Chapter 5

705 77 9
                                    

IYONG feeling na okay na siya kanina as in super okay. Maganda na ang mood niya kaso biglang nawala bigla dahil sa presinsiya ng taong nasa harap niya ngayon.

Halos umusok ang ilong ni Yzainna dahil sa itinuran nito. Tumaas pa ang sulok ng labi nito nang makita ang gulat at inis sa kanyang mukha. Itinaas niya ang daliri at itinuro ang walang hiya.

"You're not serious, right? You can't be my engineer. So please leave me alone!" sigaw niya saka hinampas ang kanyang lamesa habang nakaupo pa rin.

Isang ngisi lamang ang itinugon ng binata sa kanya bago ito umupo sa kanyang harapan. Wala talagang hiya.

"Can I see the location, darling?" Hindi nito pinansin ang kanyang masamang tingin.

"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Zarus! Noong isang araw pa kita gustong banatan." May diin ang bawat letrang sambit niya.

Napaangat ang tingin niya ng bigla na lamang itong napatayo at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kanya. Ang mga labi nito ay nakaawang habang nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung nagulat ba ito dahil sa sinabi niyang gusto niya itong patayin o dahil sa pangalang isinambit niya.

Napanaginipan niya ang pangalan na iyon kaya sinubukan niyang itawag iyon dito, nagbabakasakali na iyon din ay pangalan ng binata.

"W-What did you c-called me?" nagkandautal-utal pa ito ng itanong iyon sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo, ang kilay ay kumurba pataas. "Why? Zarus isn't your name?"

Umiling ito. "No... I mean yes that's part of my name. Did you remembered anything?"

Kahit nagtataka ay sinagot niya ito na para bang obligasyon niyang sabihin rito ang totoo.

"Sometimes I dream about my past but it's still vague." Tumango pa siya bago ngumuso.

After the accident happened four years ago her doctors in France said, she has a temporary amnesia. Unti-unti naman itong babalik kaya hindi na lamang niyang pinilit na alalahanin ang kanyang nakaraan. Ang sabi rin ng mga kaibigan niya ay 'wag na niyang alalahanin ang mga iyon dahil iyon daw ang naging dahilan kung bakit siya naaksidente. First, she agreed with it kase no'ng sinubukan niyang alalahanin iyon ay sumakit ang kanyang ulo at dumugo din ang kanyang ilong. But now she wanted to know everything...to remember everything her past.

Aligaga pa rin itong nakatingin sa kanya. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ito. Iyon ang pinagtataka niya. "I thought it was just a temporary amnesia? Why until now you don't remember everything?"

Gulat siyang napatingin rito. "H-how did you know that? Sino ka ba talaga?"

Ang pagkakaroon niya ng amnesia ay itinago nilang magkakaibigan. Isang sekreto iyon mula sa mga taong nakakilala sa kanya sa Pilipinas. Kaya nga doon na sila sa France at hindi na bumalik sa Pilipinas pagkatapos niyang maka-recover. So, paano nalaman nito ang bagay na iyon?

Umiling-iling ito saka marahang ngumiti sa kanya. "I told you i'm your fiance, but you didn't believe it. And darling, I know everything about you."

If he's really her fiance so why Lucé and Jashiel didn't tell her about it? This man is fucking annoying.

Agad na sumama ang kanyang mukha. "You're annoying. Get out, Mr. Cardova! You're wasting my time."

"Zayn naman. Hindi mo lang ako naalala ganyan kana."

"Isang salita mo pa diyan, basag yang bungo mo. Makikita mo."

"Paano mo babasagin?"

"I have my gun here," she lied.

Obscenity Of Memories [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon