Day off ni Mitch kaya naman nag decide siyang mag punta sa isang mall at natapat naman na year end sale kaya naman ganadong Ganado si Mitch na magpunta, bukod sa sale ay pay day din nila kahapon. Pag dating sa mall agad na naglibot libot si Mitch para makita kung anu-ano ang mga items na nakasale at nag babakasakaling may matalisod man lamang siya kahit paano na magagandang items. Una niyang pinuntahan ang department store sa ladies section para maghanap ng mga damit.
“Huh??!!! 750 pesos??!! isang damit lang toh??!! Kala ko ba sale ehhbakit ang mahal naman nito??? Sayang ang ganda pa naman ng color nito and mukang masarap isuot kaso ang mahal” ang sabi ni Mitch sa kanyang sarili habang gulat na gulat sa presyo ng hawak na damit.
Kaya naman nag libot libot pa si Mitch nag punta siya sa shoes section para tumingin ng mga sapatos o kahit sandals lang. At nang makapili na si Mitch ng sapatos ay agad na siyang nagpunta sa cashier para bayaran ang sapatos, pag katapos niyang mag libot sa department store ay tumingin tingin din siya sa mga stalls na nasa gitna ng mall. Napunta siya sa sale na mga libro nag basa-basa siya ng mga English pocket books, cook books at nang hawak na ni Mitch ang librong Harry Potter ay biglang may hamatak sa libro na hawak niya. Laking gulat ni Mitch nang tingnan niya kung sino ang nakikipag hatakan sa hawak niyang libro. Walang iba kundi ang kanilang regular customer sa umaga na ubod ng sungit at hindi marunong ngumiti.
“excuse me sir??pwede bang paki bitiwan na ung librong hawak ko kasi babayaran ko na?” ang pataray na sabi ni Mitch sa lalaking kanyang kaharap
“ahh miss pwede bang ibang libro nalang ung kunin mo kasi gusto ko tong librong to ehh madame namang ibang libro?” ang sagot ng kaniyang kausap
“sorry pero ako ang nauna ditto sa book na ito so ikaw nalang ang maghanap ng ibang libro besides naman ikaw na din ang nag sabi madameng pang ibang libro so ikaw nalang ang maghanap ng kukunin mong libro” ang mataray pa din na sagot ni Mitch sa lalaki.
“hindi nga pwede miss kailangan ko talaga yang libro nayan. Ireregalo ko pa yan sa paborito kong pamangkin kaya sige na please miss” ang nagpupumilit na sabi ng lalake
“ireregalo mo lang pala.ehh ako gagamitin ko to so ikaw nalang ang maghanap ng ibang libro na ipang reregalo mo” ang sibi ni Mitch sa kausap sabay hatak sa libro at talikod para pumunta sa cashier at bayaran ang libro.
Habang naglilibot si Mitch ay naramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya kaya bibilisan niya ang lakad papuntang ladies room. At pagkatapos ng ilang minutong pag stay sa loob ay nag decide na si Mitch na lumabas at nag assume na wala na ung sumusunod sa kaniya. At paglabas niya ng ladies room laking gulat niya nang makita niya ang lalaking kanina lang ay kausap niya at nakikipag talo sa kaniya sa libro. Agad na binilisan ni Mitch ang lakad habang nakayuko para hindi di siya mapansin ng lalaki. At sa paglalakad ni Mitch ay biglang may tumawag sa kaniyang pangalan at pag linggon niya ay nakita niya ang kaniyang kasamahan na si Sheen na palapit sa kaniya.
“Uy Mitch bakit ba hindi ka namamansin dyan? Ano problema mo tapos ang bilis mo pang maglakad ehh wala namang walkathon dito sa loob ng mall ahh?” ang nagtatakang tanong ni Sheen kay Mitch.
“ehh pano naman kasi pakiramdam ko merong sumusunod sakin. Kahit san ako magpunta dito sa mall” ang sagot ni Mitch.
“WOW tehh!!! Haba ng hair mo ahhh kumukulot pa sa dulo abay natural madameng tao dito madameng tao ang nasa likod mo noh hindi lang ikaw ang naglalakad at nag pupunta sa mga pinupuntahan mo!! Mall kaya toh!!” ang sagot ni Sheen.
