CHAPTER 3
LUNCH TIME | MEETING PLACE
CHRISTIAN’S POV
Oh? Gulat kayo no? Hindi yung busangot na babae ang binabasa niyo. Ano narinig niyo tungkol sa akin? Hmm? Hindi ko na tatanungin. Lalo kung galing din naman sa babaeng yun. Kilala niyo naman tinutukoy ko dba? Oo, siya yun. Ewan ko ba dun, laging nakasimangot sa akin, lagi din nakasigaw. Hanggang ngayon ba issue yung sa pila? Galit na galit na siya nun? Tss. Eh mas nakakahiya nga ginawa niya nun e. Naalala niyo? Wala naman siyang binulong e. Hinipan niya lang tenga ko. Alam niyo ba feeling nun? Grabeng kilabot. >.<
Okay. Sorry naman sa kanya kasi sumingit ako. Eh nagmamadali kasi kami ni Jeric nun e. Susunduin kasi naming yung parents ni Jeric sa airport. Eh itong magaling kong kapatid, nakapila sa may cashier kaya humingi ng favor na icancel ko since okay na daw siya sa ibang section kasi nga daw nakausap na niya yung prof.. Bilang mapagmahal at masunuring kapatid, tumakbo kami sa enlistment. Reasonable naman dba? Tska siya rin naman yung nakakuha ng slot na yun e. Ayaw pa magpasalamat. Ungrateful na babae.
At doon sa Math, hindi ko talaga alam na siya yung katabi ko. Eh ungol ng ungol e. Malay ko ba kung ano nang nangyayari sa katabi ko dba? Bakit ba kasi laging mainit ulo nun? Menopausal? Eh bata pa naman siya dba? Siguro walang lovelife. Haha. Paano ba naman siya magkakalovelife kung kahit saan nakasimangot siya. Nakita ko kasi ulit siya before Math noon sa isang bench, may kausap yata siya pero nakasimangot parin. Hahaha. Buti hindi nadedeform mukha niya kakasimangot. Hahaha. Imagine. Ganun lagi mukha niya? Laughtrip. Hahaha.
At lastly, yung sa cafeteria, nakita ko kasi siyang hindi nakasimangot at tahimik na kumakain kaya akala ko pakikitunguhan niya ako ng maayos, eh ayun, sumigaw na naman. Pati ako nahahawa sa kakasigaw niya e. hindi naman ako yung taong palasigaw e. depende nalang kung galit na galit na ako. Pero yung babaeng yun talaga, laging nakalunok ng microphone! Tapos hindi ko din alam na magkakilala sila ni Tracey kaya ayan tuloy. Away na naman kami. Pero syempre, natahimik ako nun huli, hindi nga kami magkakilala pero lagi kaming nag-iiskandalo. Nakakahiya lang. Haha!
Teka, bakit nga ba ako nag-eexplain? Tss. Hindi ko dapat masyadong pinagkakaabalahan yang babaeng yan e.
“Uy Christian. Kahapon ka pa tahimik a. Kinakabahan ako sayo.” –Jeric
“Abnormal . Kung ano-ano iniisip mo.” –ako
“Baka ikaw ang kung anu-ano iniisip? Haha! Or sino?” – Jeric
“Sino ka jan? Lakas ng tama mo. Lul.” – Ako
“Haha! Eh Christian, ikaw tong mag-isang nakangiti kanina pa e.” –Tracey
“Mga baliw.” –ako
“Spill it out brother.” –Tracey
Ano pinagsasabi nila? Lakas mantrip. Nandito nga pala kami sa napag-usapang lugar ng ‘barkada’. Oo nga, barkada na kami, kabarkada ko siya. Good luck nalang sa pagkakaibigan namin. Haha!
“Uy guys! Si Marco nga pala, kaibigan naming.” Sabi ni Christelle na kadarating.
“Uy pare! Jeric nga pala.” Tapos nakipagshake hands siya.
“Christian.” Tapos fist bump.
“Hi. Ako naman si Tracey. Kapatid ko yan.” Sabay nguso sa akin. Dapat talaga sinasabi ng kapatid ako, ganun? Kainis talaga yang babaeng yan. Simula kahapon, tuwing may bagong kakilala at magkasama kami, may karugtong na ‘kapatid ko yan’. Adik lang?
“Guys, nakita niyo ba si Ash?” tanong ni Queencee
“Tinetext ko nga e. Kaso hindi nagrereply” sabi ni Iza.
BINABASA MO ANG
The Official Pimp
RomanceThis is a product of a dream. This is my original first born. :)) Sa daming pwedeng magawa ng pangarap sa atin, ano-ano mga gagawin nating desisyon? Sa labo at ka-unpredictable-an ng mundo, anong pwedeng mangyari at magawa ng isang pangarap? Isang...