Mabibigat na hampas ng pang-gabing hangin ang sumusugat sa lantad kong balat. It's the first week of October, and the coldness starts to bite and a supposedly sunny day is being obscured by thick clouds. Most days, not even a single ray is offered by the heavens making the rest of the day gloomy and I can say... sadder.
Baku-bako na ang daan papunta sa aming bahay, malayo sa syudad kung saan ako nanggaling. Pumipikit na ang liwanag ngunit marami-rami paring sasakyan ang pamaparoo't pumaparito sa kalsada. But it's tolerable unlike in the city, halos hindi mahulugan ng karayom ang trapiko kahit na tuwing madaling araw.
Madaming kahoy ang nagsasayawan, masasabi ko ring presko ang hangin kahit na papaano... maraming tao ang may gusto sa ganitong senaryo. Peaceful they say, kaya mas pinipili ng karamihan ang tumira sa probinsya kaysa sa magulong syudad. But my peace is not here. Whenever my sight catches the dancing leaves, or my lungs was filled with cool breeze... all I can feel is chaos and not peace. Definitely not peace.
"Kuya, diyan nalang sa may malaking gate." Turo ko.
Napatingin ang tricycle driver sa kanyang side mirror kung saan maaaninag niya ako dahil nakaupo ako sa kanyang likuran.
"Montecarlo ka, hija?"
"Oo." Unfortunately—I almost added.
Nang huminto ang sasakyan ay mabilis kong inabot ang aking pamasahe upang wala nang susunod pang pag-usisa mula sa kanila ngunit hindi nakawala ang bulungan ng mga nasa loob ng tricycle pagkatalikod ko.
"'Yan yata yung anak na nagpakamatay."
"Nagrerebelde nga daw." Another voice whispered.
"Naku, mayaman naman sila ba't niya pa naisipin 'yun? Sayang lang ang ganda."
"Hay, mga kabataan talaga. Kulang lang 'yan sa dasal."
I clenched my fist tightly. Gusto kong lumingon at isampal sa kanila ang mga paniniwala nilang wala akong pakialam. Why do people like them always think that prayer is the only solution for everything, lalo na kung tungkol sa depresyon. Why is it always a question of faith?
Masama ang tingin akong lumingon sa pinagmulan. I caught those pairs of eyes piercing through my soul. Tila ba hinahalughog ang buong pagkatao ko't tila sa isang pasada ng tingin ay kilalang-kilala na nila ako. Mabilis ang iwas ng kanilang paninitig na sinundan ng kanilang paglisan.
I scoffed, watching the tricycle leave. "Useless dickheads." I mumbled.
I started to move towards the huge silver gate while taking three deep breaths. I can still hear the blaring screams of my dark past. I can feel torturous stabs of sharp words, even the drips of blood from my skin. Iyan ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang malaking bahay na 'to. With the sight of this, I can see hell... feel hell.
Sarado ang gate kaya tamad kong pinindot ang door bell. Ilang saglit lang ay binuksan na iyon ng kasambahay.
"Oh, ginabi ka ngayon, Aga."
"Nasiraan kasi ng jeep, Manang." Sagot ko.
She offered to carry my things but I refused. Manang Rosie is old, probably on her late 60's or early 70's. Inaamin kong gago ako at walang pakialam sa maraming bagay ngunit nagbabago pagdating sa mga taong mahalaga sa akin. Manang is a family to me. The only human I know in this god forsaken house.
"Kung sana ay pumayag ka nang hinahatid at sinusundo ni Rico. Tatlong oras din ang biyahe ng jeep," She said.
"Manang, alam niyo naman na ang sagot ko riyan, 'di ba?"
"Hay nako, ikaw talagang bata ka. Siya siya, may bisita nga pala ang mommy mo."
"Her religious amigas?" I blurted sarcastically. Knowing the people around her, kung gaano kaputi ang bestida nila tuwing may misa ay ganoon rin kaitim ang budhi nila sa labas ng simbahan. Same feather flocks together.