Sa relasyon, sabi nila ang pinakakailangan ay ang pagkakaroon ng TIWALA sa isa’t-isa. Ang tanging bagay daw na higit na makatutulong sa dalawang nagmamahalan na magkaroon ng matibay at masayang pagsaama, ngunit ang bagay rin daw nay an ang pinaka-fragile sa lahat, kailangan pag-ingatan dawn g mabuti dahil pag iyon daw ang nawala parang suntok sa buwan ay iyong aasahan, napakaliit na daw ng posibilidad. Pero sabi nga nila kung kayo naman talaga ang para sa isa’t-isa, kayo at kayo pa rin ang magkakatuluyan sa bandang-huli.
Iniisip ko nga eh, paano yun?
Mahirap na nga daw ibalik yung tiwala diba?
Tapos at the end kayo rin yung tinuturo ng tadhana na magkakasama sa buhay, eh di parang ang hirap naman magkaroon ng maayang buhay nun..
teka-teka.. parang ang gulo?