Chapter 6

1K 31 0
                                    

Yung P.E. subject natin hindi ko alam kung bakit parang naging agriculture subject dahil ng 3rd quarter ginawa tayong magsasaka ng teacher natin. Nasa second floor ng building ang room natin, na hanggang second floor lang naman at sa harap nun ang bakanteng lote kung saan may mga tanim at pinagtatanim tayo.

Busy na yung iba sa pagtatanim habang ako pababa palang, nakita kita sa classroom sa harap ng garden na may kausap. Parang ang saya saya mo at forever nakalabas ang dimples mo. Napapitlag ako ng may sumundot sa tagiliran ko, si Becca lang pala.

"Yan si Patrice. Diba mas maganda ka?" nakangiting sabi nya sakin. Tinignan ko ulit ang kausap mo, dito lang pala sa baba ang classroom nya kaya pala madalas kitang makita sa may hagdan pag uwian na, sya pala ang hinihintay mo. Akala ko gusto mo lang magpapansin sakin. Di naman pala. Sinuri ko ang babae, may itsura naman sya at kayumanggi. Sa tingin ko nga bagay kayo, bumigat ang puso ko nun pero di ko naman pinansin kasi baka kinakabag lang ako.

Tumuloy ako sa pagbubungkal ng lupa gamit ang maliit na pala. Sumulpot ka sa harap ko at nilahad ang kamay, napakunot tuloy ang noo ko.

"Akin na. Tulungan na kita dyn." masayang sabi mo. Di ako nagdalawang isip na ibigay sayo yun.

"Ang saya mo ha." di ko maiwasang sabihin sa sayo.

"Pumayag na kasing ligawan ko si Patrice." Lalong lumawak ang pagkakangiti mo nakakasilaw na nga e. Ang di ko maintindihan kung bakit parang lalo ring bumigat ang puso ko.

"Naks!congrats." pilit ngiting sabi ko sayo.

"Anong congrats? di pa nga ako sinasagot." sabi mo at sinimulang mag bungkal ng lupa. Pinaanood lang kita habang ginawa yun. Bakit kaya liligawan mo na sya agad? parang ang bilis naman.

Ilang weeks rin ang lumipas. Normal lang pero iniiwasan ko na ang kausapin ka. Pano kasi tuwing tayong dalawa lang ang nag uusap wala ka ng ibang bukang bibig kundi si Patrice gusto na nga kitang bilhan ng diary at isaksak sa baga mo para isulat mo nalang lahat ng yun dun. Lagi rin tuloy naninikip ang dibdib ko dahil dun. Natakot ako dahil baka magkaron na ako ng sakit sa puso dahil sayo kaya iwas na iwas ako sayo pag mag isa ako at lalapitan mo ako, nag iisip agad ako ng palusot sayo. Bakit kasi sa iba ka pa nag ka crush? wala bang ka gusto gusto sakin?

Nagulat ako ng patakbong lumapit sakin sila Maggie na hinihingal pa. Nauna kasi akong pumunta sa tambayan kasi bibili daw muna sila ng turon.

"Chole, alam mo na ba?" tanong ni Becca. Agad syang binatukan ni Rain.

"Tanga, syempre di pa nya alam tayo kaya ang nandun." Naguguluhan akong tumingin sa kanila

"Ano ba yun?". Si Maggie ang sumagot

"Pano kasi narinig namin si Brandon na sinagot na raw sya ni Patrice." Naramdaman ko na naman ang pag bigat ng dibdib ko at parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko. Napahawak tuloy ako sa may dibdib ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Rain at hinawakan ako sa balikat. Nagtataka ako kung bakit ganun sila makatingin sakin, para bang awang awa sila.

"Bakit naman ako magiging di okay?" tanong ko sa kanila.

"Syempre nasasaktan ka. Nasasaktan din kami." Sagot ni Maggie. Tinanong ko ang sarili ko, nasasaktan ba ako? Oo, ang sakit talaga e. Totoo ang nararamdaman kong sakit sa puso ko ngayon.

"Wala lang yan... mawawala din yan agad." tugon ni Becca tapos niyakap na nila ako. Buti nalang may mga kaibigan ako na mas naiintidihan pa ang narararamdama ko. Hehe.

Alam mo ba ang naisip ko sayo ng oras na yun?

Grabe naman? nag girlfriend ka talaga agad? eh ang bata pa kaya natin. Ako nga crush palang.

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon