DIYOS ko naman... Myraaa!‛
Umalingawngaw sa buong condo unit ang galit na sigaw ni Shanna. Minsan-minsan lamang namang mawala ang poise niya.
Halimbawa'y nasunugan siya ng..
B-bakit , Ate? Halatang takot agad na bungad ni Myra sa pinto ng silid nya. Hawak pa nito ang siyanse na marahil ay kasalukuyang ginagamit sa pagluluto ng tawagin nya.
Ikaw ang nakasunog nito , ano?'halos naiiyak sa galit na sabi nya sabay pakita ng bagung- bago niyang Guess pants. Huwag mong sabihing hindi dahil dalawa lang naman tayo rito.
E... ' Namutla si Myra, halatang halatang guilty.
Itinago mo pa!' galit na initsa nya sa kama ang pantalon. Nakasiksik ito sa likuran ng tuwalya nang makita ko!
Naiiyak na si Myra, yukung-yuko.
Naawa naman agad sya sa maglalabinpitong taong gulang na katulog. Naiinis na nga sya sa sarili dahil galit na galit sya, kapag ganitong humuhikbi-hikbi na sa harap niya si Myra ay parang init na nasusubhan ang inis nya.
A-akala ko kasi, Ate...‛ pasulyap-sulyap sa kanyang sabi ng katulong, ‚kaparis 'yan ng ibang damit mo na hindi didikit kahit nasa number 5 na ang init ng plantsa.‛
‚Akala... akala!‛ Kahit naawa sa kaharap ay parang babalik na naman ang matinding galit niya. ‚Puro sa maling akala mo naman napapahamak ang mga mamahaling gamit ko, e. Kung pinabayaran kong lahat sa iyo ang nasira mo,
e,baka isang taonkang walang susuwelduhin.‛
Alam naman niyang hindi niya magagawa
iyon. Mahirap lamang sina Myra. Biyuda ang ina nito na nagtitinda lamang sa palengke. Pitong kapatid pa ni Myra ang binubuhay sa probinsiya ng matanda. Saka, rekomendado ng mommy niya si Myra dahil anak ng kababayan nito.
Bukod sa magalit nang magalit, wala na
siyang ibang magagawa para parusahan si Myra.
Nakakaawa kung kakaltasin niya sa suweldo nito ang mga magiging resulta ng katangahan ng dalaga.
‚S-sorry, Ate...‛
Iyon naman ang gusto niya kay Myra kapag pinagagalitan. Hindi na nangangatwiran nang liko. Inaamin na lamang ang kasalanan at humihingi ng kapatawaran.
Nakakainis nga lamang dahil paulit-ulit at parang hindi na ito matututo.
‚Ano pa ba'ng magagawa ko e naroon na
ang–‛ Suminghot-singhot siya nang makaamoy ng kakaiba sa hangin.
‚N-naku... nasusunog yata ang niluluto kong longganisa!‛ pabiglang sabi ni Myra.Anong yata?‛ parang gusto na namang manabunot ng bulyaw niya rito. ‚Talagang nasusunog na! Naku-... Myraaa!‛
‚GUSTO mo ng aspirin?‛ natatawang sabi ni Lulu Belle.
Inirapan ito ni Shanna. ‚Nakikita mo nang nangungunsume ang tao e inaasar mo pang lalo.‛
‚E, nakakatuwa ka kasi.‛ Ibinaba ni Lulu
Belle sa center table ang mataas na baso ng orange juice na iniinuman nito. ‚Maid, pinapatulan mo. Pinagkukunsumihan mo. Kaya nga nag-maid lang 'yon, e mapurol ang ulo. Kung matalino iyon, e papasok bang katulong? Di manedyer sana.‛
‚Diyos ko naman, Belle. Marami naman
akong nakitang katulong na kompitente at madaling turuan. Mas bata pa ke Myra. Bakit siya e parang pumapasok lang at lumalabas sa tainga ang mga itinuturo ko?‛
‚Mapurol nga, e. Saka galing pa yata sa
bundok. Siyempre'y hindi pa 'yon sanay sa mga modernong gamit.‛
‚Itinuturo ko naman sa kanya, a.‛
‚Perhaps it will take longer bago niya makuha.‛
‚Ga'no katagal? Pag ubos na ang mga mamahaling gamit ko?‛
Natigil sila sa pagkukuwentuhan nang
tumunog ng buzzer sa itaas ng pinto. Tanda 'yon na may message buhat sa guwardiya sa lobby.
Ini-on niya ang intercom na nasa gilid ng pintuan.May pizza delivery ho rito, Ma'am,‛ magalang na sabi sa intercom ng guwardiya. ‚Order n'yo raw ho?‛
Kasabay niyon ang paglitaw sa muntin
screen, nasa ulunan naman ng pinto, ng delivery boy ng pizza hut. Nakatingin ito at bahagya pang nakangiti sa kamera.
Lahat ng dumarating na bisita sa Prince
Gregory ay kinakamera muna sa lobby at pinaaprubahan sa mga tenants kung patutuluyuin o hindi.
‚Order ko nga 'yan,‛ sabi niya. ‚Papanhikin mo na lang.‛
‚Sige ho, ma'am.‛
‚Thank you.‛
Ini-off na niya ang intercom. Awtomatiko ring na-shut off ang munting screen sa itaas ng pinto.
‚Ang sosi-sosi naman nitong tirahan mo. De pa-kamera-kamera pa.‛
‚Ano'ng magagawa ko kung high-tech ang security system nila?‛
‚Sa may pool kaya natin kainin ang pizza?‛ tanong ni Lulu Belle.
May maliit kasing swimming pool sa
penthouse na para sa mga tenants. Katabi niyon ang maluwang na terrace na maaaring pagdausan ng mga parties. Mula roon ay kitang-kita ang kabuuang view ng Cubao at paligid.
‚Ayoko,‛ tanggi niya. ‚Tinatamad akong mag-swimming. Dito na lang tayo.‛
‚Nagkibit-balikat si Lulu Belle.
‚Nangungunsume ka talaga sa maid mo, 'no? Kung ganoon ka-hopeless ang tingin mo sa kanya, di dispatsahin mo na lang.‛
‚Ang hirap namang kumuha ng maid.
Ayoko naman sa ahensiya dahil takot ako sa mga sanay na.‛
‚Kaya nga, e. Di ba't ang gusto mo e 'yung
mga naive pa na probinsiyana? Para 'ika mo hindi manloko at ma-train mo sa paraang gusto mo?‛
‚Suko naman ako sa Myra na 'to, e. Aba'y
mas madali pang turuan ang umalis kong maid na si Penny. Mas bata pa iyon sa kanya.‛
‚Wala kang magagawa kung gusto nang
kunin 'yon ng ina para pagpatuluyin ng pag- aaral. Advancement 'yon. Hindi mo rin naman siguro gugustuhing manatiling katulong 'yung pobre.‛
‚Hindi nga. Kaya naman maluwag sa loob
ko nang payagan siyang umalis. Pero sana lang, nakuha na ni Myra maski kalahati ng pagiging competent ni Penny.‛
‚Hindi nga, e. Pagtiyagaan mo na lang.
Malay mo kung matuto rin. Saka sabi mo nga, mahirap kumuha ng maid ngayon. Karaniwan na sa mga probinsiya, sa halip mag-maid dito e sa abroad na lang. 'Yung iba naman, nagda-japayuki na lang.‛
Napabuntunghininga siya. Totoo naman ang sinabi ng kanyang kaibigan.
Mayamaya lamang, kumatok na ang
delivery boy ng Pizza Hut. Binayaran niya ito at binigyan ng tip.
BINABASA MO ANG
Di Sinasadyang Dayain Ka
Romance#helenmeriz Sikat na romance writer si Shanna. Minsang kinapos siya ng paksang maisusulat ay napagtuunan niya ng pansin ang incompetent at kinabubuwisitang katulong na si Myra. At nabuo sa isip niya ang isang weird na ideya: ang magpanggap na katulo...