Nagsimula ang lahat sa isang pangkaraniwan na pribadong paaralan, ang Faith Angelorum Integrated School. In this school, in a seemingly normal classroom, a group of friends will be made. They will face both sorrow and happiness, experience both fun and problems, learn together, feel together, they will push through their ups and pull together when they're down. It all started because of an annoying little boy.
"Penelope Heart Atienza Ortega! Huy!" Di ko parin siya pinapansin "Pst! Huy! Pinsan!" Damuho talaga
I mouthed "Ano?"
"Pakain mamaya sa inyo ha, wala si mama eh kasama rin si Aya" Tinanguan ko lang siya at nag-gesture ng 'chupi'. Nanahimik na siya after nun kaya ibinaling ko na yung atensyon ko para makinig sa klase, nag start na kasi habang dinadaldal ako nung pinsan ko, partida may dalawa pang pumapagitna sa amin.
"What is the smallest unit in--"
"Ma'am! Ma'am!" Hindi pa tapos magtanong yung teacher namin, may sagot na agad yung hyper kong classmate.
"Sige Hero, what's the answer?"
"Family ma'am!"
"Okay, tama. Sunod naman, ano yung iba't ibang--"
"Ma'am! Ma'am! Pasagot ulit!"
"Okay... Sige nga, ano yung sagot sa tanong ko rapat?" Bibo naman niyang sinagot kung anu-ano yung mga types of family structures. Third day palang mula nang magsimula yung klase, nagtagumpay yung mga classmates kong daldalin yung ibang teachers namin for two days para hindi magturo at isa na si ma'am Hermano run. Nasa late thirties or early forties na siguro si ma'am.
"Hindi ko pa natatapos yung tanong alam mo na agad, galing ah! Very good Hero!" Ngiting-ngiti naman yung classmate kong bibo sumagot, masaya na siya niyan. First lesson pa lang naman sa GMRC, parang bata. Pero feeling ko trip din siyang tratuhin na parang bata nung teacher namin.
"Ngayon, bakit nga ba mahalaga ang pamilya natin? Dahil ito ang pinaka-unang lesson natin ngayong quarter at para mas makilala pa natin ang isa't isa, gusto kong gumawa kayo ng essay kung ano ang kahalagahan ng pamilya ninyo sa inyo." Grade 6 na ako't lahat, eto parin topic? Family? Okay... My mother died last summer, my dad is still mourning and out of reach sa kung saan mang lupalop siya nandoon, I currently have my maternal aunt as my guardian since we lost contact with the paternal one. Both my grandparents does want to stay with me but I know they are busy and if I stay on one side of the family it will not end well for some reason. I'm living with my kasamahan sa bahay, nanang Siling, ate Girlie, and our gardener slash driver slash guard kuya Ronnel a.k.a kuya manong guard. I have a lot to say about my family pero siguradong made-depress lang yung teacher namin pag nilagay ko talaga yun sa essay na ito so kailangan kong ilabas ang itinatago kong alas-- sugarcoating, balutin ng matatamis na salita ang pait na dinaranas. Drama.
"Start na guys, may 15 minutes lang kayo. One whole sheet of intermediate paper, not less than a hundred words" Ang babalang iyon ni ma'am Hermano ang naging hudyat ng kalakalan sa klase.
"Pen-pen!" Hindi ko pinansin yung damuho kong pinsan. Ayan na naman siya.
"Pakalbit nga si Pen-pen, pahingi kamong tatlong intermediate paper" kapal talaga ng apog nito. Yan si Cole Anthony Atienza Schrutz, Cole o Anthony sa iba pero Ton-Ton sa pamilya, pinsan ko.
"Pahingi raw ng intermediate" Tinuro nung katabi ko sa kanan yung pinsan kong may pagsenyas pa ng tatlo. John Kent Trinidad Reyes name nung katabi ko, kahit John or JK nalang daw pero Juan ang tawag ko sa kanya, ang linis niya kasing tignan and may maginoo vibe siya if that makes sense. By surnames yung seating arrangements namin kaya ako na Ortega, siya na Reyes, then Rodriguez, after nung dalawang R na yun is yung pinsan ko 'Schrutz'. Apat kami sa fourth row, right side ng klase sa may pasukan/pinto, and to make it more fun ay ako yung nasa aisle. Yeeey!-NOT!

YOU ARE READING
Her Series of Events (Pen's)
ChickLit"My life seemed to be a series of events and accidents. Yet when I look back, I see a pattern." - Benoît B. Mandelbrot I'm Penelope Heart Atienza Ortega, still learning, still thriving, still growing, as a girl, as a woman, as a human, and this is m...