Kabanata 3

71 14 0
                                    

Kabanata 3: Hunt

Observing.

I've been observing myself for the past five years. Ngunit ganon padin ang kinalalabasan.

I still don't want to be the next queen of Lunar Empire.

Bumuntong-hininga ako. Nasa labas ako ng palasyo ngayon. Hindi ko maiwasang hindi punahin ang napakagandang daanan ng kanilang syudad. Mas maganda pa rito kesa palasyo. Mas naaliw ako sa 'king nakikita.

Pinili kong mag-aral sa mga taga Luna. Dahil nakakainip mag-aral mag-isa, puro ministro lang ang aking nakakasama at ang guro sa napakalawak na silid. I'm not going to die because of war and fighting for my empire.

I'm going to die because of boredom and loneliness.

I set aside my thoughts and just continued to walk.

Good thing the queen let me though.

Natutuwang pinagmamasdan ko ang mga taga Luna. Kahit nagtratrabaho ay hindi mawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan ang mga ito bago bumalik sa kanilang ginagawa. Napakagandang pagmasdan.

"Hindi kaba talaga sasama?" napalingon agad ako saking katabi.

Pinagsiklop nito ang parehong kamay na animoy tuwang-tuwa. "Gusto kong makita ang prinsipe ng Lunar! balita ko ay maghahanda daw ng pigging ang reyna. Tiyansa ko ng makitang muli ang prinsipe!" excited nitong sabi.

Napailing nalamang ako. Isa siyang simpleng mamayanan ng taga Luna. Ang tatay niya lang ang kasama niya at taga tinda lang rin ito pamilihan. Naging kaibigan ko narin simula ng nag-aral ako sa Astran kung saang tinatawag nilang University para sa mga maharlika sa labas ng palasyo. Magkakaroon ng pigging sa palasyo dahil maganda ang pagsasanay ngayon ni Keanus. At pag nalaman siguro nito na para kay Keanus ang pigging na iyon ay mahihimatay ito sa tuwa.

Gustuhin ko man ngunit bawal akong sumama sakaniya. Hindi ko rin alam ang mangyayari pag nakita ng mga hukom na sumasama ako sa mga taga ordinaryong Luna. I can't risk her life. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkawala ng maayos niyang buhay.

Pero sa ginagawa kong ito marami ang mapapahamak.

Beats me.

Tumigil kami ng nasa tapat kami ng kaniyang tahanan. "Sasusunod nalang siguro, Dayanry. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako makakasama sa 'yo."

Napanguso ito. "Ganon ba?" kapagkuwan ay malungkot na tumango. "Sige, kukuwentuhan nalang kita! lalo na pagnakita ko na ang prinsipe." saad nito saka kumaway.

Nagpaalam ito na papasok na sakaniyang bahayan. Kaya iniwan na niya ako sa labas.

Lumapit sa 'kin ang bantay kong kawal nang nawala na si Dayanry. Yumuko ito bago binigay sakin ang tali ng hawak niyang kabayo. "Kamahalan, naghihintay na sa palasyo ang punong tagapagsilbi."

Tumango ako at kinuha sa kamay niya ang tali ng kabayo. Isunot ko saglit ang aking itim na balabal bago humakbang.

I don't want them to recognized me while i'm heading my way to the palace.

Malayo pa ang emperyo. Hindi makakaya kung maglalakad lamang, kaya tiyak kong magtataka ang iba kung bakit daraan ako pagtungo doon. Maingat akong sumakay sa aking kabayo at pinausad iyon.

Sa hilaga kami dumaan imbis na sa timog, kaya mabilis kaming nakabalik sa palasyo. Bumukas ang tarangkahan ng palasyo at sinalubong ang aking pagdating. Napansin kong halos lahat ay kumikilos para sa pigging na gaganapin mamaya. Bumaba ako sa 'king kabayo. Nang nakita nako papalapit, agad na lumapit sakin ang mga tagapagsilbi at sabay-sabay yumuko.

Goddess Of The MoonWhere stories live. Discover now