“oo alam ko un pero iba ung pakiramdam ko feeling ko talaga merong sumusunod sa akin” ang pilit na sagot ni Mitch
“ay naku halika na nga at mag libot nalang tayo tingnan natin kung ano ung mga sale” ang aya ni Sheen kay Mitch para malibang ito at makalimutan ang pakiramdam na merong sumusunod sa kaniya.
Masayang naglibot ang dalawa sa mall at nakalimutan na din ni Mitch ang pakiramdam na merong sumusunod sa kaniya. Habang nag lalakad ang dalawa ay napadaan sila sa event center. Meron ding mga items na sale kaya naman tmingin ulit ang dalawa. Habang nghahalukay si Sheen ng mga damit libro nanaman ang inatupag ni Mitch na basahin. At suddenly habang binabasa ni Mitch ang hawak na libro ay may bumanga sa kanya na halos ikatumba na niya.
“OHH MY GOD!!!! Aray ano ba yan ang sakit ahh!!!” ang pasigaw na sabi ni Mitch habang umaayos ng tayo
“ayy sorry miss hindi ko sinasadya nag mamadali kasi ako sa pag hahanap ko ng libro hindi kita napansin” ang pakumbabang sabi ng lalaki habang inaalalayan si Mitch.
“bitiwan mo nga ako!!!ikaw nanaman??!!! Sinusundan mo ba ako??!! Kanina ka pa ahh!! Kanina ung librong hawak ko ngayon ako na mismo nanadiya ka ba talaga?” ang inis na inis na sabi ni Mitch.
“sorry talaga miss hindi talaga kita nakita ehh” ang sabi ng lalaki sa mababang tono
“sorry?? Ang laki ko hindi mo ako nakita? Ano ka bulag?” ang sagot ni Mitch sa kausap
“hindi ko naman talaga sinasadya kaya nga nagsosorry ung tao eh.. hmmmm ganito nalang para hindi ka na magalit ililibre nalang kita or kahit coffee?” ang suhol ng lalaki kay Mitch
“at nakuha mo pa talagang….. ano akala mo sakin walang pera?? na cant afford bumili ng kape??and besides hindi ako sumasama sa kung kani-kanino lang lalo na sa hindi ko kakilala at sa mga lalakeng maxadong arogante” ang mataray na sabi ni Mitch sa kausap
“eto naman..peace offering ko na nga yun sa iyo ehh.. pero kung ayaw mo ehh di huwag by the way im Inad.. kung ako arogante ehh ikaw naman ubod ng taray. Malamang walang nanliligaw sayo kasi para kang amazona” ang pang iinis na sagot ng lalake.
“teka teka teka anong kaguluhan ito?? Natalikod lang ako sandal….ayyyyy I know you huh. ikaw ung madalas sa coffee shop namen every morning ung palaging white café mocha ang order” ang biglang sagot ni Sheen.
“yeah namumukaan nga kita ikaw ung palaging cashier dun tuwing magkakape ako dun” ang sagot ni Inad kay Sheen
“by the way im Sheen and this is my friend Mitch siya ung barista dun sa shop na gumagawa palagi ng order mo” ang pakilala ni Sheen kay Inad.
“Nice to meet you Sheen im Inad so si miss katarayan pala ung barista niyo dun?! Sayang ang sarap pa naman niyang gumawa ng kape kaso sobrang taray hehehehe” ang pabirong sagot ni Inad.
“so magkakilala na pala kau ni Mitch ay naku hindi naman talaga yan mataray mejo lang naman hahahaha” ang patawang sabi ni Sheen
“Sheen tara na umuwi na tayo polluted na ung mall ng aroganteng lalaking toh” ang inis na aya ni Mitch kay Sheen.
“teka lang naman miss taray este Mitch pala hindi ka pa pumapayag sa peace offering ko sau.pumayag ka na..lets have coffee kasama naman si Sheen and hindi naman na ako stranger kasi magkakilala na tayo” ang pilit ni Inad kay Mitch
“ok sige in behalf of Mitch payag na kame magcoffee tau” ang sabat ni Sheen.
“Sheen ano ka ba kung gusto mo ikaw nalang uuwi na ako” ang sabi ni Mitch kay Sheen
Pero hinatak ni Sheen si Mitch papunta sa isang coffee shop at iniupo ito sa upuan.
“diyan ka lang steady ka lang diyan iinom lang tayo ng kape ano ka ba and mukang mabait naman yang si Inad ehh” ang pakumbinsing sabi ni Sheen kay Mitch.
(c) http://www.facebook.com/millet.r.cruz