Alam mo ba, may tampo ako kina Ashley. Hindi kasi nila ako sinama sa outing nila noong weekend."

Kaya pala. Nilingon ko ang mga kaibigan niya. Parang wala lang naman sa kanila o hindi lang talaga halata. Tinanguan ko ang katabi at binalik ang paningin sa ginagawa. Ang buong pahina ng notebook ay puno ng pirma ko.

"Nakakainis! Akala ko ba magkaibigan kami? Dapat lang alam ko lahat ng lakad ng barkada. Siguro ako ang pinag usapan nila kaya hindi nila ako sinama." maktol niya.

"Baka nakalimutan?" Wala akong masabi. Pambihira!

"Wow naman! Nagmessage pa nga ako sa kanila na may lakad kami ng pamilya ko."

"Ha?"

"I mean, noong byernes ng gabi kasi nagplano sila na mag outing. Tapos sinabi ko sa kanila na may lakad kami ng pamilya ko. Pero gusto pa rin nilang tumuloy kasi nga nakaset na lahat at magiging busy na sa susunod na mga linggo. Dapat---"

"So alam mo na may outing ang barkada niyo?" I cut her off.

"Oo alam ko. Pero diba---"

"Tapos? Nagalit ka kasi hindi ka nakasama?"

"Hindi ganun! Hindi nila ako sina---"

"Kasi may lakad kayo ng pamilya mo."

"Hin---"

"Alam mo ang babaw! Hindi naman pala sinadya na huwag kang isama. At saka marami pang outing na magaganap unless masira kayo one of these days..."

"Ang sama mo! Palibhasa kasi wala kang barkada kaya hindi mo ako naiintindihan."

"True! Wala akong barkada kasi I can be friends with anybody at hindi ko rin maintindihan kung bakit ang OA mo. Doon ka na nga!"

"Ako pa ang OA. Bahala ka! Basta dito muna ako hanggang sa maging ayos na kami nina Ashley."

"Magsorry ka... kunsabagay hindi rin naman kailangan kasi nga ikaw lang ang may problema. Kausapin mo nalang sila at sabihin mo lahat ng reklamo mo sa'kin kanina."

Sasagot pa siya kaso dumating na iyong prof namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Cat BenelopeWhere stories live. Discover now