4. Unbridled

523 9 1
                                    

CHAPTER 4: Unbridled

ONE week had passed…

Kahit na ano'ng gawin niyang pagpipigil at pagpilit sa sarili na kalimutan ang dalaga na nakilala niya sa bar last week, hindi pa rin talaga ito mawala sa kaniyang isipan. Hindi niya na alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya.

Ano ba ang ginawa ng babaeng ‘to sa 'kin at hindi na siya mawala-wala pa sa isip ko? Am I that attracted to her?

Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan niya nang makita ang babaeng 'yon sa labas ng coffee shop na pag-aari nito na nagpupunas ng glass door.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Napakasimple lamang ng suot nito, pero napakalakas pa rin ng dating nito sa kaniya. Napalunok na lamang siya nang yumuko ito para punasan ang ibabang bahagi ng glass door, kaya kitang-kita niya ngayon ang bakat ng bilugang pang-upo nito sa suot nitong slacks.

Bumigat ang paghinga niya at ramdam na ramdam niya ang paninigas ng kaniyang tinatagong alaga.

Damn it! Umigting ang panga niya dahil sa labis na pagpipigil sa sarili.

Kaaalis lamang ng asawa niya patungong Spain, ‘tapos heto siya ngayon at talagang dinayo pa ang ibang babae sa lungsod na 'to; at ang malala, nagnanasa siya sa babaeng 'to!

Nagtataksil siya sa asawa niya, at hindi niya 'yon matanggap! Pero hindi niya naman mapigilan ang sarili niya. Hindi niya na alam ang gagawin; natatakot siya sa maaaring mangyari.

Pero sa kabila ng pangambang nararamdaman niya'y heto pa rin siya't naglalakad na palapit sa babaeng abala pa rin sa pagpupunas ng glass door.

Bahala na…

Nakapamulsang tumayo siya sa gilid ni Camina, at saka ito hinintay na tumingala sa kaniya.

Nang mukhang mapansin na siya ng dalaga, tumayo ito ng tuwid at gulat na tumingin sa kaniya.

“Julius…” Hindi niya napigilan ang pagngiti nang banggitin nito ang pangalan niya. Napakalambing talaga ng boses nito.

“Hi, Babe.”

***

GULAT na gulat siya nang makita si Julius, pero hindi niya maitatanggi ang tuwang nararamdaman niya, dahil makalipas ng isang linggo'y muli itong nagpakita sa kaniya. Ibig sabihin lang n’on ay hindi siya nito tinakbuhan matapos ng nangyari sa kanilang dalawa nang gabing 'yon.

Isa nga pala sa naikuwento niya rito nang gabing 'yon na nag-aari siya ng isang coffee shop. Kaya hindi na siya nagulat na napuntahan siya nito rito.

“’Buti napadalaw ka,” nakangiting saad niya rito, matapos ilapag sa harapan nito ang isang tasa ng kape at isang platito ng slice cake.

“Na-miss kita eh,” sagot nito, dahilan para matigilan siya't mapaiwas ng tingin. Nag-init ang mukha niya, at alam niyang halatang-halata ngayon ang pamumula niya dahil sa pagiging mestisa niya. Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking 'to sa kaniya?

“Namumula ka. Na-miss mo rin ba 'ko?” panunudyo nito, kaya medyo naiilang na ibinalik niya ang paningin sa lalake.

“Bakit pala umalis ka nang hindi manlang nagpapaalam, matapos ng nangyari sa 'tin?” sa halip ay medyo nahihiyang tanong niya rito. Nakahihiya mang siya pa ang mag-open up ng bagay na 'yon ay gusto niya pa ring malaman. Ang buong akala niya'y ginamit lamang siya ng lalaking ito nang gabing 'yon saka tinakbuhan; pero pinatunayan nito na mali siya nang magpakita ito ngayon sa kaniya.

“Ahmm… sorry nga pala, kasi hindi na 'ko nakapagpaalam. Nagka-emergency lang kasi, ‘tapos ngayon lang ako nagkaro'n uli ng time kaya ngayon lang kita napuntahan. Sorry talaga,” paghingi nito ng paumanhin, kaya matamis niya itong nginitian.

“Ano ka ba? Okay lang naman 'yon eh; at saka hindi mo naman talaga responsibilidad na puntahan ako,” mahinhing sagot niya. Totoo naman kasi na wala itong responsibilidad na puntahan siya, dahil kahit na may nangyari sa kanila'y wala naman silang relasyon. Pero sobrang masaya siya na makita itong muli.

“No, Camina, it's my responsible; you're my responsible. Matapos ng nangyari sa 'tin nang gabing 'yon, dapat lang na balikan kita. I tasted your body, so I should take responsible for that,” sinserong sagot nito, dahilan para makaramdam siya ng kaluwagan sa kalooban dahil sa sinabi nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang pagpaskil ng ngiti sa kaniyang natural na mapulang labi.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito, kaya naman napaiwas na lamang siya ng tingin.

Compose yourself, Camina. ‘Wag ka masyadong magpadala sa kilig! Napakagat na lamang siya sa kaniyang pang-ibabang labi. Bakit ba naman kasi sobrang gwapo ng lalaking 'to? Tsk.

Muli niyang naibalik ang paningin kay Julius nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya na nakapatong sa lamesa. Mataman itong nakatingin sa kaniya, suot ang ngiti nitong kahit siguro sinong babae ay talagang agad na mahuhulog. And I think, I'm now one of them.

“You are so beautiful, Camina.” Pinisil-pisil nito ang kamay niyang hawak nito. “Would you allow me to date you?” kapagkuwan ay deretsong tanong nito. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.

Date? Pero hindi pa sila lubusan magkakilala. Pero nagawa mo na nga’ng makipagtalik sa kaniya sa unang araw pa lang ng pagkikita niyo. Muli siyang napakagat sa kaniyang pang-ibabang labi. Wala namang masama kung makipag-date ako sa kaniya. Sa tingin ko'y gusto ko naman siya. So, why not? Pakiramdam niya'y sobra ang bilis talaga; samantalang noon ay umabot ng ilang buwan sa panliligaw si Venzie, bago niya ito sinagot; ‘tapos itong lalaking 'to, naangkin pa siya ng gano'n-gano'n na lang.

Malalim siyang bumuntonghininga't marahang tumango. Sino ba siya para umayaw? Hindi na siya bumabata; at saka ang guwapo na ng nasa harapan niya, tatanggi pa ba siya? Sana lang hindi niya ito pagsisihan sa huli.

Matamis siyang napangiti nang marahang halikan ni Julius ang kamay niya. Napakalambot talaga ng labi nito.

“May ibang magbabantay ba rito sa shop mo?” kapagkuwan ay tanong nito na hawak pa rin ang kamay niya't marahang pinipisil-pisil.

“Yeah, mapagkakatiwalaan ang mga empleyado ko. Puwede kong iwan sa kanila 'tong shop.”

“Kung gano'n tara.” Saka ito tumayo't hinila ang kamay niya palabas ng coffee shop niya.

“Teka, 'yong bag ko!” bulalas niya nang maalala ang bag niya na nasa office niya. Pero hindi siya nito pinansin, kaya naman sinenyasan niya na lamang ang cashier niya na ito na muna ang bahala sa shop.

Wala siyang ideya kung sa'n siya nito dadalhin, pero nakararamdam siya ng excitement.

***

BITBIT ang isang bouquet ng bulaklak, nakangiting pumasok si Venzie sa coffee shop na pag-aari ng dating girlfriend na si Camina. Kasalanan niya kung bakit sila nagkahiwalay, kaya naman kahit na ipagtabuyan pa siya nito, hindi siya titigil sa pag-gawa ng effort para bumalik ito sa kaniya.

Sa kabila ng lahat, hindi siya nag-si-sisi na mas inuna niya ang pangarap niya ke'sa sa babaeng mahal niya, dahil ngayong natupad niya na ang pangarap niya, may maipangangako na siyang magandang buhay para kay Camina. Sana lang talaga mapatawad na siya nito't bigyan ng ikalawang pagkakataon.

“Where's Camina?” nakangiting tanong niya sa cashier ng shop.

“Sir, wala po eh. Umalis po kasama ng isang lalake.” Parang nagpantig ang tainga niya dahil sa narinig.

“La-lalake?” utal na pag-uulit niya. Sino'ng lalake? May iba na bang dini-date ngayon si Camina? Bigla’ng nanikip ang dibdib niya dahil sa isiping 'yon.

“Opo, Sir. Mabilis po silang umalis kanina, naiwan pa nga po ni Ma'am 'yong bag niya sa office niya.”

“Kilala mo ba 'yong lalaking kasama niya? Sa'n sila nagpunta?”

“Ngayon ko lang po nakita 'yong lalake, Sir; at hindi ko po alam kung sa'n sila nagpunta,” sagot nito, kaya marahang tumango na lamang siya't tipid na ngumiti sa cashier.

“Sige, salamat,” tanging nasagot niya, bago tumalikod at lumabas na ng shop.

Sino naman kaya ang lalaking kasama ni Camina? New boyfriend? Mabilis niyang ipinilig ang ulo. No. Baka naman kaibigan lang? Marahan siyang tumango-tango at pilit na ngumiti.

“Tama, baka kaibigan lang,” mahinang usal niya, at saka na dumeretso sa kotse niya para makabalik na sa trabaho niya, bitbit pa rin ang bouquet na binili niya para kay Camina.

***

HANGGANG ngayon ay hindi niya pa rin alam kung sa'n ba siya nito dadalhin, basta ang alam niya lang ay nasa labas na sila ng Hallony. 'Pag nagtatanong naman siya ay parating sagot naman nito ay “It's a surprise.” Sabay kindat sa kaniya, kaya hindi na lamang siya nagtanong pa at nagpatianod na lamang kung sa'n man siya nito dalhin.

Maybe this is their first date. Hindi niya maiwasan ang mas mapangiti dahil sa isiping ‘yon.

Hanggang sa makarating na sila sa isang kalapit na probinsiya. Inihinto ni Julius ang sasakyan sa parking space ng isang restaurant, dahil oras na rin ng pananghalian.

“Bakit mo 'ko dinala rito?” tanong niya sa lalake nang makaupo na sila sa mesang inilaan para sa kanila.

“This is our first date. So, I want it to be special,” sagot nito, sabay kindat sa kaniya, kaya mahina na lamang siyang natawa.

“Ano nama'ng espesyal sa lugar na 'to?” hindi nawawala ang ngiti sa labing muling tanong niya.

“Secret,” nakangising sagot nito, kaya napanguso na lamang siya.

“Sabihin mo na kasi.” Hinawakan nito ang isang kamay niya't marahang hinalikan.

“It's a surprise, Babe,” malambing na sagot nito, at saka muling hinalikan ang kamay niya, habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.

Ayan nanaman ang puso niya, hindi nanaman magkamayaw sa pagtibok, lalo na nang marinig ang itinawag nito sa kaniya.

Hayy, Camina. Did you really fell that fast? Sana hindi mo 'to pagsisihan.

Bumuntonghininga na lamang siya't matamis na ngumiti kay Julius. Ang totoo, hindi niya alam kung ano na ba talaga 'tong nararamdaman niya; pero isa lang ang masasabi niya, masaya siyang kasama si Julius ngayon.

Nang matapos silang kumain, bumalik sila sa kotse ni Julius at muli itong nagmaneho patungo sa kung saan. Hindi na siya nagtanong pa, dahil alam niyang hindi naman nito sasabihin sa kaniya.

At nang makarating na sila sa lokasyong tinatahak nila, napaawang na lamang ang labi niya habang inililibot ang paningin sa paligid.

Sobrang ganda…

“Nabanggit mo na mahilig ka sa sunflower, kaya naisip kong dalhin ka rito. Nagustuhan mo ba?”

Nasa isang sunflower garden sila, at sobrang ganda ng lugar na 'to! Sobrang lawak ang ngiting binalingan niya si Julius, at saka ito niyakap.

“Oo, gustong-gusto ko. Thank you!” tuwang-tuwang saad niya habang nakayakap dito. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ng lalake, at saka rin yumakap sa baiwang niya.

Bigla siyang nakaramdam ng hiya, kaya mabilis siyang kumalas dito.

“Sorry,” nahihiya at namumulang usal niya.

“It's okay. I love hugging you,” nakangiting sagot nito, dahilan para mas lalo siyang pamulahan ng pisngi. Diyos ko po, ang lalaking 'to, bakit ba ang hilig niyang papulahin ang mukha ko?! Aminado siyang kinikilig siya sa mga banat nito, pero nakahihiya, dahil sa edad niyang 'to ay nagagawa niya pa'ng mamula na parang isang teenager.

Thirty years old na siya. Si Julius kaya ay ilang taon na?

Dahil sa naisip ay hindi na siya nagdalawang isip pa'ng magtanong sa lalake.

“Ilang taon ka na pala? Alam mo ang edad ko, pero 'yong sa 'yo hindi ko alam.”

Napakagat sa pang-ibabang labi si Julius at napahimas sa batok nito.

“What do you think? Sa tingin mo ilang taon na 'ko?” sa halip ay balik tanong nito kaniya. Kaya napanguso siya't saglit na nag-isip.

“Kung pagbabasehan ang itsura mo, mukhang matanda ka lang sa 'kin ng ilang taon. I think… maybe nasa thirty-two or thirty-three years old ka na,” nakangiting sagot niya.

Naiiling na tumawa si Julius, kaya napasimangot siya. It means, mali siya.

“Alam kong guwapo ako, pero hindi naman na 'ko gano'n kabata haha,” nakatawang sagot nito, kaya muli siyang napanguso.

“Eh, ilang taon ka na nga? Forty?” Sinamaan siya ng tingin ni Julius, kaya natawa siya.

“Thirty-eight na 'ko. Hindi halata, ‘no?” Ngumisi ito sa kaniya, kasabay ng pagkindat. Kaya pinanliitan niya ito ng mga mata.

“Ang tanda mo na pala. Thirty lang ako, ‘tapos thirty-eight ka na,” pang-aasar niya rito, dahilan para agad na mapasimangot ang lalake.

“At least mukha pa rin akong bata,” depensa nito, kaya muli na lamang siyang natawa. “Pinagkamalan mo nga 'kong thirty-two eh,” kapagkuwan ay ngisi nito.

“Oo na po. Ang guwapo-guwapo mo kasi,” nakangiting sagot niya na lamang. Totoo naman na ang guwapo nito eh, papasa nga itong maging modelo o artista.

Lalong napangisi ang lalake dahil sa sinaad niya, at saka mas lumapit sa kaniya't inakbayan siya.

“You're so honest, Babe,” nakangising saad nito, kaya natawa na lamang siya. Yeah, she's just being honest, at mukhang lumalaki na ang ulo ng lalaking 'to. Napailing na lamang siya't nagpagiya sa lalake sa kung saan man siya nito gustong dalhin.

Hanggang sa ang date nila ay napadpad sa isang hotel.

TBC

⚜⚜⚜

“Sa bawat aksiyong gagawin mo ay may karampatang kapalit. Kaya pag-isipan mong mabuti ang mga desisyong gagawin mo, dahil maaaring ang maging kalabasan nito'y makabuti o makasama.”

⚜⚜⚜

What You Give Is What I GiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon