Palage sa atin sinasabi na " first impressions last" na kung ano ung unang ugali na ipinakita mo sa isang tao iyon na agad ang tatatak sa isipan nya. Pero paano kung biglang may dumating sa landas mo na isang lalaki na ubod ng sunggit na hindi marunong ngumiti man lang sa kanyang mga nakakahalubilo?? paano kung isang araw pag gising mo ay bigla mo na nalang naramdaman na hinahanap hanap mo na dating mukang iyong kinaiinisan?? pano mo sasabihin sa sarili mo hindi kayo bagay ng lalaking iyong iniibig???? paano kung dumating ang araw na makilala mo siya ng lubos at siya ay nagtapat sa iyo??
Krinngggggg..kringgggggggggg.kringggggggg…… tunog ng alarm clock ng cellphone ni Mitch, alas singko na ng umaga at kaylangan na nyang gumayak para pumasok sa opening shift ng coffee shop na kanyang pinapasukan bilang isang barista.Ganadong bumangon si Mitch para maligo..habang naliligo kumakanta kanta pa siya na tila nag vovocalized ng kanyang makabasag eardrums na boses as in literal na makabasag eardrums.
Halatang maganda ang gising ni Mitch dahil napanaginipan nya ang kanyang ulitimate crush na si Derek Ramsay at habang ng naglalagay ng kanyang make-up sa muka nya si Mitch ay mejo umeemote emote pa siya ng konti na animo kunyari siya ang isang artista na naghahanda para sa kanyang take. Saktong 5:50 ng umaga ng makarating si Mitch sa kanyang pinapasukang coffee shop. Pag pasok sa kanyang teritoryo sa shop ay agad niyang binasa ang kanilang endorsement book upang makita kung ano ang mga bilin ng kanyang kapalitan. Habang binabasa niya ang kanilang endorsement book ay agad na nayang binuksan ang kanyang coffee machine upang ito ay uminit.
Saktong alas sais ng umaga ay open for business na kanilang shop kaya naman itong si Mitch ay aligaga sa kanyang mga dapat gawin na inendorso ng kanyang kapalitan. At habang nagaabang sila ng mga customers ng kaniyang kasama ay mejo nag punas punas muna si Mitch ng kanyang bar area at nag lista ng mga ilang kailangan na stocks para sa coffee shop. Sulat dito, punas doon yan ang araw-araw na gawain ni Mitch sa coffee shop habang nag hihintay ng papasok na customer upang mag kape.
“Miss excuse me. Can I have white cafe mocha please” Isang aroganteng order ng isang customer na hindi namalayan ni Mitch na pumasok sa loob ng shop. Agad namang inasikaso ni Mitch ang order ng kayang aroganteng Buena manong customer.
“Good morning sir which size would you prefer for you white cafe mocha?” ang tanong ni Mitch sa lalaking kanyang kaharap
“only the grande size please” sagot sa kanya ng lalake na kausap pero nakasimangot
“ok sir. For dine in or for take-out”
“for take-out and please paki bilisan mo miss kasi nag mamadali ako malalate na ako sa meeting ko” ang halatang iritableng sagot ng lalaki
“ok sir”
At pag karaan ng ilang minutong paghihintay ay naiserve na ni Mitch ang kapeng order sa kanya
“Thank you sir!! Visit us again” ang nakangiting sambit ni Mitch sa lalaking palabas na ng shop pag katapos kunin ang kanyang order.
“hmp!! Sayang gwapo ka sana kaso sibangot ang muka mo tuloy lumalabas ang wrinkles mo sa muka niya” ang sabi ni Mitch sa kayang sarili.
Buong duty ni Mitch ay aligaga siya sa pag kuha aat pag gawa ng orders ng kayang mga customers. Mukang maganda ang kaniyang araw dahil madame silang customers. Kaya naman pagkatapos ng kanyang duty ay halos wala na siyang lakas upang maglakad pa papuntang locker room upang magpalit ng damit na pang uwi. Kaya naman nang makarating na siya sa kanilang locker room ay agad siyang umupo sa upuang nakalaan para sa kanila. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone upang tingnan kung may nag text sa kanya at hindi naman siya nabigo 5 messages received. Excited na binasa ni Mitch ang kanyang mga text messages at pagkatapos basahin ay nagkaroon na siya ng konting lakas upang tumayo at kunin ang kanyang mga gamit sa loob ng kaniyang locker.
