MADALING araw palang ngayon at nagising lang ako dahil sa excited akong makita ang pinost kong video sa YouTube.
I pouted when I repeatedly refresh my site but no one viewed it even atleast just one!
" I knew this was a bad idea!"- inis kong sabi at padabog kong tiniklop ang laptop ko.
Inis kong sinimulan ang morning routine ko at pumasok ng maaga.
Pagkapasok ko sa room ay nakabusangot sakin si Eugo Kaya napaismid nalang ako at tumuloy sa upuan ko. Pero matagal na minuto na ring nakatingin sakin si Eugo na kitang kita ko sa peripheral vision ko Kaya inis akong tumingin sa kanya.
"Will you stop staring?"- salubong ang kilay na sita ko sakanya.
Inis ako sa araw na ito at ewan ko din sa sarili ko, mahirap maging babae sa totoo lang. Naging mabagal ang takbo ng oras sa araw na yun. Pero dahil Friday ngayon ay half day lang dahil sa may meeting ang mga school staffs so we'll have our half day.
Pagka-uwi ko ay pa bagsak kong hiniga ang katawan sa kama. Inis kung liningon kung nasaan ang laptop ko at umirap doon at napagpasyahang di bubuksan ito. Na tulog ako maghapon at gumising nalang para makapasok ng trabaho sa shop.
"Yxia ang maga ng mata mo, umiyak ka ba?" - usisa ni kuya Hance pagkabalik ko sa hilera ng guitara kung saan sya naroon.
Napailing ako "Hindi kuya nakatulog kasi ako kanina sa bahay." - simple kong wika at dumiretso sa cashier at naghintay ng magbabayad na customer.
Diko namalayang sumunod pala si ate Elaine sakin at pinagmasdan ako.
" Yxia parang may kamukha ka na napanood ko." - she doubtfully said as she continue staring at me. Kunot noo ko naman syang tinignan.
"Ate maraming tao ang may gantong features ng mukha." - pabiro kong sabi at ngumisi.
"No parang- hays baka nga."- suko niya at bumalik sa station nya pero tumitingin parin sya pabalik sakin.
Diko nalang sya pinansin at nagtrabaho. Hanggang sa uwian na namin ay diko maiwasang mailang sa uri ng pagtingin sakin ni ate Elaine.
Nagpaalaman na kaming lahat at nagkanya kanyang alisan. Pagdating ko sa inuupahan ko ay dumiretso ako sa banyo para magpalit ng damit.
Dahil malalim narin ang gabi, napagpasyahan kong matulog nalang at ipabukas ang assignments ko tutal sabado naman na bukas.
ALAS otso ng umaga ng nagising ako. Walang hilahilamos ay umupo ako sa study table ko at sinimulang magtapos ng assignment. Ewan ko din ba sa sarili ko na parang sa umaga pagkagising ko ay mas agresibo ang utak ko.
After ay nagluto ako ng scrambled egg para sa umagahan. Nakatulala ako sa bintana habang kumakain.
Ang boring mag-isa. Miss na miss kona si mama.
Inisip ko nalang na dalawin siya ngayon. Parang tinambol ng puso ko sa naisip kong iyon. Kinakabahan ako.
Nagpaalam ako sa shop na magpaday off ako ngayon dahil may importante akong gagawin at naintindihan naman iyon ni ma'am.
Dahil malayo ang pinagtataguan ko sa apartment namin nila mama ay nagtricycle ako papunta doon.
Pagkatungtong ko sa harap ng apartment ay huminga ako ng malalim at umakyat sa ikatlong palapag.
Ang disenyo ng apartment na ito ay bawat palapag ay may dalawang separated na bahay. Tiningnan ko ang bawat nadadaanan kung palapag nakatingin sakin ang isang dalaga sa ikalawang palapag na biglang tumakbo pabalik sa kwarto nila. Tinalikuran ko ito at umaakyat nalang sa hagdan.
"Yxia! Anak ni Shiela!" - pigil sigaw ng isang babae sa baba kaya tumingin ako dito pabalik. Nakita ko syang nagmamadali at tinungo ako. Medyo nagulat pa ako sa asta nito. Nang makadating sya sa harap ko ay dinarag niya ako pabalik at pumasok sa bahay nila ng dalaga kanina.
Nakaramdam agad ako ng kaba dahil sa inaasta nila.
"B-Bakit po?" - taranta kong tanong at huminga para mastable ang paghinga ko.
"Buti bumalik ka na. Anjan ngayon ang tatay mo sa taas. Kagabi inaaway na naman ng nanay mo." - pabulong nitong sumbong na nakapagpakaba sakin.
"Po? Ano pong nangyari kay mama?" - nangingilid na agad ako ng luha sa pwede kong malaman.
"Kanina nung nakita ko yung nanay mo para ata bumili ay may pasa sya sa mata. Kinausap ko sya at umiyak sa akin. Iyong mata niya pulang pula."- Awang awa nitong kwento sakin na nakapagpaiyak sakin.
"Bakit daw po sya sinaktan ni daddy?" - tanong ko.
"Hindi niya sinabi sakin ngunit kahapon e sa lakas ng boses ng papa mo ay tungkol iyon sayo dahil hinahanap ka. At rinig ko din ay may tinutukoy sya tungkol sa trabaho niya." - kwento nito na parang inaaalala nito ang siguro kahapon.
"Pupuntahan ko si mom--" - dali akong tumalikod para sana pumunta sa taas kaya lang ay pinigilan ako ng anak nitong dalaga at sumenyas ng wag at wag maingay.
Sumilip sya sa labas.
" Pababa ang tatay mo." - bulong nito kaya napaestatwa ako sa kinatatayoan ko. Gustong gusto kong sumbatan si daddy pero alam ko na diko magagawa iyon. Alam kong sasaktan lamang niya ako. "Wala na siya." - wika ulit nito at tumingin sakin.
"Salamat." - pagkasabi ko sakanila iyon ay dali akong umakyat sa third floor at nung nakarating ako sa pintuan ay nagdalawang isip pa akong kumatok.
Ngunit kailangan ko ng makuha sila mama.
Huminga ako ng malalim at tsaka dahan dahan akong kumatok.
"May nakalimutan ka ba Greg?" - sigaw ni mommy na nakapanghina sakin. Narinig ko ang pagkalas ng kandado sa loob ng bahay. "Greg--" - pagbukas niya ay nagulat ito at dali daling napaluha ang may pulang pasang mata ni mommy.
Nanghina at napaiyak nalang ako at tumakbo payakap sa kanya.
"Mommy I'm sorry. I'm sorry. I shouldn't have leave you here with dad." - paghingi ko ng paumanhin habang iyak ng iyak sa dibdib ni mama.
Napahagulgol naman si mama at yumakap sakin ng mahigpit.
"Miss na miss kita anak. Akala ko ay mawawala kana sakin" - buong hinanakit na sabi sakinni mommy habang hinahatak niya ako papasok ng bahay.
Kumalas ako sa yakap namin at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Nakita ko ang pasa niya sa kaliwang mata na pati sa loob ay may pula pula.
Bumuhos muli ang luha ko. Umakto si mommy na yakapin akong muli ngunit pinigilan ko sya para kausapin.
"Ma come with me."
***
Last update was 2020. Someone urged me to continue it so. :)
YOU ARE READING
SECRET SUPERSTAR(ON GOING)
RomanceShe only have her guitar and her voice. Singing is her dream. Stepping on stage and spotlights too. Will she reach her goal or stop dreaming and be with someone she didn't know and love at all.