Chapter 13

945 28 0
                                    

Naisipan ko na ring ayusin ang sarli ko. Kung dati nakalugay lang lagi ang magulo kong buhok na isang beses lang nasusuklay sa isang araw ngayon iba na. Lagi ng nakatale ng maayos ang buhok ko. Sabi nga ng karamihan maganda daw pala talaga ako. Tapos alam mo ba? Ngayon ko lang nalaman na may mga nag kaka crush saking lalake, akalain mo yun? nabanggit lang un ng mga kaibigan ko. Natatakot daw kasi ang mga lalake dahil mukha akong suplada or mananapak. Grabe nman sila! Ganun din ba ang tingin mo sakin dati? Eto pa ang malupit may dalawang second year na babae na lumapit sakinn at nag "Hi." while giggling, para silang kinikilig. Hayop. Pero nag hello din naman ako sa kanila ayokong masabihang esnabera. Hindi ko alam kung bakit ganun pero natakot ako dahil baka iniisip nilang tomboy ako kaya nagsinula narin ako may lagay ng lip gloss. Hanggang dun lang ang kaya kong iupgrade sa sarili ko tama na. Basta marami ang nagsabi sakin na mukha na akong babae. Eh mukhang ano ba ako dati?

Binalita ni Trina sakin na break na raw kayo ni Clover. May parte sakin na nagbubunyi dahil single ka na ulit at pwedeng may chance na mapansin mo na ko. May parte rin namang napapaisip kung bat kayo nag break. Sobrang isang taon na kayo e, sayang naman.

Nakwento ni Trina sakin na siguro nagsawa ka na raw dahil may pag ka maarte tong si Clover at madalas di mo na sya masakyan. Tsaka magkaiba na raw pala kayo ng section at di na nag tutugma ang schedule nyo. Gang dun lang ang alam ko.

Hindi ko alam kung kylan nagsimula. Na tuwing magkakasalubong tayo sa campus nun tatawagin mo ako at ngingitian, tapos aasarin ka ng mga kasama mo at ganun din ang mga kasama ko na may kasama pang pag tulak sa sakin at "Ayeee." Para san ba yun? Tinawag mo lang naman ang pangalan ko at obviously nag e-exist na ulit ako sa mundo mo. But one thing is for sure, kinikilig ako.

Naging madalas na ang mga ganung batian natin. Quota narin ako sa pang aasar ng mga kaibigan ko saking sila Carlang bakla. Alam narin kasi nila ang tungkol sayo. At sabi nila sakin may gusto ka na raw sakin kaya ganun. Pero bat di mo pa ulit ako kinakausap? Puro ka lang ganun tapos pag inaasar ka tatawa ka lang at kakamot sa ulo mo, may kuto ka ba? Kaya di ko ma gets kung pano nila nasabi yun. Pero natutuwa parin ako at umaaasa na sana totoo yun. Pano kasi dahil sa mga ganung moments natin at sabayan pa ng pang aasar Nagustuhan na talaga kita. Hindi nalang yun basta crush, na feel ko mas malalim na.

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon