III.

19 2 0
                                    

"Ingat ka, anak" nginitian ko lang si mama. 'Di na 'ko nagsalita dahil baka i-remind na naman niya 'ko na bibisitahin namin sina tito Rexter mamayang hapon. Kailangan ko muna ng peace of mind as of now before ko siya makita. Every morning niya 'kong hinahatid dito sa school pero kapag uwian na, nagco commute na 'ko.

Nang makababa na 'ko sa sasakyan, hinintay ko munang makaalis si mama before ako pumasok sa building namin. Maaga pa naman kaya 'di ako nagmamadali tsaka alam ko namang wala pa si Maeve may pagka late iyon minsan e. Ewan ko ba sa kanya, ang lapit-lapit na nga ng bahay nila dito sa school pero palagi pa ring late.

Dahan-dahan lang akong naglalakad. Thirty minutes pa kase before 'yung class ko. Pansin ko rin na wala pa masyadong mga students kasi nga 7:30 pa lang naman. Usually kasi, mga minor subjects lang naman ang mga may klase ng ganito kaaga tapos hindi pa dito sa building ng engineering magkaklase.

"Hi ate" sabi sa'kin nung lalaking mukhang freshie.

Ganyan talaga dito may mga bigla-bigla na lang tatawag sa'yo. Mostly mga freshie na wala pang magawa sa buhay kundi mag spot ng mga pwedeng i-crush or baka friendly lang talaga sila. Ewan ko rin. Nginitian ko na lang siya bago ako umakyat sa may hagdan. Sanay naman na 'ko sa mga ganyan. Hindi na 'yan mawawala dito sa engineering.

Nang nakaakyat na 'ko sa room namin, nagulat ako dahil early bird si Maeve. Nagbabasa pa nga siya ng notes niya nang dumating ako. Mukhang inspired ang baklang 'to. Baka nag comeback na naman 'yung NCT niya.

"Ang aga natin ngayon a!" Kinurot ko 'yung tagiliran niya bilang pambungad tapos umupo na 'ko sa tabi niya.

"Early bird catches the worm! At ang worm na 'yun ay si Sir Racimo hahahaha" tumawa pa siya ng malakas pagkasabi niya nun.

Si Sir Racimo 'yung teacher namin sa physics. Bukod kay Mark Lee, si Sir Racimo rin ang crush na crush ni Maeve. Hindi naman ganyan 'yan kaganado sa ibang subjects e. Matalino si Maeve pero hindi siya ganito kaaga para mag attend ng class.

"Nagbabasa ka pa talaga ng notes ha! Inspired na inspired" tapos tinawanan ko pa siya ng nakakaasar.

"Nagre ready lang ako, sis. Malay mo 'di ba!" Tama nga naman siya 'dun kaya't nakibasa na rin ako ng notes niya habang hinihintay namin ang pagdating ni sir.

Unti-unti na ring umingay ang room namin dahil sa mga classmates ko. Mostly sa kanila nagtatanungan kung anong answers nila sa homework namin ng calculus pero 'yung iba nagdadaldalan lang hanggang sa pumasok na si sir. Doon lang kami tumahimik. Napansin ko rin si Maeve na umupo ng maayos tapos ay ngumiti. Baliw na talaga 'to.

Nag intro muna si sir sa bago naming lesson hanggang sa nagtanong siya about sa difference ng vector at scalar. Agad namang nagtaas si Maeve ng kamay.

Wow! Hermione Granger ka, ghorl?

Nasagot din naman ni Maeve 'yung tanong ni sir ng maayos. Nagpatuloy lang 'yung klase namin. Minsan may mga 'di ako maintindihan kaya tinatanong ko kay Maeve at ine-explain niya rin naman. Buti na lang talaga ang tiyaga niya rin sa pagtuturo.

Natapos din 'yung klase namin sa physics after an hour. Nakita ko pang lumungkot 'yung mukha ni Maeve parang gusto niya yatang magklase ng physics buong araw, jusko! Sumasakit na nga ang ulo ko e, isang oras pa lang 'yun.

Habang naglalakad kami sa next class namin, napansin kong nakaupo sa may bench 'yung lalaking nakabanggaan ko kahapon. Nakatuon lang 'yung atensyon niya sa librong binabasa niya kahit na parang ang daming sinasabi nung kasama niya.

Anong kayang course niya? 'Di man lang siya nag sorry sa'kin kahapon. Nakakainis!

"Huy! Ba't ka nakasimangot diyan? Bilisan mo ngang maglakad. Ana chem pa naman next class natin." Hinatak ako ni Maeve para mapabilis ang paglalakad ko. Tiningnan ko ulit 'yung lalaking 'di nag sorry sa'kin kahapon.

CROSSING PATHWAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon