Second Life

3 1 0
                                    

Isang linggo ang lumipas matapos ang araw na iyon. Naging busy ako sa pag aaral kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para ipasyal si Bene.

Sa park ulit kami nagtungo at hindi rin naman nagtagal dahil mukhang uulan. Habang nasa daan ay nagpalinga-linga ako. Medyo secluded ang daan papunta samin kaya safe ang ginagawa ko.

Nadaanan ko ang bahay ng kagawad namin at nakita ko ulit ang asong nakatali sa bakuran nila. Sa tuwing makikita niya ako'y tila ba nangungusap ang kanyang mga mata.

Nababaliw na yata ako. Sa awa ko doon sa aso ay kung anu ano nalang ang naiisip ko. Hindi ko alam kung normal ba na umulan o umaraw ay sa labas lang talaga ang mga aso dahil wala naman akong alaga. Pero naiinis talaga ako, nakakainis pa lalo dahil wala akong magawa.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami ng bahay. Saktong pagpasok namin sa loob ay siya namang pagbuhos ng ulan.

"Ma, Pa, dito na po kami!" sigaw ko mula sa pinto.

Lumabas mula sa kusina si mama na may dalang listahan.

"Anak, pasensya ka na pero pwede mo ba akong bilhan ng mga ito? Magluluto kasi ako para sa hapunan kaso ubos na pala iyong ibang rekados natin."

"Siga ma. Ako na po bahala." Sabay lapag kay Bene sa higaan niya.

"Thank you anak, ay, umuulan?!" Nakatingin na si mama sa labas ng bintana. "Naku huwag na anak. Bukas nalang at ako na ang bibili ng mga ito. Iba nalang ang lulutuin ko para sa hapunan."

"Ayos lang po, ma. Sasakay nalang po ako ng tricycle. Akin na po."

"Are you sure anak? Anong oras na, baka gabihin ka sa daan. Bukas nalang nak."

"Maaga pa naman ma. At saka mag iingat po ako. Dala ko naman po cellphone ko at saulo ko pa ang emergency hotline. Okay na ma?" Tumawa ako para ipakitang magiging ayos lang ang lahat.

"Ikaw talaga! O'sha sige. Mag iingat ka anak ha. Mag aalala kami ng papa mo kung hindi ka nakauwi sa loob ng isang oras." Iyon lang at hinayaan na ako ni mama na umalis.

Bitbit ang payong ay pumara ako ng tricycle sa labas lang din ng bahay namin. Tumitila na ang ulan nang nakarating ako sa grocery store.

Paikot ikot ako sa tindahan dahil hindi ko naman kabisado ang lagayan ng lahat ng bibilhin ko. Papaliko ako para kumuha ng toyo nang mahagip ng mata ko ang isang bata.

Nakatayo siya sa tapat ng lagayan ng mga gatas. I don't mean to pry but I overheard her murmurs. Imbes na lumiko, tumuloy ako hanggang sa makatabi ko ang bata.

Napalingon siya sa gawi ko kaya nagkunwari akong naghahanap ng tamang brand ng gatas. I stood there for five minutes bago ako natauhan sa ginagawa.

I was about to mind my own business and leave when the girl hesitantly reached for the helm of my shirt. I looked at her and she seemed scared.

"Uhm, ate... alin po... ang gatas... na pwede... para sa... pu--- pusa po?" she barely asked.

"Hindi ko alam, e. Iba kasi ang tinitinda sa mga petshop pero... ito?" itinuro ko ang isang brand na tingin ko'y healthy at pwede para sa mga pusa.

Nakita ko ang magkahalong gulat at takot sa mukha ng bata. May kinuha siya sa bulsa na isang supot at tumunog ang laman na hula ko'y mga barya.

Kumuha siya ng isang pack ng gatas at itinabi iyon sa mga nakapaskil na presyo. Iyong pinakamalaki sa brand na iyon nalang ang natira kaya panigurado'y may kamahalan na.

'Kasya naman siguro ang dala niyang pera' sa isip ko. Tumalikod na ako at kailangan ko ring ipagpatuloy ang pamimili.

"Fape, gusto na kitang bilhan nitong gatas dahil hindi ka na nakakain ng maayos. Kaso kulang pa rin ang pambili ko kahit dalawang linggo na akong naglalako ng kakanin." naiiyak niyang wika.

Napako ako sa kinatatayuan dahil sa narinig. For once, I felt her pain. I felt a connection kahit pa hindi ko kilala personally ang bata. Siguro ay nadala ako dahil sa pagpapahalaga niya sa alagang pusa.

"Neng, ilagay mo iyan dito sa cart ko. Ako na magbabayad." I said out of the blue. How strange.

"P--po?" she seemed excited but still hesitant "Gusto ko po. Gustong gusto kaso po wala akong pambayad sa inyo. Wala pa po sa kalahati itong pera ko." she said trying to hide her tears.

"Hindi ko naman pababayaran sa'yo. Regalo ko na. Malapit na rin naman ang pasko. Ayos ba?" Pamimilit ko sa kanya.

Kalaunan ay pumayag naman siya. Nakasunod lang siya sa'kin habang tinatapos ko ang paghahanap ng mga kailangang bilhin.

Nakayuko lang at kinakagat ang labi hanggang sa tumapat na kami sa counter. Inilalagay ko ang sarili sa sitwasyon niya at hindi ko maiwasang malungkot din.

Kaya ko siguro ginagawa ang mga ito ngayon. "Miss pakihiwalay ng balot itong mga 'to." turo ko sa gatas at kaonting de lata para sa pusa niya. Sinamahan ko na rin ng ilang pagkain at prutas.

Nakaabang siya sa tapat ng bagger at akmang bubuhatin na ang lahat ng supot kaya pinigilan ko siya.

Inilahad ko ang supot na para sa kanya. "Ito ang dalhin mo dahil para iyan sa iyo. Ako na ang magdadala nitong akin dahil mabigat. Okay?"

Nahihiyang tumango ang bata at dahan dahang nagpatiuna sa paglakad. Sinadya niyang bagalan para makasabay ako at magkatabi kami hanggang sa labas ng tindahan.

"Saan ka nakatira, neng? Sabay ka na sakin." Pumara ako ng tricycle.

"Hindi na po. Diyan lang sa may kanto ang bahay namin. Lalakarin ko lang po."

"Ganon ba? Sige mauna na ako at baka hanapin na ako sa bahay." Lagpas isang oras na pala pagtingin ko sa relo ng cellphone ko.

"Saan ka, Miss?" si Kuyang driver.

"Victoria's village po."

"Sige, halika."

Nilingon ko ang bata at nginitian bilang pamamaalam. Nakangisi naman niya akong kinawayan nang makasakay na ako sa tricycle.

"Maraming salamat po ate! Sobrang saya ko po! Matutuwa po ang alaga kong pusa dito sa mga regalo mo."

Somehow, her joy made my heart full. Nakakahawa iyong saya niya kahit pa sa simpleng bagay lang na iyon. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Maybe, I'd do the same for the cat if I were in her shoes.

My Cat BenelopeWhere stories live. Discover now