PROLOGUE

18 3 0
                                    

NOTE: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-----------------------------------------------------------

"Promise?" I asked him with a small voice. My seven year old self is trying so hard not to cry in front of him kaya tumingin na lang ako sa mga kamay ko hoping that I could find comfort through it.

"Of course, Autumn. Babalik ako. Huwag kang mag-alala" He smiled tapos ginulo pa 'yung buhok ko reassuring me again na hindi siya magtatagal sa pupuntahan niya. He then sat on the ground and then inhaled heavily. I can tell na mabigat din sa loob niya ang pag-alis nila rito.

"Gaano ba kalayo 'yung California kuya Burn?" Kahit isang taon lang naman ang pagitan namin, tinatawag ko pa rin siyang kuya simply because he acts like the older brother that I wish I could have but since I am an only child, kuya Raeburn was there for me.

"Malayo yata e. Kailangan daw mag-airplaine sabi ni mama" He sighed. Alam kong mamimiss niya 'tong lugar namin.

"Basta balik ka ha. Maglalaro pa tayo." He nodded as a response. Umupo na rin ako sa tabi niya. Naging tahimik kami habang pinagmamasdan namin ang mga magulang niyang nagpapaalam na rin sa mga kaibigan at kamag-anak nila.

Napansin kong tinatanggal niya 'yung kwintas na bigay sa kanya ng mama niya. Pagkatapos niyang matanggal, humarap siya sa'kin ng nakangiti. Tapos inabot niya sa'kin 'yung kwintas niya.

"Sa'yo na 'yan. Para 'di mo 'ko masyadong mamiss" Ginulo na naman niya ulit ang buhok ko tsaka tumayo dahil tinatawag na siya nila tita.

Naglakad siya papunta sa sasakyan nila kung saan naghihintay ang mama at papa niya. Habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

"Autumn, pakabait ka ha" Tita Mariella said and gave me a heartwarming smile. I nodded and smiled at her kahit na gustong-gusto ko nang umiyak. I hugged kuya Burn for the last time.

Nang pumasok na sila sa sasakyan nila, 'dun na 'ko nagsimulang umiyak. Kuya Burn gave me a thumbs up para tumigil na 'ko at para iparating na okay ang lahat. Until his dad started their car's engine hanggang sa dahan-dahan nang gumalaw ang sasakyan nila papalayo sa kinatatayuan ko. Lumiit nang lumiit ang kumakaway na kuya Burn sa paningin ko hanggang sa 'di ko na sila makita. Iyon na ang huling sandali dahil 'di na siya bumalik.

Lumipas ang mga araw.

Buwan.

Taon. Mga taon.

Naghintay ako ng balita tungkol sa kanya. Palagi ko siyang sinusulatan pero wala man lang bumabalik.

Nakukulitan na rin yata sina mama sa'kin dahil palagi ko siyang binabanggit. Hanggang sa napagod na rin ako kakahintay sa pagbalik ng kaisa-isa kong kalaro.

Dito ko na rin siguro napatunayan na may mga taong aalis at 'di na babalik.
May mga pangakong mabibigkas pero hindi rin pala tutuparin.

--------

SNS ACCOUNT:
twitter: alumiereee

CROSSING PATHWAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon