FL 25

10K 178 8
                                    

Enjoy Reading!!

Renz P. O. V

pagkatapos nang mangyari saamin ni dad kanina ay umakyat na ako, inisip ko ang mga sagutan namin kanina alam ko may pagkakamali din ako kung sinabi ko kay dad na may nararamdaman ako para kay Chris ay hindi kami ganto ngayon lang sa tanang buhay ko na nag aaway kami ni dad agad kong tinawagan si Ralph

"bro pwede ka ba ngayon?" bungad ko sa kanya

"may tinatapos lang na gawin bakit?"

"samahan mo naman ako" malungkot kong sabi minsan lang ako mag aya

"sure"

"puntahan nalang kita dyan sa inyo bro ahh"

Pagkatapos ng tawag ay kinuha ko ang susi at labas ng kwarto pagkatapos ay pinuntahan ko na ang sasakyan ko na nasa labas ng bahay pa at nagumpisa paandarin ito siguro kahit ngayon lang iinom ako minsan lang ako uminom pero nagkataon lang na brokenhearted ako medyo traffic pa dahil rush hour ngayon nang makarating ako ay bumusina ako kita ko na lumabas sya sa pinto nila at kita ko pa si tita na lumabas den kaya kumaway ako ganun din si tita saakin, agad naman akong sumakay at pasok naman ni Ralph

"bakit ka nag aya? Saan punta natin?" tanong saakin ni Ralph

"masama bang mag aya, basta" nagdrive nalang ako agad buti nalamg at di na gaanon nagtanong etong si Ralph maya maya ay pinababa ko sya sa sasakyan at pinabili ng can beers tapos ay nagpatuloy kami sa destination namin mga 3 hours akong nagdrive at nakarating kami sa bataan yes nagbataan kami

"seryoso nga bro bat tayo nandito" huminto kami sa may burol nakita ko to noon sa Fb pwede pumunta dito kahit ngayong gabi

"mag-iisip?" kibit balikat kong tingin sa magandang tanawin sa harap namin binuksan ko ang can beer na dalawa at binigay yung isa sa kanya

"magkwento ka bro pati ang nangyari sa mukha mo ikwento mo" huminga muna ako ng malalim bago magumpisa

"bakit kaya ganun bro parang bola ng basketball pag-ibig hawak mo na pero may umagaw pa" siguro nga bola ang pagibig pakikiligin ka sa una tapos sa bandang huli maiiwan ka

"putcha bro pagibig sino ba iyan?" mukhang di nila alam ang saamin ni Chris

"si Chris" sabay inom ko ng alak di ko naman na siguro kailangang magsinungaling

"si Chris? Kayo ni Chris" tumingala ako sa langit at kita ko ang mga bituin parang si Chris yan ang hirap abutin at kuhain

"di naging kami pero nanliligaw ako, matagal ko na syang gusto simula nung nang magkaklase tayo nung grade 6 tayo" paguumpisa ko

"mas lumalin noong summer matapos ang first year naten hinanap ng sistema ko ang presensya nya ang mga ngiti nya at tawa na lagi kong nakikita at naririnig ang boses nya na nakakapagpakalam saakin ewan masyado kong mjnadali noong nagtapat ako sa kanya alam ko naman eh na irereject nya ako, pumayag ako pare na kahit nireject nya ako sa pumayag ako sa gusto nya na ayaw nyang maging kami pinilit kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko kahit patago pero mas lalo akong nasawi" pinunasan ko ang mga tumulo na luha sa aking mga mata at inom ulit ng beer hanggang sa maubos ko ito

"sobrang sakit pala bro noh pag iba ang mahal ng mahal mo noh kung sana sa una palang di ko na ginawa ang mali" huminto ako at naalala ko ang galit nang matapos ko sya halikan kanina

"anong mali iyon bro?" tumingin ako sa kanya at binuksan ang kinuhang beer sa gilid ko

"ang halikan sya" kita ko ang napailing nalang sya at inom ng beer

"mali nga bro" sabi nya

"kaya heto ako parang tanga, masaya sana kung hindi ko nalang pinilit" humiga ako sa sasakyan at pumikit kung pwede lang sana ay ibalik ang lahat

Forbidden Love (boyxboy)(SSPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon