Flashback...
Masayang naglalaro sa hardin ang magkaibigang sina Freya at Lucas. Nagtatawanan, nag-aasaran at nagbabatuhan ng damong napulot nila sa kanilang tabi.
"Hoy! Ano ba! Masakit 'yon ah! Heto'ng sa'yo!" Sigaw ng labing tatlong taong gulang na si Freya sa kaibigan niyang si Lucas, saka binato rito ang damong hawak niya.
Natamaan ang mata ng labing anim na taong gulang na si Lucas kaya napahinto ito saka marahang hinawakan ang kaniyang mata.
Napansin ito ni Freya kaya kaagad siyang lumapit sa kaibigan at sinilip ito.
"Huy! Hala! Masakit ba? Wala namang buhangin 'yong hinagis ko ah?" Sunod-sunod nitong pagka usap sa nakayukong si Lucas. 'Di pa rin ito sumasagot kaya mas lalong kinabahan at nag-alala ang dalagang si Freya.
"Huy! Ano ba? Sorry na! 'Di ko naman sinasadya e! Saka wala namang buhangin 'yong hinagis ko sa'yo! Hmmp." Doon ay nag-angat ng tingin si Lucas ng may namumulang mata. Nang mapansin ito ni Freya, nanlaki ang kaniyang mga mata saka mas linapitan pa si Lucas upang makita ng malinaw ang kaniyang mata.
"Paanong walang buhangin, e tumama nga sa mata ko! Ano 'yon imagination ko lang?" Nang-uuyam na sambit ni Lucas. Nataranta naman si Freya dahil sa pamumula ng mata ni Lucas. Kaagad itong lumapit sa gripo saka hinablot ang panyong nakatali sa kaniyang buhok saka ito dali-daling binasa.
Lumapit ito kay Lucas saka pinaupo ito sa damo malapit sa gripo.
"Halika, lilinisan natin 'yang mata mo." Aniya. Tumalima naman kaagad si Lucas at umupo sa gilid kung saan siya sinabihang umupo ni Freya.
Lumuhod ito saka marahang hinipan ang mata ni Lucas. Focus na focus siya sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang paninitig sa kaniya ni Lucas.
"Masakit pa ba? Sorry ha, 'di ko sinasadya. Ikaw kasi e, binato mo 'ko ng damo e, gumanti lang naman ako no!" Sambit ni Freya na nakapagpatawa sa binata. Dahil dito, napababa ang tingin ng dalaga at nakita ang ginagawang paninitig sakaniya ng kaibigan.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong nito sa binata saka napahaplos sa mukha. Umiling lang bilang sagot ang binata saka napangiti sakaniya.
"Oh e bakit ka tumititig saakin? Crush mo ko no!" Pagbibiro ng dalaga na nakapagpatahimik rito. Dahil doon, napatahimik rin ang dalaga saka napayuko, kahit na musmos pa lamang, alam niyang may kakaiba siyang nararamdaman para sa binata.
Naguguluhan man sa nararamdaman, alam sa sarili ni Freya na nasaktan siya sa naging reaksyon ng binata. Pero hindi niya ito ipinahalata saka tipid na ngumiti, pilit na tinatakpan ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Ahm, Joke lang! Ano ka ba! I-imposible namang magkagusto ka saakin 'di ba? Jinojokie jokie lang kita!" Ani Freya habang pinipilit siglahan ang kaniyang boses. Ngunit nanatili lang ang tingin ng binata sa kaniya. Walang kibo, walang kahit anong reaksyon.
Tumayo si Freya saka inabot ang panyo'ng hawak kay Lucas saka pinagpag ang damit.
"Heto, pasensiya na talaga, ha? 'Di ko sinasadya.." aniya sabay abot ng panyo sa kaibigan. Naging tahimik ang paligid at walang kahit sino man ang nagtatangkang magsalita sakanilang dalawa.
Nang matapos ng linisan ni Lucas ang kaniyang mata, tumayo ito saka tinignan ang dalaga.
"Tara." Aniya sabay abot sa kaniyang kamay. Nakangiting inabot naman ito ni Freya saka tumayo.
Pinagpagan niya ang kaniyang bistidang suot saka binalingan ang kaibigan.
"Saan naman tayo pupunta?" Aniya. 'Di naman umimik ang binata saka biglaang hinablot ang kamay nito upang hawakan. Napa-iwas ng tingin si Freya saka pinipigilang h'wag ngumiti.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Teen FictionNaranasan mo na bang mahulog sa taong malapit sa'yo? Maling oras. Maling pag-ibig. Maling panahon. Maling tao. 'Yan ang nangyari sa dalagang si Freya noon. Nahulog siya sa kaniyang kababata at dahil sa pagmamahal na nararamdaman, hindi na nito nap...