WALA sa sariling hinilig ko ang aking ulo sa bintana ng kotse saka pinanood ang mga patak ng ulan na patuloy na bumubuhos sa labas. Narinig ko pang kinausap ako ni Katie pero dahil sa lalim ng iniisip hindi ko na siya nagawang sagutin.
"Hoy! ano ba? kanina ka pa tulaley diyan, anyare sa'yo, teh?"nakalingong sambit saakin ni Katie. Nasa front seat kasi siya ng kotse at ako naman ay nasa likod. Umismid ako saka tinapunan siya ng tingin.
Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko na sinagot si Katie, at buti naman ay hindi na ito nagtanong ulit kaya natahimik ang byahe.
FLASHBACK...
Lucas Sanchez sent you a friend request
Nanginginig man ang kamay, nagawa kong Idinelete iyon kaagad saka wala sa sariling tinago ang aking cellphone sa aking bulsa. Nakita ko naman ang mga nagtatakhang mukha nina Katie at Miguel sa aking kinilos. Ngunit napako ang tingin ko kay Miguel na tila ineeksamina ang aking mukha at tila sinusubukang basahin ang aking iniisip.
"What was that, Frey? Para kang nakakita ng multo ha?" Pang-aasar pa saakin ng bruhang si Katie. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin na nakapagpahagalpak sakaniya.
"Uhm, nothing.." Ani ko. Ngunit mukhang bakas parin sa aking mukha ang pagkabalisa, kaya nanatili ang mga tingin saakin ni Miguel. Ngumiti ako sakaniya para i assure siya na okay lang ako.
Napaisip tuloy ako..
What was that, Lucas?
Why now?
Why, all this years, ngayon ka pa nagparamdam ulit?
I already moved on, and here you are again, messing up my mind, and my feelings.
Damn!
NAPABALIKWAS ako ng kumatok sa bintana si Katie habang may dala-dalang payong sa labas. Nangunot ang noo ko at nakitang nasa grocery store na pala kami upang bumili ng pagkain. Damn!
Napansin ko namang nasa gilid si Miguel habang nakatakip ang hood ng kaniyang hoodie sa kaniyang ulo upang panangga sa ulan.
Seryoso itong nakatingin saakin, ngunit nababakas ko parin ang pag-aalala sa kaniyang mga tingin.
Shit, ganoon na ba ako kawala sa sarili?
Bumuntong hininga ako saka patagong kinurot ang aking sarili.
Ano ba, Freya. Umayos ka!
Pagka-usap ko sa aking sarili. Binuksan ko ang pinto upang lumabas na, ngunit napa yakap ako sa aking sarili ng umihip ang napakalakas na hangin. Kaagad namang ibinigay saakin ni Katie ang payong kaya dali-dali ko itong inabot upang hindi mabasa ng ulan.
Isinoot naman ni Miguel saakin ang hood ng aking hoodie saka ngumiti saakin.
"Are you really okay, Frey?" Kalmado niyang sambit saakin. He's so gentle! Minsan nga naiimagine ko na ang swerte ng magiging girlfriend ne'to in the future! Full package na! Chour.
Ngumiti ako sakaniya at yumuko, "I'm okay, Migs." Sagot ko sakaniya. Ngunit tila hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko kaya nagtanong siya ulit.
"I sense that 'something' is bothering you? Or is it 'someone'?"
Nagulat ako sa naging tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sakaniya. Nanatiling tikom ang bibig ko, 'di magawang sagutin ang tanong niya saakin. Sht!
"Migs, i-i'm okay, dont worry." I smiled, pero alam kong hilaw ang naibigay kong ngiti sakaniya. Napabuntong hininga siya at ibinalik nalang ang tingin sa harap.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Teen FictionNaranasan mo na bang mahulog sa taong malapit sa'yo? Maling oras. Maling pag-ibig. Maling panahon. Maling tao. 'Yan ang nangyari sa dalagang si Freya noon. Nahulog siya sa kaniyang kababata at dahil sa pagmamahal na nararamdaman, hindi na nito nap...