Pag dating ni Mitch sa kanilang bahay ay agad siyang dumiretso sa kaniyang kwarto upang maghiga at makapag pahingga kahit ilang oras. At dahil sa sobrang pogod ay agad na nakatulog si Mitch at sa kanyang pag tulog ay napanaginipan ni Mitch ang isang lalaki ngunit hindi malinaw ang itsura nito kaya hindi niya nakilala kung sino ang lalaking nasa kanyang panaginip. Nang magising si Mitch ay inisip niya kung sino ang lalaking kanyang napanaginipan.
Kinabukasan maagang pumasok si Mitch sa kaniyang trabaho. Habang naglilinis si Mitch may isang lalaki na pumasok sa shop at umorder ng kape. Agad na nabosesan ni Mitch ang lalaking umoorder at hindi siya nag kamali. Siya nga… ung umorder ng kape kahapon na supladong lalaki. At dahil alm ni Mitch na nagmamadali ang lalaking customer ay agad niyang iginayak ang kaniyang mga kailangan para sa order. At nang handa na ang pang take-out ay agad na sinabi ng kaniyang kasamahan na dine-in ang kapeng order ng customer kaya binago agad ni Mitch ang sanang lalagyan niya ang ginawang kape.Umupo sa may bandang sulok ang lalaking kanilang uang customer para sa umagang iyon at agad na kinuha sa kiyang bag ang isang laptop at hiniggi sa kasamahan niya ang password nang kanilang wi-fi connection at agad namang bumalik ito sa kaniyang upuan. Pag kalipas ng 2minuto ay handa na kapeng orde kaya naman agad na isinerve ni Mitch ang kape sa lalaking nasa sulok. At habang umiinom ng kape ang lalaki at halatang problemado sa mga files na kaniyang nirereview ay pinagmamasdan ito ni Mitch.
“Hoy Mitch!!!! Baka naman malusaw na ung customer natin sa pagtitig mo nayan” ang pasimpleng kalabit ni Sheen kay Mitch na halatang gulat na gulat.
“ano ka ba naman Sheen wag ka maingay hindi jan ko naman siya tinititigan noh minumukhaan ko lang siya” ang pabulong na sabi ni Mitch kay Sheen. “hindi daw tinititigan.. ehh ano ung ginagawa mo nayan?? Pero infairness gwapo naman ung customer natin ahh ang cute pa ng dimples nya tpos ang tangkad pa niya” ang kinikilig na sabi ni Shenn kay Mitch na may kasamang konting kurot sa tagliran.
At nang matapos nang mag kape ang lalaking kanilang kanina pang tinititigan ay tumayo ito at pumunta sa kanilang kintatayuan. Bumili ito ng bottled water at pagkatapos bayaran ay agad nang lumabas ang lalaki patungo sa kaniyang sasakyan.Ilang araw din ang dumating na araw-araw ay iyong lalaki na iyon palagi ang kanilang unang customer tuwing umaga at habang tumatagal ay napapdalas na ang pag punta ng masungit na lalaki sa kanilang shop at isang umaga habang nagsusulat si Mitch para sa kaniyang imbentaryo para sa buwan na iyon. Napansin ni Mitch ang isang matamlay, malungkot na lalaki nakaupo sa sulok ng shop.iyon ung regular customer nila.pero hindi ito umorder ng kape na araw-araw nitong iniinom sa tuwing pumupunta ito sa kanilang shop. Makalipas ang ilang araw, isang linggo, dalawang linggo hindi na bumalik pa ang lalaking palaging nakaupo sa sulok ng kanilang shop tuwing umaga. Napansin iyon ni Mitch at nagtaka kung bakit hindi na nag kakape ang lalaking masungit na sa sulok palage ang pwesto.
(c) http//www.facebook.com/millet.r.cruz