KAPE part 3

41 0 0
                                    

Isang tipikal na araw para kay Mitch dahil bukod sa tanghali na siya gumising ay mahaba din ang kaniyang pahinga dahil closing pa naman ang kaniyang pasok kaya naman hindi agad bumangon si Mitch sa kaniyang kama. Niyakap yakap pa niya ang kaniyang unan at nag pagulong-gulong ito sa kaniyang kama sabay kuha ng kaniyang kumot at tinalukbong sa kaniyang muka at pagkalipas ng ilang minuto biglang tumunog ang kaniyang telepono pero hindi niya iyon pinansin dahil text lang naman iyon at nag isip na hindi naman importante iyon dahil kung importante ay tatawagan siya kung sino man ang nagtext sa kaniya. Mag aalas diyes imedya na nung nag decide si Mitch na bumangon at kinuha niya ang kaniyang telepono sa table katabi ng kama niya. Binasa niya kung sino ung nagtext sa kaniya kanina.

“Mitch merong naghahanap sau dito ngaun na lalake ikaw daw ang gusto niyang barista, sabe ko mamaya ka pang closing papasok ang sabe babalik nalang daw siya mamayang hapon” ang text ni Jugs sa kay Mitch.

“sino ba ung nag hahanap sa akin?? Ano name daw niya??” ang reply ni Mitch

“ hindi ko na naitanong kung sino siya kasi tinawag ako sa loob ng office eh pero ang sabe niya babalik daw siya mamayang hapon kaya hintayin mo nalang siya mamayang hapon” ang sagot kay Mitch.

Sakto 1:30 ng hapon ng dumating si Mitch sa kanilang coffee shop agad itong dumeresto sa kanilang locker room para magayos ng sarili at habang nag aayos siya sa harap ng salamin ay dumating si Shenn. Kaya naman sabay na silang pumasok sa loob ng shop at habang nagwawalis-walis ay napag kwentuhan nila ni Sheen c Inad

“uy Mitch feeling ko mabait naman si Inad..hmmmm okey siya gwapo pa tapos matangkad  at take note ang lalim pa ng dimples nya”ang bungad ni Shenn kay Mitch

“ha??mabait na ba un para sayo?? Nilibre ka lang nga kape mabait na agad?? Alam mo Shenn wag ka nga magpapadala dun sa aroganteng lalake na iyon!” ang sagot ni Mitch na halatang mejo inis sa topic nila

“ano ka ba naman nakikipag friends na nga ung tao sa iyo ayaw mo pa!! and diba ng offer naman na siya ng peace offering sau kaya nga inaya niya tayo mag coffee diba?” ang pakumbinsing sagot ni Sheen kay Mitch

“ay naku pakitang tao lang iyon sayo nohh! Tsaka ni hindi nga marunong ngumiti un and remember nung unang punta niya dito ang arogantepa niyang sinabe na bilisan ko gawin ung order niya ni wala man lang please at ni hindi man lang nag thank you” ang padabog na sabi ni Mitch

“speaking of the man!!! Hi Inad musta??” ang bati ni Sheen kay Inad“ohh Sheen hello ok naman ako galing ako kanina dito kaso closing shift pala kau ni miss taray” ang pabirong bati ni Inad kay Sheen sabay kindat at ngiti.

“ikaw talaga Ina doo nandito siya ayon sa may bar area” ang sagot ni Sheen kay Inad sabay turo sa sa direction ni Mitch

“Hi miss taray..ay este Mitch pala” ang pabungad na bati ni Inad kay Mitch

“ayy naku ano ba uso na ba talaga ang invation ng mga aroganteng lalaki dito sa earth??” ang sagot ni Mitch sabay irap kay Inad

“ito naman binibiro ka lang naman..hindi ka na mabiro oh” ang pasuyo at malambing na sagot ni Inad kay Mitch

“pwes hindi ako nakikipag biruan at lalong hindi tau close para biruin mo ako” ang patuloy na pag tataray ni Mitch kay Inad.

“ahh ganun ba sige uulitin ko I’m Ethan Daniel A. Lopez my friends call me Inad im a junior executive in a well known company so heres my calling card” ang pakilala ni Inad kay Mitch at sabay abot ng calling card pero hindi pinansin ni Mitch kaya nilapag nalang niya ang calling card sa may counter

“sory pero hindi ako interesado sau” ang mataray na sagot ni Mitch.

Ilang oras na din ang nakalipas nang dumating si Inad sa shop at nakaupo sa isang sulok ng shop kung saan madalas siyang pumwesto. Habang nilalaro ang dalang laptop ay pasimpleng sumusulyap ito kay Mitch at sasabayan ng pasimpleng ngiti, halatang interesado ang binata sa mataray na barista ng shop. At ilang sandal pa ay nilapitan na siya ng Shenn at inalok ito kung mayron siyang gustong orderin dahil matagal tagal na din siya sa shop.

“Inad oorder ka nab a ng favorite mo?” ang alok ni Shenn kay Inad. Pero hindi agad sumagot si Inad sinulyapan niya muna si Mitch bago siya sumagot kay Sheen. “ahhh mukang alam ko na kung ano ang gusto mo Inad” ang sabi ulit ni Sheen kay Inad

“Sheen pwede bang humingi ng favor sayo??” ang sabi ni Inad kay Shenn

“hmmmm alam ko nay an navibes ko na kung ano ung favor na gusto mo.pero kaylangan umorder ka muna ng kape hahahahah” ang pabirong sabi ni Sheen

“ok sige ung katulad ng dati pero pwede bang si Mitch anng magserve nun sakin?” ang hirit pa ni Inad

“ok sige one white café mocha coming up” ang sigaw ni Sheen sabay kindat kay Inad

“Uyy Mitch isang white café mocha grande size for dine in order ni Inad and pwede bang ngumiti ka naman nakasimagot ka nanaman ehh sige ka ung wrinkles mo dadami nyan papangget ka” ang pabirong sabi ni Sheen kay Mitch.

“ohh eto na ung order tapos na kanino na ito??anong table number??” ang tanong ni Mitch kay Sheen 

“ahmmm kay Inad yang order nay an paki serve nalang kasi hindi nya maiwan ung laptop niya kasi meron siyang kausap.thanx” ang nakangiting sabi ni Sheen

“huh sa kanya ba ito??kung alam ko lang na sa kanya ito bad shot at sunog na kape sna ung ginawa ko para mapaitan ung mokong na un” ang asar na sabi ni Mitch

“excuse me sir heres your white café mocha” sabay lapag ni Mitch ng kape sa table

“thank you ms. taray este Mitch nga pala..nasanay na kasi ako na taray ang itawag sau kasi palage ka nakasimangot hindi ka marunong magsmile” ang pabirong sambit ni Inad kay Mitch sabay kindat.

Agad namang tumalikod si Mitch at naglakad palayo kay Inad at bumalik sa bar area ang hindi niya alam ay may usapan na pala ang kaniyang kaibigan na si Sheen at Inad tungkol sa balak nilang date. Nakuha na din ni Inad ang number ni Mitch kay Sheen at handa naman si Sheen na makipag sabwatan sa lahat ng balak ni Inad.

(c) http://www.facebook.com/millet.r.cruz

KAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon