Yxia
Pagkatapos ng quiz namin ay sumulpot sa harap ko si Eugo na ngayon ko lang napansin. Di na kasi ako tumingin sa paligid kanina. Nakangiti itong nakatunghay sakin.
"What?!"- i frowned.
Ngumiti lalo ito at kita na pati ngipin. Napaungot nalang ako at tumayo. Naalala ko na naman ang sinabi ni Lorraine kanina.
Tinabig ko si Eugo bago tinignan sya ng nagtatanong.
"Ikaw ba naglista sakin sa competition?"- nakaface palm na tanong ko.
" Wag ka na magalit mamau hehe."- kaya napaiwas nalang siya nung inigkas ko ang kamao ko sa bandang tyan niya.
Sabi ko na nga ba!
" Tss pakialamero ka talaga!"- sigaw ko sa kanya tsaka tiningnan sya ng masama pero nakangiti pa rin sya at nang iinis.
" Alam kong gustong gusto mong kumanta at sumali sa competition mamau kaya sinali kita. Wala namang mawawala."- kahit nakangiti ay batid kong seryuso kaya napaisip ako.
" Pero baka pagalitan ako ni papa."- nakatungo kong ani.
Alam niya ang sitwasyon ko at ang papa ko. Makulit kasi ito at tsismoso kaya nagulat nalang ako nung nag advice siya sakin.
Naglalakad na kami sa hallway papuntang garden, break time na rin kase. Napabuntong hininga siya.
" Hay nako mamao! Hindi siya magagalit kung hindi niya malalaman. At tsaka alas 2 ng tanghali naman yun. Makakauwi ka parin ng maaga. Tutulongan kita!"- pahabol niyang sabi ng inunahan ko siya.
" But that would be hustle! Malelate akong umuwi."- pasigaw ko ring sabi.
" Nag iisip ka ba?"- natatawa niyang tanong kaya kumunot ang noo ko. Naiinis
" Alam mo nakakainis ka na!"- binilisan ko ang paglakad ko pero may lahi ata 'to na kabayo kaya narito na sya ngayon sa tabi ko at hinawakan ang kaliwang braso at pinaharap sa kanya.
Nanibago naman ako sa paraan niya sa pagtingin.
" Tutulongan kita promise."- seryuso niyang sabi kaya napatitig ako sa natural black na mata niya. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa gilid ko.
" Bahala na nga!"- inis kong palag at dumiretso na sa bench kung saan ko laging pinagtatambayan.
Nagpaalam na si Eugo na may aasikasahin kaya ako nalang mag isa ngayon.
Kung alasdos ang start ng program then ako dapat maunang pagpeperform para mas maaga akong makauwi. Di ko nalang tatapusin.
Bakit di ko nga subukan? Kahit ngayon lang.
Nangiti ako sa sariling isip at huminga ng malalim.
SA sumunod na klase namin ay diko na nakita si Eugo. Umuwi narin ako pagkatapos nun. Alas singko ako umuuwi kaya dapat 5:20 pm palang dapat ay nasa apartment na ako. Kahit malayo ay nilalakad ko nalang.
Naabutan ko si mama na naghuhugas ng kaldero at napansin ko rin na nagluluto narin siya. Di ko naman maiwasang pagmasdan ang kabuuan ni mama. Maganda si mama 46 years old na siya . Nakasuot siya ng simpleng bestida.
Lumapit ako at niyakap ko siya mula sa likod. Naramdaman ko pang nagulat siya pero pagkalaunan ay pinaharap ako sa kanya at ngumiti siya ng pagkatamis.
" Kamusta ang klase anak?"- she asked.
" okay lang mom. At tyaka may sasabihin ako."- tinignan ko siya at tyaka pinalibot ang tingin sa apartment. Parang kami palang ang narito.
" Wala pa ang papa mo. Bakit ano iyon?"- sabi niya. Napansin niya siguro ako.
" May talent competition kase sa school sa friday and my classmate listed me. Wala nakong nagawa kase final na."- malakas ng loob kong sabihin kay mama dahil suportado niya ko sa pagkakanta.
" Anak you know your dad."- malungkot niyang ani. Napabuntong hininga naman ko.
" mom when are we going to stay like this?"- nagulat naman siya sa tanong ko. Nakikita kong nalulungkot sya. Kaya binawi ko ito. " Magpapahinga muna ako ma." - ngiti kong sabi at pumunta na sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay nilapag ko na ang gamit ko at umupo sa di kalambotang higaan ko.
Siguro kong may pera lang ako at pinapayagang magtrabaho matagal ko nang kinuha sila mama at Tanner dito. Gustong kong lumayo kay papa.
Blaggg
Kunot no akong napatayo dahil sa kalabog na yon.
"Greg please tama na!"- medyo impit na dinig ko kaya naglakihan ang mata ko
Si mama!
Nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakita ko dun si mama na nakaupo at basang basa habang si papa naman ay may hawak nga palanggana yun ang pinaghuhugasan ni mama kanina.
" Di ka talaga nag iisip Shiela! Kung hindi ko pa nakitang nakabukas tong heater baka sumabog na tayo dito!" - galit na sigaw ni papa.
"Kabubukas ko lang Greg di--"- napatigil si mama sa pagsasalita nang ibato ni papa ang palanggana kay mama. Pero diko hinayaan yun at sinalag ko ito gamit ang likod ko. Masakit ito dahil stainless pero diko nalang pinansin.
" Dad stop!"- diko napigilang sigaw kay papa. Kaya biglang tumayo si mama at hinila ako papunta sa likod niya.
Batid kong proprotektahan niya ako kung sakaling magalit si papa.
" Now look who's shouting at me. Ang kapal ng mukha mong bata ka!"- may diin niyang sabi. Ito ang unang beses na tinignan niya ko sa mata. Ngunit diko expect na ganito pala kasakit ang sasabihin niya.
" Ysia apologize to your dad."- diko mapaniwalaang tinignan si mama. Kaya nainis lalo ako.
" Sorry"- diko na alintana ang tono ng salita ko. Di ako sincere pero wala na akong pake. Lumapit samin si papa at tinulak si mama.
Padaklot niyang pinisil ang panga ko. Kaya di ko maiwasang mapaingit sa sakit.
" Are you asking me a favor by saying sorry?"- gigil niyang sabi sakin habang dumidiin ang kamay niya.
Napaluha ako.
" Greg please. Wag si Yxia." - pigil ni mama sa kanya.
Pahagis na binitawan ni papa ang panga ko. Dama ko parin ang sakit at diin. Tumakbo na ako papasok sa kwarto ko at nilock ito. Nadinig ko pa si mama na kumakatok at tinatawag ako pero di ko na iyon pinansin at umiyak nalang.
Iyak na hanggang nakatulogan ko nalang. Umaga na ng nagising ako. Wala na akong choice kundi maligo at magbihis.
Binalingan ko ang guitara ko. Gusto kong tumugtog ngunit nasa labas lang si papa dahil hwebes. Dayoff niya.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas nako. Dumiretso ako sa hapag at naabutan ko si papa na nagbabasa ng dyaryo habang si mama ay hirap na binubuhat ang water jag.
Dali ko syang tinulungan. Tumingin pa sya sakin ngunit umiwas nalang ako ng tingin. Nagtatampo ako dahil sansinabi niya kahapon.
" Pumasok kana and don't eat. Wala ka ding matatanggap na pera mula sakin ngayon."- di nakatingin si papa ngunit alam kong ako ang kausap niya.
Napairap nalang ako sa kawalan tsaka dali nang lumabas ng bahay. Inis akong sinimulan at tinapos ang araw na yon.
YOU ARE READING
SECRET SUPERSTAR(ON GOING)
RomanceShe only have her guitar and her voice. Singing is her dream. Stepping on stage and spotlights too. Will she reach her goal or stop dreaming and be with someone she didn't know and love at all.