Simula

61 16 9
                                    

Simula

My eyes looked upon the dark sky. It was cloudless. It was moonless.

But how could that be?

My gaze shifted to my palms as a drop of water fell from the sky. Then, I noticed it was raining. Hence, even if it rains very hard. It will not stopped me from continuing my plan.

The royal guards lined up on my left and my right, and me in between, protecting their king. They're all holding a torches in their left hand, threads of smokes lingered with the wind. As our horses are running faster, almost heading to the south entrance of Lunar Persualia. Ang tanging mabibilis at malalakas na yabag lamang ng mga kabayo ang aming naririnig. Medyo tahimik ang daanan papunta sa emperyo ng Lunar. Walang makikita na anino ng iba't ibang nilalang o kahit na anong mamamayan ng Luna.

Which made me wonder.

Is it because we're not yet in the Lunar's Empire?

Kung wala lang sindi ng apoy ay hindi namin makikita ang daan sa sobrang dilim.

Nagpatuloy kami sa aming daraanan. Tiyak kong malapit na kami. Diretso ang daanan at madilim padin ang kapaligiran. Maraming beses nakong namalagi sa emperyo, nagpapanggap bilang isang ordinaryong taga Luna. Ngunit kapag lumalabas ako ng syudad,  bigla nalamang nawawala sa aking alaala ang mga distrikto o kung anong napuntahan ko sa emperyo nayon kahit ang aking nakasama ay hindi ko matandaan. Ngunit tanda kong pumasok ako doon. Siguro iyon ay marahil sa hindi ako totoong mamayamanan ng Luna.

Hindi kaya'y ito ang kanilang pag protekta?

Sa kanilang sarili? o marahil sa buong palasyo?

Napailing ako sa aking isipin. Palaisipan parin sakin ang kapangyarihang taglay ng emperyo na iyon.

Bumagal ang pagtakbo ng aming kabayo ng matanaw na ang tarangkahan ng palasyo. Agad itong bumukas ng makita ang aming pagdating. Bumungad sa'min ang maliwanag na syudad. Mga taga-pag silbi ng Luna. Mamayanan ng Luna at mga hukom na malawak ang pagkakangiti at hinihintay ang aming pagpasok sa emperyo.

Natanaw ko ang buwan, nuon ko lang napansin ang buwan na siyang nagsisilbing liwanag ng emperyo.

Dito lamang lumiliwanag ang buwan.

Maingat akong bumaba sa aking kabayo saka ginaya ako ng mga kawal ng palasyo patungo kung nasaan ang reyna. My footsteps overwhelmed the whole empire of Lunar Persualia. I can sense that.

Humilera ang lahat ng kawal at sabay-sabay yumuko, hinayaan akong maglakad sa gitna, papunta kung nasaan ang reyna.

Napatingin muli ako sa buwan. Tunay itong maganda. Gumaganda lalo dahil sa liwanag.

"Hindi ko alam na dito pala sa iyong palasyo kaganda ang liwanag ng iyong buwan mahal na reyna. Dito lamang ito lumiliwanag." pagtukoy ko habang nakanatiling nakatingin sa buwan.

Matamis itong ngumiti sakin. Kapagkuwa'y bumaling din ang tingin sa maliwanag na buwan. "Ito ang kaniyang tahanan." tipid nitong sagot na nanatili padin na may mga ngiti sa labi.

Lumapit ako sa reyna. Marahan kong kinuha ang kanyang kamay at saka dinampian ng halik doon. Napatingin ako sa muka nito. Talaga namang napaka ganda. Kahit gabi ay lumiliwanag. Kumikinang, at napakasarap pag masdan. Ngunit hindi siya ang pakay ko.

Yumuko ako biglang paggalang. "Your Majesty."

"Ano't narito ka Hari ng Choseon?" tanong nito.

Walang bakas na pagtataka sa kaniyang muka. Parang napaka normal lang niyon. Kalmado at may awtoridad ang kaniyang pag sasalita. Ngunit nangingibabaw parin ang pagiging reyna.

"Pasensiya kana sa hindi inaasahang pag punta ko sa iyong emperyo. Salamat sa pagpapatuloy." sinsiro kong saad. "Ngunit huwag mong mamasamain, hindi ikaw ang pakay ko mahal na reyna." nagulat man ay agad din ito nakabawi saka ngumiti.

"Kung ganoon, sino ang pakay mo? hari ng Choseon? Mukang importante ang iyong pinunta." takang tanong ng reyna.

Napangisi ako. "Ang iyong pangalawang anak mahal na reyna."

Natigilan ito at pagak na tumawa. "Hindi lang ikaw ang gustong makakita sa pangalawa kong anak, Hari ng Choseon. Wala pa ni sino man sa labas ng emperyong ito ang nakakita na sa aking anak." sumeryoso ito. "Hindi maaring makita ang prinsesa hangga't hindi naipapasa sakaniya ang trono. Alam mo yan mahal na hari. Ito ang batas ng bansa. Batas ng lahat ng emperyo. Masyado pang bata ang prinsesa para sa isang tungkulin."

Napangiti ako sakaniyang sinabi. "Alam na alam ko yan mahal na reyna." lalong lumaki ang aking pag kakangisi. "Sa tingin mo ba ay hindi ako pupunta ng walang plano?" mabilis kong pinulot ang aking espada at tinapat sa kanyang leeg. Naalerto ang lahat ng kawal at nagsilabasan din ng kanilang espada. Ang kawal ng reyna ay sa akin tinapat ang kanilang sandata. Ang aking mga kawal naman ay nasa likod lamang. Alam kong hindi sila kikilos hanggat hindi naririnig ang aking utos.

Nanatiling kalmado ang reyna. Hindi ko manlang mahanapan ito ng takot. Nagtataka man sakaniyang reaksyon, nanatili parin ang aking espada sa kaniyang leeg.

"Anong pakay mo sa anak ko Hari?" mahina nitong sambit na may bahid na inis.

Lalo kong pinadiin sa kaniyang leeg ang espada dahilan ng pagtulo ng dugo roon. "Ang makasal sa pangalawang prinsesa, mahal na reyna, yun ang pakay ko."

Nahihirapan man ay nakuha pa nitong matawa. "Ha! nahihibang kana. Hindi ako papayag sa sinasabi mo mahal na hari. Pasensya na."

Mabilis nitong napigilan ang lalong pagdikit ng espada at naagaw mula sakin ito na agad tinutok sa aking leeg. Naghalo ang inis at gulat sa aking muka. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yon. Dahil sa ginawa niyang yon. Mabilis na naalerto ang aking kawal. Kinuha nila ang kanilang espada at iniwasiwas sa kawal ng reyna. Bago ko pa maagaw muli ang espada, nabalot ng puting liwanag ang aming paningin dahilan ng isa-isang pag bagsak ng lahat.

MINASAHE ko ang aking sintido at dahan-dahan nag mulat. Nakaupo ako sa lupa na parang nagpapahinga. Tumayo ako at pinasadahan ang tingin sa kapaligiran.

Nasaan Ako?

Madalim. Nasa tapat kami ng isang tarangkahan ng palasyo. Nag angat ako ng tingin sa aking mga kawal.

"Nasaan tayo?" pakiusap ko sa isa.

"Kakalabas lang natin sa Emperyo ng Lunar Persualia, mahal na hari."

"Kung ganoon tapos na tayo?"

"Ganoon na nga mahal na hari."

Tumango ako saka sumakay na sa aking kabayo. May plano ako, naisagawa ko ba? Pilit kong inaalala ang nangyari. Ngunit tuwing pinipilit ko ay kulay puti lamang ang lumalabas, na para bang hindi pinahihintulatan na makita iyon.

Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit. Walang pagaalin-langang pinausad ko na ang aking kabayo. Ngunit bago pa tuluyang makalayo.

Napatingin ako sa tarangkahan ng palasyo.

Natatandaan kong pumasok ako doon. Ngunit wala akong maalala. Wala akong maalala sa aking ginawa.

Bakit hindi ko maalala?

To be continued...

Goddess Of The MoonWhere stories live. Discover now