Napatingin ako sa oras, malapit nang mag alas dos ng umaga pero ang mga tao rito ay sobrang sigla parin, they're so hyped. I know some of them are drunk or maybe stoned already but that only made them so energetic. Buhay na buhay ang malakas na tugtugin at ganoon rin ang mga sumasayaw.
Kahit malabo na ang paningin ay kita ko parin si Ellie na sumasayaw kasama ang lalaking nag-aya sa kanya kanina. Madami ang nagtangkang lumapit sa akin ngunit ang hawak nitong si Aspen ay nambabakod. God! This is so annoying, one of the reasons why I never want to commit in a relationship is because of this, ayaw kong nasasakal ako. I want my freedom. Dahil mula man noon, hindi ko nakamit ang kalayaang hinahangad.
I was born and raised in a cage where I thought freedom is beyond my grasp. I was tortured thinking I couldn't stand on my feet again. And then and there, the idea of me dying seems so... peaceful. Death just offers this good deal of freedom that no other option can surpass. It's enticing, I won't be thinking of the consequences I have to suffer, the possibilities that lies ahead is the only thing that forbids me from agreeing with its terms.
"Aspen, excuse me." Pasimple kong hinawi ang kanyang kamay sa aking braso. Kanina pa iyon, kahit makailang ulit ko nang hinahawi ay bumabalik parin ito sa nakahimlayan.
"Where are you going?"
"Uh... powder room lang."
"Samahan na kita." He offered that made my brows furrowed. I want to tell him to leave me alone, but I think that's too harsh when he's the one who took me from that hell of a house.
I tried to control myself. I may be drunk right now but I don't want to argue with him because I am totally exhausted.
"No need, ano ka ba. I'm still sober. Sumayaw ka nalang muna o ano riyan," Sabi ko at mabilis nang lumisan.
Para akong nakahinga nang maluwag nang nakalayo na ako. I sauntered into the rest room to check myself.
Naglalagay ako ng lipstick nang may biglang nagbukas sa pinto ng banyo. The impact of her sudden movement nearly broke the door. Mabilis ang kanyang takbo papunta sa isang cubicle at lumuhod. She threw up like there's no tomorrow, ni hindi niya pa naisara ang cubicle na pinasukan.
Nakangisi ko siyang tinitignan sa salamin habang sarili niyang sinisikop ang mahaba at magulong buhok. Mabuti nalang at mataas ang tolerance ko sa alak. I remember passing out in a house party but that only happened once.
"Raliah!"
Sunod-sunod na pumasok ang tatlong babae at mabilis linapitan ang babaeng sumuka. They tied her hair and wiped her mouth. Samantalang ang tinawag nilang Raliah ay nawalan na ata ng malay.
After retouching ay umalis na rin ako sa CR. Imbes na bumalik sa couch kanina ay naisipan kong umakyat sa pangalawang palapag. Mahigpit pa ang kapit ko sa railings dahil parang tinatamaan na rin ako ng alak or maybe I'm just tired.
Madami akong nakikitang pamilyar na mukha, yung ibang napapadaan ang tingin sa akin ay bumabati naman. Nakadungaw lamang ako sa dancefloor nang may biglang tumawag sa akin.
"Soledad? Who are you with?" A girl in red dress approached me, sa kanang kamay ay isang bote ng Jack Daniels.
I stared at her face ngunit nanatili lamang siyang pamilyar—hindi matanto ang pangalan.
"Friends..." I simply answered.
Sumulyap siya sa likod ko pagkatapos ay binalik sa aking mukha ang tingin. "Krisha and Jomaia?" She asked. Kung lalaki lang ito ay iisipin kong stalker. Mabilis ko nalang iyong inilingan.
"Great! Sumama ka muna sa akin. It'll be fun." Mas lalong lumaki ang kanyang ngiti sabay hila na sa aking kamay. Wala na rin akong nagawa, besides I'm bored! We stopped in front of a big couch, mas malaki pa kumpara sa mga nasa ibaba.