32. Crazy

345 9 10
                                    

\\32// Crazy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

\\32// Crazy

“Camina right? Ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon? Bukod sa paglandi---”

“Mom, stop it,” may nagbabantang tinig na putol niya sa ina, kaya agad na napairap ang ina niya at nagpatuloy nalang sa pagpapakain sa anak niya, kaya naman nakangiti niyang binalingan si Camina.

“Don't mind her, ganiyan lang talaga si Mommy,” nakangiting saad niya dito, pero napasinghal lang si Camina at nakangiwing tinignan silang lahat.

“Nababaliw na kayong lahat, Ezra just cheated on her husband, nagpabuntis siya sa ibang lalake tapos okay lang sa inyo 'yon? My God, ano'ng klaseng pamilya kayo? Kinukunsinti niyo ang pagiging makasalanan ng anak niyo!”

“How dare you?!” galit na bulalas ng ina niya matapos marinig ang winika ni Camina.

“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko! Wala akong kasalanan sa inyo! Wala akong alam na may asawa na si Julius! Pero bakit kailangan niyo pa 'kong idamay sa kabaliwan na 'to?!”

“Stop it, Camina,” pag-awat ni Venzie sa babae, pero sinamaan lang siya nito ng tingin.

“Isa ka pa! Nababaliw ka na rin, Venzie, at talagang nagpauto ka sa babaeng 'yan?” Sabay turo sa kaniya. “Matalino ka, Venzie, may degree ka pa pero nagpapakatanga ka ngayon dahil sa baliw na babaeng 'yan!” Nandidiri niya muling tinignan ang lahat, lalo na siya, pero nanatili siyang walang kibo, hinihintay niyang matapos ito sa drama nito. “Mga baliw kayong lahat!”

“We're not crazy po.” Napatingin ang lahat sa anak niyang si Ezianna nang magsalita ito. “My mommy is just hurt because of you and my daddy---”

“Ezianna, huwag kang makisali sa usapan ng matatanda---”

“But, daddy, I can't just let her call us crazy, we're not crazy, mommy is not crazy, she's just hurt because you cheated on her with that woman; you had a baby with someone else, so mommy does too, she just want to get even, and Doc. Venzie is nice and amazing, that's why he's okay with me, but Tita Camina…” Tumingin ito kay Camina na nakaawang ang labi sa anak, hindi rin makapaniwala sa sinasabi ng anak niya. “She's angry with us, she called us crazy, so I don't like her anymore, I thought she's nice, because Mommy said so, but I think Mommy is wrong, because she's not nice at all.”

Natahimik ang lahat matapos ng nilintaya ng anak niya. Muli ay pinigilan niya ang mapangisi. Good job, my princess, that's right.

Maya-maya pa'y tumayo ang chairman habang matalim na nakatingin sa kaniya.

“Ayusin mo ang ugali ng babaeng 'yan, Ezra, bago mo iharap uli sa pamilyang 'to, hindi ko 'to nagugustuhan,” istrikto nitong saad, saka na tumalikod at tuluyang nilisan ang hapag, na agad namang sinundan ng grandman niya, tapos ay sunod na umalis ang ama niya kasunod ang ina niya na sinama na ang anak niya na seryoso pa rin ang muka na mabilis na sinulyapan si Camina bago tuluyang magpagiya paalis.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang apat, bago niya narinig ang pagtikhim ni Venzie.

“I'm sorry, Ezra,” hinging paumanhin nito, kaya tipid niya itong nginitian.

“It's not your fault, Venzie, you don't have to be sorry,” sagot niya, bago binalingan si Camina at masamang tinignan.

“'Di ba sinabi ko nang behave? Hindi tama na umakto ng gano'n sa harap ng chairman, hindi mo alam ang ginagawa mo, Camina,” walang emosyong saad niya.

Mapaklang tumawa si Camina. “You really are crazy, Ezra, at mukang minana 'yon ng anak mo! Sino'ng matinong tao ang sasang-ayon sa ginagawa mo? Hindi ko akalain na ganito ang mga Saavedra, ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ng mga tao ang kabaliwan ng pamilya niyo?”

“Are you threatening my family, Camina?” walang emosyong tanong niya, saka sumandal sa kinauupuan niya't pinagsalikop ang mga braso sa dibdib niya.

“Why, Ezra? Are you threaten?” nakangising tanong nito sa kaniya, kaya walang emosyon siyang tumawa bago nang-uuyam na tinignan si Camina.

“Really, Camina? You really think you would threaten a Saavedra?” Nang-uuyam siyang tumawa. “Dream on woman, dahil hindi mo 'ko matatakot gamit ang mga tao; baka imbis na kami ay ikaw ang masira sa mga mata ng tao.”

Ngumisi siya nang makita ang galit sa mga mata nito, dahil alam nitong totoo ang sinasabi niya, kayang-kaya niyang baliktarin ang lahat, kayang-kaya niyang sirain ang buhay nito sa isang pitik niya lang.

“You're crazy…” nakatiim bagang usal nito, bago mabilis na tumayo't tumakbo paalis ng dining at ng mansion, tinawag pa ito ni Venzie at tinangkang sundan, pero agad niya itong pinigilan.

“Hayaan mo na siya, Doc Venzie, dahil kahit na ano'ng gawin niya, hindi niya na matatakasan ang kapalaran niya, at 'yon ay ang mapabilang sa pamilyang 'to,” seryosong saad niya.

“Hahayaan mo lang talaga siya? Ex mo siya 'di ba? Mas susundin mo talaga ang asawa ko?” rinig niyang nang-uuyam na saad ng asawa niya, kaya napabuntong hininga na lamang siya.

“Bakit hindi ikaw? Ex mo rin naman siya 'di ba? Dala-dala niya pa ang magiging anak niyo, hahayaan mo lang ba siyang umalis mag-isa?” nang-uuyam rin na sagot ni Venzie, dahilan para mapatiim bagang si Julius at tatayo na sana para sugurin ang lalake, pero agad niya itong mahigpit na hinawakan sa braso, saka seryosong tumingin kay Venzie.

“Puwede ba'ng puntahan mo muna ang anak ko, Venzie? Gusto ka niya, kaya siguradong matutuwa siyang maka-bonding ka.”

“Honey---”

“Okay, Ezra, tawagin mo lang ko kung may kailangan ka,” mahinahong sagot nito na pumutol sa pagtutol ng asawa niya, saka na tumayo at nilisan ang dining nang hindi na nililingon ang asawa niyang hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin dito.

“Honey, hindi ko na talaga 'to kaya, kung ituring siya ng pamilya mo ay parang siya ang asawa mo, nakikiusap ako sa 'yo, Honey, please tigilan mo na 'to, please patawarin mo na 'ko, nag-si-sisi na 'ko, Ezra, sising-sisi na 'ko sa kagaguhang ginawa ko, pero tama na please, itigil mo na 'to,” pagmamakaawa nito sa kaniya, at damang-dama niya ang sakit sa boses nito, pero pinilit niyang hindi magpaapekto; hindi na puwedeng magpadala nanaman siya sa pagmamahal niya sa lalakeng 'to, hinding-hindi na magiging malambot pa ang puso niya para dito.

Marahan niya itong hinaplos sa muka't tipid na nginitian.

“I love you, Honey, but I can't, magkakaanak na rin kami ni Venzie, at hindi ko ipagdadamot sa kaniyang makasama ang magiging anak namin,” mahinahong saad niya.

Umiling-iling ito habang nagsisimula nang magsitulo ang mga luha mula sa mga mata nito, kaya marahan niya itong niyakap at hinaplos ang likod nito.

“Shhh… It's okay, Honey, I love you, always remember that, at hinding-hindi 'yon mawawala kahit na ano pa ang gawin mo, ikaw lang ang nilalaman ng puso ko, kaya hindi mo kailangang mag-alala, ikaw lang ang asawa ko, at walang ibang puwedeng pumalit sa 'yo sa posisyong 'yon,” seryoso pero punong-puno ng sinseridad na saad niya habang yakap ang asawa.

Naramdaman niya ang pagganti nito sa yakap niya at ang mariing maghalik nito sa ulo niya, kaya napapikit na lamang siya't ninamnam ang mainit na yakap ng asawa.

“I love you, Honey, mahal na mahal kita, at kahit na ano'ng mangyari, hinding-hindi ka rin mawawala sa puso ko, tandaan mo rin 'yan,” rinig niyang saad nito, dahilan para mapangiti siya.

Mahal na mahal na mahal kita, Honey, kahit na naging matigas ang puso ko sa 'yo, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo.

What you give is what I give, hanggat mahal mo 'ko, mas mamahalin kita nang higit pa sa pagmamahal mo.

TBC

'Wag tutularan si Ezra! Abnormal siya hahaha!

Last chapter na 'to mga babes, mamaya ko na i-po-post ang epilogue. Finally! ♡

What You Give Is What I GiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon