CHAPTER FIVE

13 5 0
                                    

KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNGGGGGG!!!!



Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko, agad ko naman itong pinatay dahil naririndi na ko sa tunog nito. Agad nakong bumangon sa kama dahil pag di pa ako bumangon, malamang sa malamang ay makatulog lang ulit ako.




I headed to my bathroom to brush my to do my things in the morning. After I finish all of my morning rituals pumunta na ako sa kusina para humanap ng pwedeng lutuin, binuksan ko ang ref ko para humanap ng pwedeng makain, may nakita naman akong bacon at hotdog sa may ref kaya lang tinatamad pa akong mag luto kaya napag desisyunan kong mag kape nalang. Ganon kasi ako e, kung di ako tinatamad mag luto, wala naman akong ganang kumain ng kanin tuwing umaga, diko din alam kung bakit, pero kahit noon pa man ganoon na talaga ako.




Napag desisyunan kong pumunta sa malapit na bakery dito sa amin para bumili nang tinapay na ipapartner ko sa kape ko. Nang makarating ako sa Bakery ay medyo madami nang customer, sikat kasi tong bakery na to dahil masarap ang gawa nila ng tinapay. Dahil medyo madami ngang customer nag intay muna ako sandali........"Singkwenta pesos nga pong pandesal" rinig kong sabi ng babaeng nasa harapan ko...... Nang marinig ko ang salitang 'pandesal' ay diko maiwasang maalala yung tagpo namin kahapon ni Mr. Epal. " hay para ka naman kasing sira Sabrina e, isipin ba naman kung may pandesal yung tao" naiinis na sabi ko sa sarili ko.....




"Sinong may pandesal?"




"Ayyy pandesal" sabi ko habang nakahawak sa dibdib kong mabilis ang tibok dahil sa gulat. Tinignan ko naman kung sino ang mokong na nanggulat sa akin at lalo pa akong nagulat nang makitang si Mr. Epal iyon.




"Sinong may pandesal?". Tanong niya ulit..."Ikaw" wala sa sarili kong sabi. "Ha?" Tila naguguluhan niyang tanong. " Ay este, ikaw, anong ginagawa mo dito sa tindahan ng pandesal" palusot ko pa habang pasimpleng kinukurot ang aking sarili dahil muntik. Muka naman napaniwala ko siya dahil nawala na ang pag ka gulo sa mukha niya.




"Uhm, bibili sana ako ng pandesal ko" sabi niya. "Pandesal mo?" Gulat kong sabi sa  kanya. " Uhm, Oo bakit?" Tila nalilito niyang tanong sa akin...Pasimple ko naman binatukan ang sarili ko 'yung tinapay na pandesal ang tinutukoy niya Sabrina hindi yung pandesal na nasa isip mo' sigaw ng isang bahagi ng utak ko.




" Ah, wala nagulat lang kasi ako na kumakain ka din pala ng pandesal, kasi alam mo na muka kang mayaman" palusot ko pa sa kanya, sana lang gumana ulit.




Natawa naman siya ng bahagya dahil sa sinabi ko " Favorite ko kasi ang pandesal tuwing umaga, lalo na't may ka partner na kape, ikaw mahilig ka din ba sa pandesal?" magiliw na tanong niya sa akin. Nasamid naman ako bigla dahil sa tanong niya. " Uhm, Oo favorite ko din ang pandesal kaya nga andito ko ngayon e bibili sana ako" sabi ko nang makabawi sa pagkakasamid. ' abs pa more' sigaw ulit ng isip ko.




Sandali naman kaming natahimik dahil naubusan kami ng pag uusapan at maya maya pa ay binasag niya rin ito. "Uhm, okay ka lang ba talaga kahapon, sure kang ala ka talagang lagnat?" Tanong pa niya sa akin. " Wala nga hahahaha, namula lang talaga ako dahil sa init ng araw" depensa ko ulit sa kanya. " Eh bat nung uwian na kahapon nag mamadali kang umuwi?" Tanong pa ulit niya. Naalala ko naman ang dahilan kung bakit nag mamadali akong umuwi kahapon, nagmamadali ako dahil iniiwasan ko siya dahil baka pag naka usap ko siya maalala ko na naman ang tingkol sa abs niya."Ah yung kahapon ba, ah ala lang yon inaantok na kasi ko kahapon kaya nagmamdali akong umuwi". Palusot ko ulit, napatango tango naman siya dahil sa sagot ko..........




Nang makabili na kami pareho ng pandesal ay nag sabay na kaming naglakad pauwi since magkapareho lang naman ang direksyon ng unit ko at ng unit niya. Ako na ang nauuna sa kanya sa paglalakad dahil ayaw ko nang mahuli sa likod niya dahil baka kung ano ano na naman ang maisip ko. Mahirap na baka mapahiya na naman ako.




When 143 Turns To 153Where stories live. Discover now