Ilang araw din at ilang lingo din ang nakalipas mula nung huling bumisita si Inad sa shop pero hindi iyon pansin ni Mitch tahimik lang siya habang apura nman ang daldal ni Sheen sa gilid niya. Tulala at mukang malalim ang iniisip ni Mitch ng mga sandaling iyon kaya naman hindi niya pansin ang mga sinasabi ni Sheen sa kaniya. Iniisip ni Mitch ang misteryosong lalaki sa panaginip niya na halos gabi-gabi niyang napapanaginipan. Hindi niya matukoy kung sino ang lalaking iyon ang alam lang niya ay matangkad ito at pala smile at ang palaging eksena sa kaniyang panaginip ay magkahawak sila ng kamay habang nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno. Naputol lang ang pagkatulala ni Mitch nang biglang may pumasok na customer at tinapik siya ni Sheen sa balikat para gawin ang order ng customer. Pagkatapos niyang gawin ang order ng customer ay biglang isa-isang nag sipasukan ang mga tao na tila hulog ng langit at uhaw na uhaw sa kape ta dahil don naging aligaga na sa pg gawa ng mga orders si Mitch at sandaling nakalimutan ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Halos malapit na silang magsara nang magsialisan ang mga customers nila sa shop at may ilan pang humahabol para magtake-out. Halos hindi na magkanda ugaga si Mitch sa pag gawa at paglinis ng kaniyang pinag gawaan. Saktong alas dose na ng makapag out si Mitch at dumeresto siya agad sa locker room nila para mgpalit ng damit na pang uwi. Problemado si Mitch palabas ng locker room nila dahil paniguradong mapipilitan siyang sumakay ng taxi pauwi dahil wala nang jeep na nagdadaan.Habang naglalakad si Mitch palabas ng vicinity ng shop at mayron siyang nakitang nakaparada na tskikot sa kanilang parking area. Nagtaka si Mitch dahil sarado na sila pero meron pang nakapark sa parking area nila pero hindi iyon pinansin ni Mitch at nang malapit na siya sa tsikot ay biglang may bumabang lalake, pero merong boses ng babae na tumawag sa pangalan niya. Laking gulat ni Mitch nang makita niya si Sheen na sakay din ng kotseng nakaparada. Agad naman nilapitan ni Sheen si Mitch at inaya na sumakay na dahil alam nito na mag isang sasakay ng taxi si Mitch at walang kasamang uuwi.
“uy mitch halika na sabay na tau kay Inad ohh wala ka pa naman kasabay na uuwi” ang aya ni Sheen kay Mitch
“ahh sige ikaw nalang ang suamabay sa kaniya magtataxi nalang ako pauwi” ang tangging sagot ni Mitch
“miss taray sumabay ka na ihahatid na kita sa inyo sige ka wala ka pa namang kasamang uuwi pano nalang kung biglang holdapin ka ng driver ng taxi na sasakyan mo baka rapin ka pa nun sige ka ikaw diw din”ang panakot na aya ni Inad kay Mitch
“ehh parang mas safe pa nga ako magtaxi kexa sumakay sa sasakyan mo eh” ang pataray na sagot ni Mitch
“eto naman si Mitch nag prepresinta na nga ung tao na ihatid tau tpos ganyan ka pa sakay ka na ok” ang pahatak na aya ni Sheen kay Mitch pasakay sa unahan ng kotse.
Walang nagawa si Mitch kundi pumayag nang ihatid siya ni Inad sa kanilang bahay,naisip niya na makakatipid siya ng 80 pesos pambayad sa taxi. At pag upo niya sa unahang upuan ng kotse ay agad na inabot ni Inad ang seat belt sa kaniyang kanang side at gulat na gulat si Mitch nang magkalapit ang kanilang mukha na halos magkahalikan na, biglang tumigil ang oras para kay Mitch ng mga sandaling iyon bumilis din ang tibok ng kaniyang puso na kala mo nakikipag habulan sa mga sasakyan sa express way ang bilis. Halos hindi siya makagalaw ng mga sandaling iyon pakiramdam niya naging baldado ang buo niyang katawan dahil ramdam na niya halos ang init ng bawat pag hingga ni Inad. Buong byahe na tulala si Mitch, walang kibo ni hindi na din niya namalayan na silang dalawa nalang ni Inad ang nasa loob ng sasakyan. Agad kasing bumaba si Sheen sa kalapit na kanito ng kanilang pinapasukan. Hindi na namalayan ni Mitch kung paano sila nakarating sa kanilang bahay dahil naman alam ni Inad kung saan siya nakatira.
“Mitch dito na tayo sa inyo” ang sabi ni Inad kay Mitch
“pa..pano mo nalaman ung exact address ko?? Pano mo nalaman na dito ako nakatira” ang nagtatakang tanong ni Mitch kay Inad