Chapter 6

631 71 7
                                    

ANG malamyos na hangin mula sa labas ng bintanan ang siyang nagpamulat sa mga mata ni Yzainna. With her blurred vision, she saw the blue curtain on the wide glass window blows by the wind. It's already morning. She adjust her vision para makakita ng klaro. When she already adjusted she roam her eyes when she noticed that it is not her room.

"Where I am?" she asked herself while roaming the whole room.

The dark blue and white color of the wall makes the room looks manly. Pati ang mga gamit ay kompleto at may pinaghalong kulay dark blue at white. Idagdag mo pa ang panunuot na amoy ng  lalaki sa buong kwarto. Hindi naman masyadong matapang at hindi masakit sa ilong. The room is more relaxing to her.

She was planning to leave the room when the door of the bathroom opened at bumungad sa kanya si Wren na nakatapis lamang ng towel ang pang-ibabang bahagi nito.

Nakatuon na agad ang mapungay nitong mga mata sa kanya habang ang bawat patak ng tubig galing sa basang buhok ay nakakaakit na naglalandas sa mukha nito, pababa sa gilid ng panga, sa baba, papuntang leeg at babagsak sa dibdib patunggo sa walong pandesal na nasa tiyan  nito. Agad itong nagtungo sa kanya at umupo sa harap niya. Hindi niya maiwasang mapalunok.

"You're awake. Are you hungry? You want to eat something? What do you want to eat, then?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

"I w-want water," paos na sabi niya.

Natutuyo ang lalamunan niya saka gutom na gutom na rin siya. Kaagad namang tumalima si Wren upang kunin ang gusto niya. Inilang hakbang lamang nito ang ref na nasa sulok ng kwarto nito at pagbalik ay may dala na itong bottled water. Tinanggap niya iyon at mabilis na itinunga.

"Careful Zayn,"

Halos mangangalahati ang bote bago siya na-satisfied. Ibinigay niya ulit iyon kay Drage na ibinalik naman nito iyon sa pinagkunan nito kanina.

"Are you okay now?" tanong nito nang makabalik sa kama kung saan siya nakaupo.

Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi at ang mga hiblang nakatakip sa kanyang mukha ay iniayos nito, nilagay sa likod ng kanyang tainga.

Marahan siyang tumango bago inilibot ang paningin sa buong kwarto. The room is very familiar to her. Kunot ang noong bumaling siya sa binata.

"Is this your room?"

"Yeah, do you want something? Hindi ka ba nagugutom? Kahapon ka pa walang kain." Bumaba ang nga kamay nito sa kanyang maliit na baywang at mahinang pinisil iyon.

Dapat ay nagalit na siya sa ginawa nito pero hindi iyon ang naramdaman niya. Mas gusto pa yata niya na nakadampi ang mga kamay nito sa kanya. Masarap sa pakiramdam, iyon ang nararamdaman niya. Parang may kumikiliti sa kanya na hindi niya maipaliwanag. Tigaltal siyang napatingin rito. Kahapon?

"Damn it!" she cussed.

Hinanap niya agad kung nasaan ang kanyang bag. Siguro naman ay dinala iyon ni Wren iyon. Nang hindi ito makita ay bumaling siya kay Wren na ngayo'y nakatitig lamang sa kanya. "Where is my bag? Oh god! Baka hinahanap na ako nina Jashiel," tarantang wika niya.

Bigla itong tumayo at pumasok sa closet nito nang hindi nagpapaalam. Napakunot ang kanyang noo. Hindi ba siya narinig nito? Sunod-sunod ang murang pinakawalan niya bago nilibot ng tingin ang kwarto ng binata.

"Stop cursing, darling." Lumabas ito sa walk-in closet, hawak-hawak na ang kanyang bag, inilahad nito sa kanya iyon.

Ngumuso siya at kinuha iyon dito. Mabilis na hinagilap niya  ang kanyang cellphone. Twenty missed called from Lucé and seven messages. Also Jashiel have a thirty missed called and five messages. Mero'n din si Khaleesi saka si Oxen. Shit! Talagang patay siya nito.

Obscenity Of Memories [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon