Kabanata 2

6 1 0
                                    

Present...

Freya's POV

Napairap ako sa kawalan saka tamad na nangalumbaba sa aking mesa. Tinanaw ko ang wall clock at ng makita ang oras, napabuga ako ng hangin saka napaharap sa gurong nagtuturo ngayon ng matematika.

Ano ba 'yan! Sumasakit ang ulo ko sa math!'

Kanina pa nagtuturo ang aming guro pero tila kay bagal ng oras!

Nang napalingon saakin ang guro, napaayos ako ng upo saka tumango-tango na animoy naiintindihan ko ang mga itinuturo niya.

Pero ang totoo, hindi!

Bigla naman ay kumatok ang president ng student council kaya pinagbuksan ito ng pinto at nagtungo sa aming guro upang kausapin ito.

Napangiti ako ng lihim..

Mukhang may meeting! Magdidismiss ng maaga! Yes!

At hindi nga ako nagkamali..

"Okay class, we will continue our lesson tomorrow. Don't forget to bring your calculators okay? Now, dismiss." Ani ng aming guro saka lumabas ng classroom.

Nagsigawan ang aking mga kaklase kaya natatawang napailing nalang ako. Grabe! Sumasakit ang ulo ko sa math! 'Di kinakaya ng aking brain!

Liniligpit ko na ang aking gamit ng may kumalabit saakin. Napalingon ako saka napangiti sakaniya.

"Tara na! Saan tayo tatambay?" Ani ng makulit kong kaibigang si Katie. Siya lang ang kaisa-isa kong kaibigan.

"Sa garden? O sa field?" Ipinasok ko ang kahuli-hulihang notebook ko sa aking bag saka tumayo.

"Sa field kaya? Hihihi." Sambit niya na nakapagpairap saakin.

Hinila niya na ako kaagad papunta sa field ng aming skwelahan. Habang naglalakad, patuloy ang pagdaldal niya saakin kung gaano sumakit ang ulo niya sa math kanina.

"Same, sis. Same." Ani ko na nakapagpatawa sakaniya. Hinampas niya pa ako sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pag ako nanghampas sayo, maga 'yang braso mo." Kaagad naman siyang lumayo saakin saka isinalag ang kaniyang bag na hawak.

"Ang hard mo talaga! Nagbibiro lang e! Masyado kang seryoso, sis! Hingang malalim! Loosen up!" Aniya pa saakin. Inarapan ko nalang siya. Loka-loka talaga. Minsan nga ay nagtatakha ako kung bakit naging kaibigan ko 'tong bruhang 'to.

Ilang minuto pa, nakarating na kami sa field. Inalog-alog naman ni Katie ang aking braso kaya napalingon ako sakaniya.

"Ano nanaman?" Inis kong tanong, pero ang bruha kilig na kilig habang tinatanaw ang captain ng varsity team ng aming kurso.

"Grabe, sis! Look at him! Goodness gracious!" Sambit niya saakin saka pilit akong inihaharap kung nasaan ang lalaki.

"Psh, umayos ka nga! Bruha ka!" Pinitik ko siya sa noo kaya nakabusangot siyang humarap saakin habang hinihimas ang kaniyang noo'ng ngayon ay namumula na.

"Aray naman, Frey! Ang sakit ha! Pitikin kita diyan e!" Napangisi naman ako sa kaniya.

"Sige nga." Pang-iinis ko sakaniya. Inirapan niya nalang ako saka nagdadabog na umupo sa bleachers.

"Nga pala, nagawa mo na ba 'yong assignment natin sa history?" Nanlaki ang mata ko ng maalalang wala pa pala akong assignment!

Lumingon ako sakaniya saka nagpuppy eyes. Napangisi naman siya sa nakita.

"Pakopya ako! Nako, nakalimutan ko! Next subject na pamandin 'yon!" Sambit ko. Umiling naman siya saakin habang nakangisi kaya nakakunot-noo ko siyang binalingan ng tingin.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon