CHAPTER ONE

255 6 35
                                    

One

" MELLISA! Lunch na!"

Napatingin ako sa kaibigan slash katrabaho ko na si Ninya. Nakapameywang ito habang nakataas ang kilay sa akin.

Bumuntong-hininga ako bago inayos ang salamin ko. Inalis ko ang tingin sa harapan ng computer at saka tamad siyang tinignan.

" Sorry Nins, inaayos ko pa 'yung mga resume ng mga interviewee. Sa akin kasi pinasa ni Ms. Pam."

She rolled her eyes. " Lisa naman, tanggap ka nang tanggap ng trabaho dyan kay Ms. Pam. Eh wala na nga halos gawin 'yan dito. For your information, supervisor ka dito, hindi taga HR! Nako! Mabuti nalang talaga may posisyon siya dito kung hindi nasupalpal—"

" Ms. Lisa! Okay na ba 'yung pinasuyo ko?"

Napatigil naman siya sa pagsasalita nang biglang pumasok si Ms. Pam. Hindi nakatakas sa akin ang bahagyang pag-irap ni Ninya.

Maldita talaga!

" Sige Mellisa, una na pala akong mag lunch. Parang kumulo 'yung tiyan ko," aniya na may pagdidiin ngunit nakangiti niyang sabi.

Bahagya lamang siyang yumuko kay Ms. Pam bago lumabas. Nakangiti akong bumaling sa kaniya. Maganda si Ms. Pam, maganda ang katawan at maputi. Puwedeng-puwede siyang maging modelo.

" Yes Ms. Pam, inaayos ko na lang 'yung mga ibang resume ng applicant."

Ngumiti ito. "Thank you ah, alam mo namang mahirap at pulido kung kumuha ng mga employees dito ngayon. Maselan at talagang masungit daw ang bagong CEO."

I heard about that, we had a meeting last month at nabanggit nga ng general manager namin na si Sir Roger na ipinasa na raw ni Mr. Joaquin Fauvel, our big boss, ang korona niya sa kaniyang anak.

Kaya ngayon ay kailangan naming magkaroon ng bagong employees sa housekeeping department. Mahirap, dahil gusto raw ng bagong boss na fluent sa english ang kunin naming employees, walang kahit anong sakit at malinis tignan.

"Yes, noted. Actually, nakapili na ako ng mga applicants na pasok sa standards ng hotel. We can give them a call right away."

Tumango-tango naman si Ms. Pam. "That's good to hear," napangiti na lang ako.

Napakasarap talaga sa feeling kapag nagagawa mo ang trabaho mo nang maayos. Mahal na mahal ko naman ang trabaho ko.

Nag-apply ako bilang HR Assistant pero hindi ko inaasahan na sa training ay ako ang kinuhang maging supervisor ng housekeeping department. Hindi rin naman naging madali dahil full time ang trabaho ko.

Napabalik ako sa ulirat nang pumasok roon ang intimidating at masungit na general manager namin na si Sir Roger. Bigla akong kinabahan nang magtagal ang tingin niya sa akin.

"Mellisa Bautista, in my office, please."

Binalingan ako ni Ms. Pam. "Good-luck," pilit akong ngumiti at saka sinundan si Sir Roger.

Sa bawat hakbang ko ay kasabay ng pagtibok ng puso ko. Pumasok kami sa kanyang opisina. Umupo siya sa swivel chair habang ako ay umupo sa kaharap na upuan.

" Sir?" Nanginig ang boses ko sa kaba.
Pati ang kamay ko'y nanginig nang alisin ko ang salamin na suot.

"Three years ka na rito bilang isang Supervisor and you love your job right?"

"Of course, Sir."

Tumango-tango ito saka himalang ngumiti. "Well, you originally applied for HR Assistant but unfortunately you are chosen to be the supervisor of Housekeeping right?"

"Y-yes Sir but personally, when the time passed by, I slowly learn to love my job even if I applied to be the HR Assistant. I really love to do this kind of work. Ever since I was young, tinuturuan na po talaga ako ng Mama ko sa mga gawaing bahay at kung paano maging pulido sa lahat kaya napamahal na rin po ako sa work ko."

Her Blazing Desire (IB Hotel Series #1) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon