Chapter 5

1.1K 31 0
                                    

Syempe nalaman rin nila Maggie at Rain ang tungkol sayo. Sa kadaldalan ba naman nitong si Becca di na imposibleng sabihin agad nya sa kanila the next day. The good thing was di naman nya kinikwento sa iba, kung baga lahat ng secrets namin saming apat lang talaga.

Tulad ng reaction ni Becca ganun rin ang mga sinabi nila sakin. Hay! ano bang masama magka crush sayo di naman big deal yun. Para namang crush mo rin ako diba?

Isang araw, tayong dalawa lang ang magkasama at naka upo sa may hagdan malapit sa classroom natin. Cleaners kasi sila Becca kaya hinihintay ko sya para sabay na kami. Sabi mo sasamahan mo ako para di ako ma bore, natuwa tuloy ako. Feeling ko nga may crush ka na rin sakin. Feeling ko lang naman kasi wala naman akong alam pag dating sa ganun bagay. Natigilan ako ng banggitin mong may crush ka sa Grade 5. Sinabi mo pang

"Ang cute nya at kulot rin syang tulad mo." Dapat ba akong matuwa dun? eh bakit pilit nalang ang naibigay kong ngiti sayo? Bakit?

Marami pa tayong pinag kwentuhan at minsan nasisisngit mo parin si Patrice, ang crush mo. Ginawa ko naman ang lahat ng paraan para malihis lagi ang usapan sa iba pag sya na ang topic.

Kwinento ko kyla Becca ang mga sinabi mo habang naglalakad kami pauwi. "Kilala ko yun. Crush nya yun? e mas maganda ka dun." sabi ni Becca.

"Mas maganda nga sya pero di naman sya ang crush." sabi naman ni Maggie. Sinamaan ko sya ng tingin tapos nag peace sign sya.

"Hayaan mo na basta ikaw ang maganda." pampalubag loob ni Rain at inakbayan ako.

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon