II.

19 3 0
                                    

"MANONG, PARA PO!"

Agad akong sumigaw nang mapansin kong lumampas na pala 'ko sa dapat na bababaan ko. Sa sobrang pagod ko ngayong araw naiidlip ko na dito sa may jeep.

Nagmadali akong bumaba nang prineno na ni manong 'yung jeep niya sa gilid ng kalsada. Lalakarin ko na lang papunta sa bahay buti na lang at 'di naman masyadong malayo sa kung saan ako bumaba. Pahirap nga lang 'tong mga dala kong libro tsaka mga handouts ko. 'Di ko naman kasi masyadong gusto na mag bag ng malaki dahil masakit sa balikat.

After five minutes ng paglalakad, nakarating na rin ako sa bahay. Pagod na pagod akong pumasok. Nagmumukha na yata akong zombie.

"Andito na po ako." Sabi ko nang makita ko si mama sa may kusina habang busy siya sa paghihiwa ng gulay.

"Oh anak pagod na pagod ka na naman yata. Sabi ko naman sa'yo na kumuha ka ng course na 'di ka masyadong mahihirapan."

Heto na naman tayo. Hays.

"Okay lang po ako, ma. Akyat lang po ako." Ayoko nang makipagbangayan kay mama. Masyado lang hahaba ang usapan kung sasagutin ko siya. Kaya pumunta na 'ko sa kwarto ko.

Nilapag ko na 'yung mga libro at handouts ko sa study table ko tas 'yung bag ko sa may upuan. Pagkatapos ay umakyat na 'ko sa kama ko para humiga.

"Nakakapagod naman. Second week pa lang." Pakikipag-usap ko sa sarili ko.

Ilang minuto rin akong nakatulala lang. Gusto ko nang matulog pero 'di rin naman papayag si mama na hindi ako kumain ng hapunan.

Bumuntong hininga ako at tumayo na para maligo at magpalit ng damit. Shorts tsaka baggy shirt lang ang sinuot ko pagkatapos. Mas komportable kasi ako ng ganito.

Pagkatapos, bumaba na 'ko kahit 'di pa ako tinatawag ni mama para kumain. Tutulungan ko na lang siya kung 'di pa siya tapos.

Nadatnan ko si mama na naglalagay na ng mga pagkain sa mesa. Lumapit na rin ako sa kanya para maglagay ng plato naming dalawa.

"Tatawagin pa lang sana kita e." Sabi sa'kin ni mama habang umuupo na. Umupo na rin ako sa harapan niya. Inabot ni mama 'yung plato ko para lagyan ng kanin tsaka ulam.

"Ma" pagtawag ko sa kanya para pigilan siya sa pangba-baby niya sa'kin pero pinagpatuloy niya pa rin.

"Ma, I'm not a kid anymore." I said.

Nilapag na niya 'yung plato ko sa harap ko pagkatapos ay nilagyan na niya rin ng pagkain 'yung sa kanya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa ilapag na niya rin ang plato niya sa may mesa.

"Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako, anak. Just let me take care of you." Sabi niya habang nakangiti pero alam ko namang dinadamdam niya pa rin na kami na lang ang magkasama simula nang iwan kami ni papa at sumama sa ibang babae.

Malungkot ko rin siyang tiningnan at umiling na lang. Masyado akong pagod para pag-usapan ang mga bagay na 'yan.

"So, how's school?" Pagsisimula ulit ni mama ng usapan.

"Okay lang po. Kaya pa naman." Pagod na po ako. Sinunod-sunod ko ang pagsubo ng pagkain para kunwari ay may gana akong kumain.

"Are you sure? Para kang zombie kaninang pagpasok mo dito." Wala talaga yata akong maililihim kay mama. Kabisado niya yata lahat ng galaw ko.

"Mainit lang po kasi kanina kaya ganon haha" As if naman papaniwalan ni mama 'tong mga rason ko.

"Ayaw mo ba kasing kumuha ng course na mas madali?" No way.

CROSSING PATHWAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon