Kyle
"Alas! Come on, anak naman anong oras na ba? anong oras ang pasok mo? traffic na" Rap ni mama, ang alam ko.. artista siya? may bago na palang raket? rapper na?
"Hm, I'm awake" Nag-inat ako bago tumayo.
Lumabas ako ng kwarto, gising na silang lahat. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa kaya tumakbo na ako pababa ng hagdan.
"Hey, sabay ako sa'yo ha" Ani ate, nginitian niya pa ako.
Alam niyang hindi ko siya kayang tanggihan kaya sinasamantala niya. She should pay me, ginagawa niya ako driver niya eh.
"Tapos mamaya sunduin nanaman kita kase wala kang masakyan, sa'n kotse mo?" Tanong ko, unang araw na unang araw.
"Shh, hindi ako magpapasundo, don't worry! I promise" Aniya, umirap ako, wala naman akong magagawa kahit magtalo pa kami.
First day ng pasukan, civil engineering, first year. An artist and a model, would it be hard? kaya ko bang pagsabayin lahat?
Si Kim din ay first day ngayon, saan kaya nag-aaral 'yon? magkikita kaya kami ulit? sana..
Umayos ako ng upo at inangat ang ulo ko, nakita ko si ate na titig na titig sa'kin. Ano nanaman ang ginawa ko sa kaniya?
"Ano? Poging-pogi?" Tumawa ako dahil mas sumama 'yong tingin niya sa'kin.
Nag-asikaso na ako ng sarili para pumasok, lahat ng gamit ko ay nilagay ko na rin sa bag, hindi ko na naayos 'yon kagabi dahil hinanap ko 'yung instagram ni Kim. Hindi ko naman nahanap, ano bang username niya?
Nang matapos ay nagpaalam na kami sa kanila para pumasok. Papasok din naman silang lahat, si pa ay pupunta sa court dahil may trial ang kliyente niya, si ma ay may taping mamayang ala-una.
Nagpa-baba si ate sa harap ng campus dahil ayaw niya raw maglakad galing parking at male-late siya. Ako rin naman!
"Bye, thank you my favorite little brother, I love you so much!" Hinawakan niya ang mukha ko at pinisil-pisil pa! AAAH!
Hinalikan niya pa ako sa pisngi, ang diin! ang tagal! may tunog pa! ano ako baby?! tsaka anong favorite brother!? ako lang naman ang kapatid niya!
"Malagkit na mukha ko" Reklamo ko, ano ba 'to! 'yung lipgloss niya nasa mukha ko na lahat!
Tumingin ako sa salamin at nakita 'yung lipgloss niya sa mukha ko! kukuha pa lang ako ng wipes para punasan 'yon pero binusinahan na ako ng nasa likod, nasa gilid kase ako ng campus, 'di naman pwedeng huminto rito nang matagal kaya dumiretso na'ko sa parking para manahimik na 'yung mga nasa likuran ko.
Pinunasan ko lahat ng lipgloss sa mukha ko, ang hirap pang tanggalin at malagkit! Bumaba ako ng sasakyan at tumakbo na papunta sa klase ko, nakakahiya namang ma-late ako sa first day ano! ang tagal ko pang hinanap 'yung room dahil ang laki ng campus! nahihilo na ako..
Pagbukas ko ng pinto ay tumingin lahat ng nasa loob sa'kin, tumaas ang kilay ko dahil huminto sila sa mga ginagawa nila! ngumiti na lang ako para hindi masyadong awkward!
"Kyle, pre! I'm here" Hayop na 'yan, kaklase ko pa rin talaga 'to?! akala ko nagbibiro siya!
Si Michael, kaklase ko nu'ng kinder, grade 1, grade 2, grade 3, grade 4, grade 5, grade 6, grade 7, grade 8, grade 9, grade 10, grade 11, grade 12, hanggang college ba naman!? umay na umay na'ko sa mukha niya!
BINABASA MO ANG
unforeseen (perennial love #1)
Romance𝚙𝚎𝚛𝚎𝚗𝚗𝚒𝚊𝚕 𝚕𝚘𝚟𝚎 #1 Kim and Kyle, who loves each other and are inseparable will experience unforeseen events, what unforeseen circumstances could it be?