Chapter 25

449 22 8
                                    

NAKATULALA pa rin si Yzainna hanggang sa umalis ang doktor. Hindi pa rin siya pakapaniwala. Paanong buntis siya? Sa ilang linggong sinabi ng doktor ay wala man lamang siyang naramdaman. Ilang  linggo na pero ngayon pa lamang lumabas ang sintomas na buntis siya. Ganoon ba iyon?

"Ohmy! My Baby Wren is the father, right? May bagong apo na na naman tayo, honey." Naluluhang tumingin si Mommy Lyn sa asawa nito bago lumapit lalo sa kanya. "Inna anak, may gusto ka bang kainin?"

Tumingin siya rito, ngunit ang mga mata'y parang hindi makapaniwala. "Mommy, I'm pregnant." 

Tumango-tango ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Yes Inna, you're pregnant. We're very happy for you... for the both of you," she kissed her forehead.

Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya kay Lucé, itinaas ang kamay para abutin ito. Inabot naman iyon ng kaibigan.

"L-Lucé.."

Lumapit ito sa kanya. Humiwalay si Mommy Lyn sa kanya at nagtungo sa asawa nito. Niyakap din siya ni Lucé.

"Congratulation, Inna." nakangiting sambit nito at hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Thank you!"

Lumapit din si Jashiel sa kanila at niyakap silang dalawa.

"Thank you to the both of you," humihikbing sabi niya.

Humiwalay sila. "We're happy for you, Inna," sabi ni Jashiel.

Ngumiti siya sa mga ito bago tumingin kay Rietto. "Kuya.."

Yes, Rietto is her brother. Hindi alam nang iba iyon, even Wren and her friend. Nalaman lamang nila ito nang ikwento ni Rietto sa kanila noong unang araw nila sa hospital. Rietto use their mother surname kaya magkaiba sila ng apelyido.

Bata pa lamang sila ay itinago na ng magulang nila si Rietto dahil ito ang magmamahala ng kanilang kompanya kapag nawala ang kanilang magulang. Maraming kalaban ang Daddy nila kaya nagplano rin ang mga magulang nila na itago siya ngunit tumanggi ang Lola, ang Mommy ng Daddy nila. Dinala ng mga magulang nila si Rietto sa France, doon sa Lola nila. Namatay ang magulang nila dahil sa car accident. At swerte naman na dahil nang maaksidente siya noon ay doon siya dinala ng mga kaibigan niya sa France. Tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita ulit silang magkapatid. Akala nila Lucé at Jashiel ay boyfriend o ex niya si Rietto dahil mabilis niya lamang itong nakagaanan ng loob. She lost her memories about Wren pero ang alaala niya sa pamilya ay nanatili. She has temporally granded retrograde amnesia. It's a type of amnesia where she will forget the memories in the past maybe a year or two prior to the incident. Akala nila Jashiel at Lucé ay lahat hindi niya maalala dahil iyon ang pinalabas niya. She told them that she can't remembered anything but the truth is ang tanging hindi niya naaalala ay  nong mula ng panahon na nakilala niya si Wren.
Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Sobrang higpit. "Congrats, baby sis."

Naramdaman niyang nabasa ang kanyang balikat kaya humiwalay siya rito. Tiningnan niya ang mukha nito at laking gulat  niya nang makita niya ang luha sa pisngi nito na agad naman nitong pinunasan.

Dinaan niya sa pagngisi ang nararamdaman, pinipigilang huwag maiyak sa harap ng Kuya niya. "You're crying, Kuya," pang-aasar niya rito.

Tumawa ang mga naroon kaya sumama ang mukha nito. Nakikita niya ang pamumula ng mata nito. Masama ang tingin na ibinigay sa kanya.  "I'm not!"

Lalo siyang napangisi. "Oh, yeah?" Pang-aasar pa niya lalo rito.

Lumayo ito sa kanya saka ngumuso. "I said I'm not, Yzainna Aeu Yuria."

Tumawa siya ng tumawa. "Don't deny it, Kuya. Aminin mo nalang kase."

"Tsk!" Tinalikuran siya nito. "You're annoying."

Obscenity Of Memories [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon