EPILOGUE

568 6 5
                                    

Five years later…

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Five years later…

Sa limang taong nakalipas ay naging buo at matatag pa rin ang pamilya niya, though hindi na talaga maiiwasang magkaro'n ng problema na sumusubok sa tatag ng pagsasama nilang mag-asawa.

Malusog na nailuwal ni Ezra ang anak nito at ni Venzie, at gaya ng gusto ng chairman ay isa itong malusog na lalake, na pinangalanan ng mga itong Valzie Saavedra; napagdesisyonan ng mga itong Saavedra ang dalhin nitong pangalan dahil na rin sa kagustuhan ng chairman.

At gaya ni Ezra ay malusog ring naipanganak ni Camina ang anak nila na isa namang babae na pinangalanan ni Camina'ng Carmela, ayaw man ni Camina pero apelido pa rin niya ang pinagamit dito dahil naman sa kagustuhan ni Ezra.

Wala ring nagawa si Camina nang mapagdesisyonan ni Ezra na kunin si Carmela nang tumuntong na ito ng isang taon para sa bahay na patirahin kasama nila, naglaban pa si Camina pero sa huli ay wala pa rin itong nagawa kun'di ang dalawin na lamang ang anak ng halos araw-araw, hindi na alintana ang layo ng lungsod na tinitirahan nito sa lungsod nila.

Gaya ng kagustuhan ni Chairman ay tumulong nga si Venzie sa Saavedra Corporation, at ito na ngayon ang pumalit sa puwesto ni Ezra bilang CEO ng kumpaniya, samantalang ang asawa niya naman ay tuluyan nang naging isang direktor, pinalitan sa puwesto ang ama nito.

Hindi pa rin siya gusto ng pamilya ng asawa niya, kung ituring nga ng mga ito si Venzie ay parang ito ang asawa ni Ezra, pero sa nakalipas na limang taon ay nasanay na lamang siya; hanggat nasa kaniya ang puso ni Ezra ay magiging kampante siya.

Kaya naman sa kabila ng sitwasyon nila ay hindi niya pinabayaan ang resto niya, mas pinalago niya ito hanggang sa makapagpatayo na siya ng iba pang branches sa iba't ibang lugar.

Tungkol naman sa kanilang dalawa ni Camina; hindi pa rin siya nito napapatawad dahil sa ginawa niya, siya ang sinisisi nito sa lahat ng nangyari dito, kaya naman kahit na may anak na silang dalawa ay halos hindi talaga sila magpansinan sa tuwing nagkikita silang dalawa para sa anak nila.

Pero ayos lang naman 'yon sa kaniya, ayaw naman niya nang mapalapit pa sa babae, dahil kahit hindi man selosa si Ezra ay ayaw niya nang gumawa pa ng bagay na pag-aawayan nilang dalawa.

“Daddy, hindi po ba pupunta si Mommy ngayon?” biglang tanong ng limang taong gulang na anak niya na si Carmela habang kasama niya itong nanonood ng educational movie dito sa living room. Sabado ngayon kaya naman ito lang ang kasama niya ngayon dito sa bahay, dahil ang anak niyang si Ezianna na ngayo'y twelve years old na, at ang anak ni Ezra na si Valzie na gaya ni Carmela ay five years old na rin ay nasa Saavedra Mansion, kasama ang pamilya ni Ezra.

“No, princess, hindi ka mabibisita ng mommy mo ngayon, but she promised na bibisitahin ka niya tomorrow, kaya don't worry, okay?” malambing na sagot niya, saka ito marahang hinaplos sa ulo.

“Okay po, sana tomorrow na para makasama ko na uli si Mommy, at saka para umuwi na rin sina Ate Ez at Val,” saad nito, saka na bumalik sa panonood sa tv, kaya tipid na lamang siyang ngumiti at hinapit palapit sa kaniya ang anak.

Wala rin ngayon si Ezra dahil kasama nito ngayon si Venzie sa labas ng bansa, dahil may inaasikaso ang mga ito tungkol sa mas pagpapalawak sa kumpaniya.

Oo aminado siyang kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya ngayon; kung ano kaya ang ginagawa ng mga ito habang magkasama sa labas ng bansa? Kung ano'ng aksiyon na kaya ang ginagawa ni Venzie para maagaw sa kaniya ang puso ng asawa? At kung siya pa rin kaya ang mahal ni Ezra sa pagbabalik ng mga ito?

Minsan na siyang binantaan ni Venzie na aagawin si Ezra mula sa kaniya, kaya naman hindi niya talaga maiwasang makaramdam ng takot sa tuwing magkasama ang dalawa.

Pero pinipilit niyang alisin ang mga negatibong pag-iisip dahil nagtitiwala siya sa mga salita ng asawa niya.

Mahal siya nito, at nagtitiwala siya dito; sinabi nito na walang ibang magmamay-ari sa puso nito kun'di siya lamang, kaya 'yon ang panghahawakan niya.

Dumating ang linggo, sinundo ni Camina si Carmela dahil gusto raw nitong ipakilala sa anak ang bago nitong nobyo, at natutuwa siya dahil kahit na galit pa rin sa kaniya si Camina ay nakikita niyang okay na ito ngayon, nakikita niya na itong ngumiti at tumawa uli, at ngayon ay may bago na itong iniibig; idadalangin niya na sana hindi na ito muling masaktan pa, na sana ang lalaking minamahal nito ngayon ay siyang lalakeng makakasama na nito hanggang sa pagtanda.

Isang linggo ang lumipas, at ngayon ay nakabalik na ang asawa niya, kumpleto na uli silang lima sa hapag kainan habang kumakain ng hapunan.

Tahimik na kumakain ang anak niyang si Ezianna habang nakikinig lang sa madaldal na kapatid na si Carmela, habang si Vanzie naman pinupunasan ang bibig ni Carmela kapag may nakikitang dungis ng pagkain dito, at silang dalawang mag-asawa naman ay nagkukuwentuhan lang rin ng kung ano-ano.

Napakasayang tignan ng pamilya niya kahit na may gusto at hindi perpekto, masaya pa rin siya dahil hanggang ngayon ay buo pa rin sila.

Kahit na naging ganito ang sitwasyon nila, basta nagmamahalan silang dalawa ni Ezra ay wala na siyang reklamo pa.

Ang pagkakamaling nagawa niya noon ay hinding-hindi niya na uulitin pa, dahil natuto na siya, at kuntento na siya sa asawa niya at sa pamilyang me'ron siya ngayon.

“I love you, Honey,” mahina niyang usal sa asawa nang tabihan na siya nito sa kama, saka ito pinaunan sa braso niya't malambing na niyakap.

“I love you too,” mahina ring sagot nito na yumakap sa baiwang niya, dahilan para may ngiti sa labi siyang nakatulog katabi at kayakap ang pinakamamahal niyang asawa.

Masaya siyang ito ang naging asawa niya, kaya wala siyang pinagsisisihan na ang isang Ezra Saavedra-Aliño ang pinakasalan niya; tanggap niya ang lahat-lahat dito, at tanggap niya ang lahat ng mga ginawa nitong pagkakamali, gaya ng pagtanggap nito sa mga nagawa niya.

Mahal na mahal kita, Honey.

END

NOTE: Feeling ko ang bitin ng istoryang 'to hahaha! Kayo rin ba? Pero wala na talaga akong mapiga sa utak ko about sa istoryang 'to ehh hahah! Ang totoo niyan kailan ko lang naisip ang istoryang 'to, wala naman talaga akong planong isulat 'to ehh, pero ewan ko ba, hindi siya mawala sa utak ko, kaya naman isiningit ko nalang sa mga nakapila kong istorya na isusulat haha! Pero sana nagustuhan niyo ang istorya nina Ezra at Julius, kahit na feeling ko bitin talaga siya hahaha! Sana sipagin ako na ayusin 'to, ang dami ko kasing nakapilang istorya ehh, kaya walang time mag-edit haha! Thank you nalang sa mga bumasa nito at nakaabot hanggang dito sa dulo, silent reader ka man o hindi, maraming-maraming salamat! God bless and Lovelots! ♡

Fact: Ayaw na ayaw kong nagbabasa ng mga ganitong klase ng istorya, 'yong mga about mistress; mas gusto kong problema ang kamatayan ke'sa babae haha! Kaya nga hindi ko rin alam kung bakit sinulat ko 'to, samantalang hindi ako nagbabasa ng mga ganitong klase ng istorya hahaha!

◆ I V Y L O U D ◆

What You Give Is What I GiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon