IV.

15 0 0
                                    

"Naiinis ka pa rin?" Tanong ni Maeve sa'kin nang sinimulan ko na namang mag rant sa kanya tungkol dun sa walanyang lalaki na nakabunggo sa'kin kahapon at inagaw naman ang kailangan kong libro ngayon. Nakakainis talaga siya! Isa pa talagang pamba badtrip niya sa'kin, kakalbuhin ko na 'yun!

"Sino ba naman kasing hindi maiinis? Ang annoying niya lang talaga, alam mo 'yun?" Sagot ko naman sa kanya pabalik.

Naglalakad kami papuntang terminal. After kong mabadtrip kanina, nagyaya na 'kong umuwi. Nagpaiwan naman si Joe dahil maingay daw sa bahay nila at 'di siya makapagbasa ng maayos. Kanina pa 'ko nagrereklamo kay Maeve habang siya ang chill na chill na nanonood pa rin ng k-pop.

Buti na lang hindi masyadong matagal para mapuno 'tong jeep na nasakyan namin. Uwing-uwi na 'ko. Gusto ko lang itulog 'tong pagkainis ko. Alam ko namang hindi pa nakauwi si mama dahil maaga pa naman.

Naunang bumaba si Maeve. Malapit lang kasi ang bahay nila sa school. Hindi na 'ko natulog dahil baka mailampas na naman ako mas lalo lang akong babad trip'n kapag ganon ang nangyari.

Nang nag para na 'ko, inabot ko na rin ang pamasahe ko. Naglakad na 'ko papunta sa bahay.

Nang matanaw ko ang bahay nila tito Rexter, ang papa niya, naalala kong bibisitahin pala namin sila mamaya. Mainam lang siguro na itulog ko muna para makapagpahinga muna ako.

Kinuha ko 'yung spare key ko sa bag ko at binuksan ang pinto ng bahay namin. Wala pa nga talaga si mama kaya umakyat muna ako sa kwarto ko para maligo. Ang init kasi sa school kahit na wala naman akong ginawa masyado. Gusto ko lang maging fresh. Pagkatapos nun, nag suot na 'ko ng pambahay ko at umakyat sa kama.

Habang nakahiga, hindi maiwasang isipin kung anong pwedeng mangyari mamaya.

Kumusta na kaya siya? Kilala niya pa kaya ako? Naaalala pa kaya ako?

Bumuntong hininga ako habang iniisip ko ang mga tanong na 'yun. Dahil  medyo bored ako dito sa bahay, tinawagan ko na lang si Maeve para naman may makausap ako.

Calling Mark Lee's wifeu <3...

Sumagot naman siya agad.

"Hello? Nakauwi ka na?" Agad niyang tanong niya sa'kin. Minsan talaga para 'tong si mama kung magtanong.

"Oo. Wala lang akong makausap dito sa bahay" sagot ko naman.

"May gusto ka bang pag-usapan?" Na sense na niya siguro na may gusto akong ikwento kaya ganyan ang tanong niya.

"Naalala mo pa 'yung kwinento ko sa'yong childhood friend ko?"

"'Yung first crush mo na pumuntang California?" Narinig ko pa ang mga yabag niya palayo sa kapatid niya dahil medyo maingay ito.

"Hindi ko nga crush pero oo 'yun. Bumalik na sila galing Cali. Dito na ulit yata sila titira." Bumuntong hininga ako pagkasabi ko nun.

"So? Ang tagal na nun, Autumn. Ano ka ba? Mahigit sampung taon na, affected ka pa rin? Uso mag move on, girl!" Sermon ni Maeve sa'kin.

Tama nga siya. Bakit ba ako sobrang affected? Ang bata pa namin noong umalis sila. Baka nga hindi na niya ako maalala e tapos nandito akong kinakabahan sa mangyayari mamaya.

Hays.

After kong marinig ang mga payo ni Maeve na huwag daw ako masyadong mag worry, binaba ko na rin ang tawag namin dahil balak ko pang matulog before kami bumisita sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CROSSING PATHWAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon