Chapter 16

410 35 2
                                    

"ANONG ginagawa ni Margaux rito?" takang tanong ni Rietto kay Yzainna nang makita nitong nagpupuyos sa galit na umalis si Margaux. "At bakit madumi ang mga damit nila?"

Natatawang nagkibit- balikat siya at tiningnan ang kanyang mga anak. "Bakit hindi sila ang tanungin mo?"

Kumunot ang noo nilang dalawa ni Khaleesi at takang nilingon ang kanyang mga anak na naglalaro sa gilid nila. Ang mga tao ay wala na roon dahil pinaalis niya ang mga ito sa mga bodyguard niyang nakakalat sa paligid.

Tumawa siya ng tawagin na ni Rietto ang tatlo. Nag-unahang nagtungo ang mga ito kay Rietto, na may hawak na plastik. Iyon na siguro ang ice cream na binili nila. Nilapag ni Rietto ang plastik sa mesang naroon sa park at lumuhod para mapantayan ang mga ito.

"Anong ginawa niyo sa mga babaeng nagtungo rito? Are they hurt your mommy?" Rietto asked them.

Sabay ang mga itong tumango saka ngumuso. Itinaas ni Yza ang kanang kamay saka nagsalita. "That clown slap mommy many times, so we throw them that paint balloons." Sabay turo sa mga maliliit na lobong may lamang iba't ibang pintura, nasa basket niya iyon nakalagay.

Sinundan naman nila ng tingin ang itinuro nito. "Where did you get that?" Awang ang bibig na tanong ni Khaleesi rito.

"Mommy's Mansion po. Kuya Kaiden and Kuya Kaireo made it." Inosenteng sagot ni Yza.

"Walang pwedeng manakit sa Mommy namin." Matalim na turan ni Kaiden.

Napatingin sila rito. Masama ang tingin nito sa kung saan at nakakuyom ang mga kamay na para bang handa na itong manuntok ng kung sino mang magtangkang saktan siya.

Umiling siya at hinila ito palapit sa kanya. "No one can hurt me baby. Mommy know how to fight them."

"But you let them slap you many times." Ang mga tingin nito ay mas lalong tumalim. He touch her cheek kung saan siya sinampal kanina ni Margaux. "I won't allowed them next time to hurt you, Mommy. We will protect you no matter what."

Nakagat niya ang kanyang labi para pigilan ang mga luhang gustong tumulo sa kanyang mata. Hindi niya iyon inaasahan. Parang alam na yata niya kung saan ito nagmana. Katulad ito ng ama nito. Ayaw din noon ni Drage na sinasaktan siya ng iba. Agad siyang tumingala para hindi makita ng mga ang pagtulo ng kanyang luha, ayaw magpapigil. Kaya lang naman niya hinayaan si Margaux na sampalin siya ay dahil sa mga ito.

---
"Mommy is she a clown?" Inosenteng tanong ni Yza habang nakatitig kay Margaux. Natigilan siya pero agad ring napangiti.

"Ye--- I mean No, Yza." Natatawang wika niya.

'Yes baby, she's clown. Kalahi rin ito ng unggoy na nakaaway ko roon sa Ducasse Cuisine.' Gusto niya iyong sabihin sa anak pero pinigilan niya dahil baka lalong magwala si Margaux.

Biglang nagsalita ang babaeng kasama nito. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Margaux, bata. Pumapatol siya--kami sa mga batang tulad niyo." Dinuro-duro pa nito ang mga anak niya.

Agad siyang napatayo. Ayaw niyang dinuduro-duro ng kung sino ang anak niya. Hinarangan niya ang mga anak niya.

"Ang ayoko sa lahat ay ginaganyan ang mga anak ko." Mahina niyang tinampal ang kamay ng babae. Lumingon siya kay Kaiden. "Baby Kaiden, ilayo mo muna ang mga kapatid mo."

"But Mommy---"

"It's okay Kaiden. Okay lang si Mommy dito." Tumango naman ang nga ito bago lumayo sa kanila. Nakita pa niyang bumulong si Yza sa mga kuya nito. Tumingin siya kay Margaux. "Ano pa bang kailangan mo? You already get what you want. Nakuha mo na si Wren, and  will you also have Oxen money. You took it, huh."

Obscenity Of Memories [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon