Chapter 8

971 28 0
                                    

4th quarter na ang bilis ng panahon. Ganun ata talaga pag nag eenjoy ka sa buhay mo parang ang bilis ng lahat. Sobrang bihira nalang tayo mag usap, yung tipong mag tatanong ka lang kung may assignment ba tayo tas sasagot ako tapos yun lang. Namimiss ko rin tuloy kung ano tayo noon. Pero okay na yun kasi gusto ko lang protektahan ang puso kong hindi pa matibay.

Nagsalubong ang kilay ko ng isang araw dahil sa binulong sakin ni Becca.

"Break na daw sila Brandon."

"Ano naman?" tanong ko.

"Baka gusto mo lang naman malaman." pagkikibit balikat nya.

Napatingin ako sayo na busy sa pakikipag usap sa ka group mo. Gumagawa kasi tayo nun ng group project sa classroom. Muka namang okay ka lang at parang wala lang sayo na hiwalay na kayo. Umiyak ka kaya nun? nagdalamhati? nasasaktan? Sino kaya ang nakipag break?

Nag annouced ang advicer natin na magkakaron ng program at kailangan ng muse at escort sa bawat section. Halos lahat ako ang binotong muse.

"Ma'am ayoko po." sabi ko. Nangyari na kasi sa akin yun nung grade 2 ako, sa ibang school pa ako nun lumipat lang kasi ako sa school natin nung grade 3. Ayun nga basta ginawa akong muse, nakakairita, kulot na nga ako pero lalo pang kinulot ang buhok ko ng baklang nag ayos sakin. Tapos ang make-up ko para akong inulublob sa arina. Tatlo lang kaming muse nun at pinaikot lang naman kami sa buong lugar sakay ng isang float. Tapos dinala kami sa isang sports complex at binigyan ng mga bulaklak. Parang tanga nga e di ko talaga ma gets ang sense ng ganun.

"Bakit ayaw mo? okay lang naman sa parents mo nakausap ko na sila." napangiwi ako. Ang bilis naman nito di muna ako tinanong.

"Basta Ma'am ayoko na po e. Nagawa ko na yan dati ayoko na maulit."

"Ganun ba? sayang naman. Pero kung ayaw mo talaga sige. Oh class pili na kayo ng bago."

Si Gina ang nakuhang muse, sya naman kasi yung halatang may gusto talaga nahiya pa. Pero ganun nalang ang panghihinayang ko ng ikaw ang napiling escort. Lang'yang buhay to. Parang ayaw talaga tayo pagsamahin. Hindi ka rin naman pumalag, ganun ka naman kasi okay lang sayo ang lahat.

Nagulat ako ng kinalabit mo ako kaya napalingon ako sayo.

"Bat ka umayaw? sayang tayo sana ang partner." nakangiting sabi mo sakin. Naniniwala akong nang hihinayang ka rin, nakita ko kasi sa mukha mo kahit nakangiti ka sakin.

"Ah Eh oo nga. Pero ayoko na kasi talaga ng ganyan."

"Parang traumang trauma ka naman."

"Parang ganun. Basta goodluck sana manalo kayo." nahihiyang sabi ko sayo. Wala na kasi akong maisip sabihin sayo nun e.

Simula ulit nun naging magkaibigan tayo, pero hindi parin tulad ng dati na parang kahit ano nakwekwento mo sakin. Pili nalang ang mga binabanggit at pinag uusapan natin. Naging busy ka rin nun kasi tuwing free time nag papractice kayo sa classroom ng sayaw para sa ipeperform. Bawat section din kasi dapat may performance, pinilit mo pa nga akong sumali pero ayoko kasi di ako confident sa dancing skills ko noon. But I enjoy watching to teach everybody the steps, ang galing mo talaga. Ayoko pa naman masyadong magalingan sayo dahil baka maging crush na naman kita e diba nga may wall na akong ginawa sa puso ko.

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon