I.

24 3 0
                                    

"Sis! Tara na lunch na tayo!"

Hindi na 'ko nag-abalang tumingin dahil alam ko namang si Joe 'yun— bestfriend ko ever since junior high kami. Sa ingay ba naman niya imposibleng 'di ko siya mabosesan. Pero dahil busy kami ni Maeve—isa pa naming bestfriend ni Joe pero dumating lang siya noong nasa senior high na kami. Kinuha ko kay Maeve 'yung calculator ko at binilisan ang pag compute netong pahabol na assignment namin sa analytical chemistry. Ang hilig-hilig talaga ng mga prof namin na magbigay ng pahabol na mga homework tapos ipapasa namin 'to after lunch.

"Hoy mga bakla pati ba naman sa personal seen ako?!" I rolled my eyes at him kahit 'di naman niya nakita dahil nagsusulat ako. Binibilisan ko nang magsulat para maipasa na namin 'to at makakain na kami.

"Autumn, tara na pasa na natin 'to" sabi ni Maeve habang pinapasok na niya 'yung mga gamit niya sa bag niya. Grabe, ang galing niya talaga kapag ganitong mabilisang gawa.

"Wait lang, last item na 'ko." Bigay na bigay na 'ko sa pagsusulat nang mabilis tsaka pagpindot nung calculator ko. Sana nga lang tama 'tong mga sagot ko pero bahala na. Tumayo na rin ako para ligpitin 'yung mga kalat ko. Nakaka stress talaga 'pag ganitong nagru-rush ka ng requirement.

"Finally!" Tumayo na rin si Joe tapos sumunod na rin siya sa pagpasa namin sa department. Palagi talaga siyang sumasabay sa amin kahit na iba na ang course niya sa'min tsaka malapit lang naman kase ang building nila dito sa may engineering. Nasa third year college na kaming tatlo. Pareho kami ni Maeve na chemical engineering ang kinukuha habang si Joe naman ay sa comm arts.

Pagkatapos naming ipasa ni Maeve 'yung assignment namin sa may department, hinatak na kami ni Joe papunta sa may cafeteria. Hinayaan ko na rin siya. Gutom na rin ako e.

Pagkarating namin doon, 'di kami agad nakahanap ng mauupuan dahil sa dami ng tao pero buti na lang dahil may kakilala si Joe sa may isang table na katatapos lang kumain kaya pinagbigyan na rin nila kami and hindi rin naman kami nagmamadaling tatlo dahil mamayang alas dos pa ang next class naming tatlo.

After naming mailapag ang mga gamit namin, umorder na rin kami ng pagkain. Kumuha lang ako ng spaghetti tsaka orange juice. Hindi rin naman kase ako heavy-eater kahit na gutom ako. Sapat na 'to bilang lunch ko. Hinintay ko lang silang dalawa na makaorder din ng kakainin nila tapos bumalik na rin kami sa table namin.

"Hoy, Robert Joe! Pagawa naman ako ng assignment namin sa Rizal oh!" Sabi ni Maeve pagkalapag pa lang namin ng tray namin. Inirapan naman siya ni Joe.

"Alam mo may oras kang manood ng NCT pero walang kang oras gumawa ng assignment mo" sabat ni Joe kay Maeve. Tahimik ko lang silang pinapakinggan dahil sanay na 'ko sa araw-araw nilang bangayan.

"Alam mo naman na mahina ako sa mga essay-essay na 'yan e! Tsaka bakla ka, NCT na nga lang nagpapasaya sa'kin" nakasimangot na sabi ni Maeve. Napailing na lang ako habang sinusubo ko ang pagkain ko. Adik na adik talaga 'tong si Maeve sa kpop e. Lalo na sa NCT na 'yun. Minsan nagkukuwento siya tungkol 'dun pero wala naman akong maintindihan. Puro mark lee na lang yata naririnig ko sa kanya.

"Aynako! Tuturuan na lang kita diyan para naman wag mo 'kong asahan. Hindi mo ako sugar daddy! Baklang 'to!" Sabi ulit ni Joe sa kanya. Mas mabuti na nga lang 'yun kaysa iasa ni Maeve 'yung assignment namin sa kanya. Mahirap na rin kasing magsulat ng mga essay lalo na kapag ilang taon nang araw-araw na numbers at computations lang ang hinaharap namin.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si Joe sa'min pupunta pa raw kasi siya sa may library para hanapin 'yung libro na kailangan niya para sa baby thesis niya. Kami naman ni Maeve, tumambay na lang kami sa may reading center may halos isang oras pa kasi kaming paghihintay sa next class namin.

Nilabas ko na lang 'yung notes ko sa Analytical Chemistry para ireview. Medyo nahihirapan din kasi ako rito. Puro word problem about sa concentration tapos hindi pa masyadong maintindihan 'yung way ng pagtuturo ng prof namin kaya kailangan lang din aralin ulit. Habang busy ako sa pagrereview, si Maeve naman ay nanonood na naman ng NCT. Hindi naman siya maingay dahil naka earphones naman siya pero 'yung pagpigil niya ng kilig at tawa niya, 'yun ang medyo gumagawa ng ingay.

Mabilis lumipas ang isang oras. Napagdesisyunan namin ni Maeve na pumunta na sa next class namin. 'Di rin naman nagtagal nag start na rin 'yung klase.

"Okay, I'm going to distribute the result of your first long exam." Sabi ng prof namin habang dini-distribute na niya 'yung blue book namin.

"Autumn Florence Villafuerte" Shit ako na.

Tumayo ako agad para kunin 'yung blue book ko. Sobrang lamig ng kamay ko habang inaabot sa'kin ni sir 'yung result. Nakatupi pa 'yun para 'di makita ng mga classmates ko 'yung score ko.

Bumalik na 'ko sa upuan ko tapos dahan-dahan kong binuklat 'yung score ko.

58/100.

Agad na bumagsak 'yung balikat ko.

60% kase ang dapat na percentage rating namin sa subject na 'to. First long exam pa lang naman, mas gagalingan ko na lang sa susunod. Aabot pa naman siguro ako. Naramdaman ko 'yung kalabit ni
Maeve sa'kin.

"Pasado ka?" Napansin niya sigurong biglang lumungkot 'yung vibes ko kaya tinanong niya. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Okay lang 'yan. Bawi na lang sa next" Sabi niyang nakangiti. Compared kase kay Maeve, mas mahina talaga ako sa computation. Ewan ko ba kase kung bakit naging pangarap ko ang mag engineering. Minsan nawawalan na lang ako ng pag-asa pero siyempre hindi ko rin namang isuko agad ang pangarap ko.

Pagkatapos maibigay ni sir lahat ng blue books namin, nag dismiss na rin siya. Nawala na rin ako sa mood buti na lang at nag cancel daw ng klase 'yung prof namin kase may meeting daw 'yung department nila. Lumabas na rin ako ng classroom dahil feeling ko kase para akong nasu suffocate sa loob.

"Sis, una ka na lang. May gagawin daw kami sa org e. Baka gabihin ako tsaka itulog mo na lang din 'yan. Tomorrow is another day!" Sunod-sunod na sabi ni Maeve. Pilit niya talagang pinapagaan ang loob ko.

"Sige, una na 'ko. Antok na rin ako e hehe." Naglakad na 'ko palayo sa classroom. Pagod na pagod na talaga 'ko. Second week of classes pa lang pero parang magkakasakit na 'ko neto. Lumilipad ang utak ko habang naglalakad nang may biglang nakabunggo sa'kin dahilan para malaglag ang mga dala kong libro at mga papel.

"Ano ba 'yan 'di kase tumitingin sa dinaraanan e!" Galit kong sabi. Badtrip na badtrip na kase ako tapos bigla na lang mangbubunggo 'tong lalaki na 'to.

"Sorry." Tumingin lang siya saglit ng mga 5 seconds tapos naglakad na ulit. Ang bastos naman! 'Di man lang niya 'ko tinulungan. Siya 'tong nakabunggo sa'kin e. Nakakainis naman!

Kahit inis na inis na 'ko, pinulot ko pa rin 'yung mga gamit ko at habang ginagawa ko 'yun bigla kong naalala 'yung mata nung lalaking nakabunggo sa'kin. Parang nakita ko na kase 'yun dati pero 'di ko maalala kung saan at kung kanino ang mga matang 'yun. Bumuntong hininga ako at tumayo na nang mapulot ko na lahat ng nabitawan ko kanina.

Nagsimula na ulit akong maglakad sa may paradahan ng jeep. Gustong-gusto ko nang umuwi at matulog. Nakakapagod kapag ganito. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa may bagpack ko at pinikit ang mga mata ko nang magsimula nang umandar ang jeep.

CROSSING PATHWAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon