Six
"PUNTA na tayo! Minsan lang 'yon Lisa!"
Kanina pa ako kinukulit ni Ninya na pumunta sa bar ng hotel mamaya. Samantalang nasabihan kasi siya ni Ms. Charmaine na pwede raw kaming mag stay roon mamayang out basta't hindi kami naka uniform kaya ngayon ay aligaga siya.
Lumilipad pa rin ang isip ko. Hindi ako mapakali dahil hindi pa rin sinasagot ni Robert ang mga tawag ko. I'm worried. Naka-usap ko na rin si Mama kanina paglabas ko sa room ni Sir Keegan.
Speaking of him, what did he mean earlier? He wants me to cure him but how is that? I'm not a doctor! He should see a doctor instead of me. I will do a lot of research to know about it but I can't guarantee that I can cure that.
"Ano? Ikaw talaga, sabay ang out natin mamaya! Minsan lang 'yon! Tapos ganito ka pa," aniya at sumimangot.
"Pag-iisipan ko, depende Nins kung kaya ko pa. Alam mo namang eight hours akong palakad-lakad at pabalik-balik sa loob, napapagod din ako," kalmado kong sabi.
Ngayon pa nga lang ay sumasakit na ang ulo ko. Mukhang marami akong nalanghap usok kanina...
"Sige, sana pumayag ka na. Kung hindi ka pupunta, hindi na rin ako," she slightly smiled.
Napangiti naman ako. Kahit ganito 'tong si Nins, masungit sa iba pero sa akin mabait siya. Kaya simula noong magtrabaho siya sa IBH Zambalez, siya talaga ang naging kaibigan hanggang ngayon.
"Sige, sa ngayon magtrabaho na muna tayo, I'll do the rounds."
I let out a deep sigh before proceeding. I took the elevator. I was about to click the close button but a woman came inside. I slightly bowed my head and smiled but she didn't even glance at me.
Napapahiya akong nag-iwas ng tingin. Amoy na amoy ko ang pabango niyang sobrang tamis. Nakita ko sa peripheral ko na tinanggal niya ang sunglasses na suot niya at roon ko napag-alaman na siya 'yung babaeng nakita ko noong gabing umuwi ako sa first day.
Bahagya akong sumulyap sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin. She's wearing a fitted black dress and heels, holding her LV purse while looking at her phone.
Sophisticated and gorgeous.
I wonder if she'll check-in when she's holding nothing but her purse. Or maybe she did check-in and her things are already in a suite.
"Excuse me, are you the elevator girl? Tenth-floor please," she said with a pretentious tone.
Hindi pa ako nakagalaw agad dahil sa nabatid niya. I want to tell her that I'm not the elevator girl but she looks pissed now while her phone is on her right ear.
Pinindot ko na lang ang tenth-floor at saka hindi na siya binigyan ng tingin. Tumunog ang bell hudyat na nasa tenth-floor na kami. Nang bumukas ito ay padarag siyang lumabas, dinig na dinig ko pa ang tunog ng kaniyang heels sa hallway.
Nagkibit-balikat ako at saka pinindot ang button sa roof top dahil naisipan kong doon magsimulang mag rounds.
May iilang guests na naroon. Napangiti naman ako nang makita ang mga assigned members na ginagawa ang mga trabaho nila. Pagkatapos roon ay bumaba naman ako ulit ako para i-check ang eleventh-floor.
It was quiet, palagay ko ay walang masyadong guests rito. May iilan rin namang housekeeper na dala-dala ang cart nila, nginitian ko sila bago nagpatuloy sa tenth-floor.
So far, so good.
There's no one in the hallway, but it's not quiet though. I can hear a loud knock from somewhere. I slightly run to see what's going on and there, I saw the woman earlier on the elevator. She's in front of the last suite on the tenth-floor and if I'm not mistaken, this is room five, five, five.
BINABASA MO ANG
Her Blazing Desire (IB Hotel Series #1) ON-GOING
Fiksi UmumImperial Bliss Hotel Series #1 Mellisa Bautista is the Supervisor of Housekeeping in a five-star hotel and she really loves her job. A typical woman, family-oriented, and committed to excellence. As they say, everything is not always the same. The...